Monday, 29 August 2011

NA-AWARD KA DAHIL SA LUHA MO

Posted by iya_khin at 00:38
Eto na, eto na, eto na, eto naaaa waaaaahhhhh aaaahhhh!

Alam kong matagal nyo na itong inaabangan at alam ko kumati na batok nyo kakahintay kung sino ang THE ONE! –intro

Bago po ang lahat-lahat lubos po talaga akong nagpapasalamat sa lahat ng nakilahok sa LUHA MO SA PAKONTEST KO.     First tym ko itong ginawa sa loob ng 2 taon kong pag bloblog, well sabi pa nga maganda talaga paminsan-minsan yung hindi planado, oooops teka hindi naman sa lahat ng bagay, tulad ng hindi planadong pagkabutis hindi planadong magka-IBIGAN, ect.ect.

Narealized ko sa patimpalak na ito… anak ng tinapa! Ang hirap pala! Ang dami kong batyang nakaantabay at sandamakmak na rolyo ng tissue ang naubos ko dahil dito. Nawiwi, naiyak, ngumawa at ilang araw akong binagabag ng pakontest na ito parang bangungot lang!

Ilang araw din akong naghabol sa mga huradong aking kinasabwat pero  tinaguan ako! Walangjoh!! Yung isa nagparamdam nga pero butas agad ang aking bulsa dahil sa pinakain ko muna’t inutu-uto, isang bandehadong kanin w/ ulam at sandamakmak na chips ang nilapang at 4 na litrong lime juice ang tinungga! SYA NA! Halos 4 na oras syang nagscore at halos maloka-loka na din sya sa kakabasa tas ang masaklap pa di nya natapos!! Waaaaaaahhhh!!! So da following day alam nyo na nangyari..nabutas uli ang rice cooker dahil sa kanya! Wala na bankrupt na agad me…

SOS talaga me masyado dahil dito, kaya lubos akong nagpapasalamat sa mga taong sumuporta sa akin at nagpapasalamat din ako kay Sir Kuya JKULISAP sa pagiging isa sa mga hurado, tenk yu, tenk yu, tenk yu po talaga sa tym na ibinigay mo para dito.

Ito po ang criteria of judging kung paano po binalasa ang mga nakilahok.
click to enlarge
Sadya po talagang maraming magagaling kung pwede nga lang lahat winner na! yaan nyo pag nanalo ako sa lotto! :p

So base sa 4 na huradong hinabol-habol ko at sa ilang linggong pag-ngawa ko eto na po ang nanalo at ang prize!!! Pagpasensyahan nyo na po ito lang ang kinaya ng bulsa ko, sasusunod maghahatak ako ng sponsor. Hehe! May balak pa talagang sundan!


PRIZES:
  • kingston 16 GB usb
  • skull candy earphones
  • Dubai t-shirt
and the winner is:


MARAMING SALAMAT PO!


32 comments:

khantotantra said...[Reply]

ang cool ng prize mo.... 16gb! pangkopya yan ng mga movies. sayans at di me nanalo pero congratumalations sa winner!!

more contest iya! :D

Leah said...[Reply]

Wow! Congratulations ke Joey!!! :)

The Gasoline Dude said...[Reply]

Astig! Isa si Sir Joey sa gusto kong manalo, kasama si Bulakbol at Midnyt Driver. Congrats! Magpa-pansit sana siya. LOL!

Nate said...[Reply]

congrats kay Joey!! :)

~ JaY RuLEZ ~ said...[Reply]

ayon ohhhh....

congatulation sa iyo parekoy JOey Velunta!

Congratulation din iyah sa matagumpay mong patimpalak!


:)

Kikis said...[Reply]

congrats! galing!

pamatayhomesick said...[Reply]

nice...:)

EngrMoks said...[Reply]

Naks Sir Joey Congrats! Deserving ka ngang manalo...ang gnda ng tula mo...

mommy-razz said...[Reply]

Congrats sa nanalo..:)

Supladong Office Boy said...[Reply]

congrats kay Joey!! :)

Pong said...[Reply]

Congrats kay ser joey! G2G!

Yehosue said...[Reply]

Congratulations Sir Joey!Mabuhay ka!!

Xander said...[Reply]

wow congratulations.. yung skull candy wahaha.. yun talaga ang price mo iyah.. inggit much..

Anonymous said...[Reply]

bumjabaha ng luha habang binabasa ko ang tungkol dito.
Unang-una, nagpapasalamat po ako sa mga kababayan kong walang sawang sumusuporta. Sa lahat ng Pilipino sa buong mundo at higit sa lahat kay madam president :D ahahaha.

Salamat Iyah. Pangrap ko yang Dubai T-shirt na yan eh. Di kasi ako nakabili nyan nung nariyan pa ako. -joeyvelunta

Bino said...[Reply]

congratulations!!! :D

KikomaxXx said...[Reply]

congrats kay joey :)

Makina ni Monik said...[Reply]

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh Congrats kay Sir Joey, one of my IDOLO. Ehem! Yung 16 GB usb ehem! Ehem! hahahaha! pangarap ko yan. lol

Sey said...[Reply]

Congrats sa nanalo, swerte sa 16GB USB flash drive hehehe!

kikilabotz said...[Reply]

ang galing i sir joev, akin na lang ag prize. ahehehehe. congratz sa pakontest mo iya, kay jhoey at smga nakilahok.. lahat kayo tunay na panalo

-kikilabotz

LordCM said...[Reply]

wow!16gb! ayos yan, sana bukas may contest ka uli, sali na me :))

cuteberl said...[Reply]

well deserve kuya joey... congrats iyakhin sa isang magaling na pakontest... sa uulitin...

empi said...[Reply]

ang ganda ng tshirt! bilhan mo ko. hehe

duking said...[Reply]

congrats, sir joey!

and thanks iyah for an another opportunity na magsulat ako ng may rules at theme na sinusundan. its been another good challenge for me. hanggang sa muli!

Dhianz said...[Reply]

yeah hanggaling nang tula... science! kala koh maraming winners... may 2nd 3rd 4th... baka sumabit akoh don... feeling?! lolz... pero hanggaling nyah ha... he deserve to win it! love his poem... =) but it was fun joinin' da contest! thanks for d' opportunity... naks gumaganon pa eh noh... lolz... ingatz.. Godbless!

p.s. kahit shirt na lang saken.. ok nah... lolz =P

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

congrats sa nanalo kay joey velunta..

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

ang ganda ng tshirt.....magkano kaya iyan..

jedpogi said...[Reply]

congratulation kay joey! isa kang alamat!

kayren said...[Reply]

naks naman! kala ko joke lang na may prize! kung alam ko lang, naghirap na lang sana ako gumawa ng luha entry! (; dapat may kasunod toh ah? (x

Aj Banda said...[Reply]

congrats kay joey! nanose-bleed ako sa post nya! :)

shyvixen said...[Reply]

Kungrats JV!!!!... da best ka talaga.... galing....

Diamond R said...[Reply]

astig ang ang 16 GB usb.
congrats Joey.

palakanton said...[Reply]

congrats sir joey at tnx iyah sa pcontest...

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review