Sunday, 14 August 2011

KABORINGGAN

Posted by iya_khin at 22:11

Last nyt..ehem english yun ah! So yun nga last nyt pagkatapos kong makipaghabulan sa mga papables sa labas ng bahay namin and may I pawis-pawis ako, bumackstroke ako syempre pabalik sa aming house. saan pa ba ako pupunta ala me pera panggala, deym I’m so poor!  Habang ako’y nagpapahinga naisipan kong manood ng movie dahil maaga pa naman para matulog. Gusto ko sana ng Final Destination 5 so hanap-hanap ako sa mga free websites na pwede akong makanood, habang naghahanap ako  nakita ko naman itong isang movie in titled Beastly, so may I tweet ko ‘to sa tweeter ala lang gusto ko lang itweet bakit ba? kasi di pa clear copy yung final destination at nakalagay naman na horror ang genre nito so go play ko sya. Oo ako na ang mahilig manakot sa sarili ko!

Tas biglang may nag-tweet ansabehh..”DON’T. THAT MOVIE SUCKS BIG TIME. YOU WILL ONLY WASTE YOUR TIME.”-gasolinedude

Wow hanep English! Dinugo ako isang litro! Syempre kunwari naintindihan ko sya, sinagot ko horror ba ‘to? Sagot naman sya, hindi romance pero walang kwenta. So ayun tuluyan na akong na turn-off..ayoko kasi ng mga romance 2x na yan nowadays! Hmmp! Bitter!

So uli may I go back ako sa final destination 5, pagtyatyagaan ko nalang sana kahit di clear copy para masatisfy ko lang ang aking need! charoosantuuus! Play..nagulat pa ako dahil ang lakas pala ng sounds ko, biglang nanggulat agad kas si FD5. Pwesto! habang excited akong makita ang cast at ang mga brutal na patayan sa movie biglang naging alien ang salita nila! Watdahek?!!! Epik fail! Ano ba  yan kaasar naman!

Alam ko na boboringgan na kayo, kaya eto talaga ang naging bagsak ko…..


JACKASS 3.5 – BRUTALLY FUNNY!! Sabi ko nga mahilig ako sa brutal! Umpisa palang ng palabas hagalpak na ako sa kakatawa! My gaad ang adik-adik nila BIG TIME! O ha galing kay Gasolinedude yan! Basta sumakit ang tiyan ko kakatawa sa mga pinag-gagagawa nila, para lang akong baliw!

Though may mga scenes dito na medyo naboringgan ako i-rate ko to ng 4 stars. Hindi din sya advisable sa mga bata, nagfefeeling na bata, sa mga maaarte, at sa mga mahina at may sakit sa puso..baka ito pa ang maging dahilan na maitakbo kayo sa ER.

So kung gusto nyong manood….click my ASS

enjoy!
PS: di po nila ako binayaran para mag-promote kusang loob ko itong ginawa. bow!



24 comments:

Neneng Kilabot said...[Reply]

alam mo bang gusto kita halikan ngayon mam dahil dito? hehe.. salamat ng napakarami! :))

The Gasoline Dude said...[Reply]

Hahaha! Muntik ko nang mabuga 'yung kinakain kong pansit habang binabasa ko 'to. LOL! Pero 'di nga, isa na ata sa mga pinaka panget na movie na napanood ko 'yang BEASTLY. OK sana kasi nauuso naman ang mga fairy tale adaptations, pero wala talagang kuwenta ang BEASTLY.

jedpogi said...[Reply]

musta iyah?

khantotantra said...[Reply]

na-nosebleed much sa inglis ni gasdude :p

wakokokok, nablog mo na agads yung pinapanood mo kaninang madaling araw :p

iya_khin said...[Reply]

@nenengkilabot lels! sige halika maghalikan tayo..yun lang kung matitiis mo kasi di nagtotoothbrush mga 3.33year na! hahaha

@gasul kaya di ko na pinanood kasi i believed you kahit di ko naintindihan english mo! Big time! hahaha

@jedpogi uy ok lang naman ako jed, musta mag-ina mo?!

@khanto hahaha oo nga eh! naman, epekto ng walang ginagawa ! haha

EngrMoks said...[Reply]

Ako gusto ko panoorin yung FD5, napanood ko na kasi yung 1-4. At pagnagkita tayo hiramin ko tong Jackass dvd mo.

Ka-Swak said...[Reply]

ok naman jackass kaya lang nababaduyan ako lalo na ung jackass 3d.

pero pag walang mapanood tiyaga na lang hanggang sa makatulog.

Mom Daughter Style said...[Reply]

3 movies yata ng final destination ang napanood ko na.

try ko panoorin yung jackass pag may time.

anyway, ok lang ba magexchange tayo ng LIKE sa Facebook from personal page. Kung gusto mo lang

http://www.facebook.com/pages/Mom-Daughter-Style/247559405254400

musingan said...[Reply]

Jackass: yun unah lang napanood ko.. kaso di ko na sinundan.. di kasi ako nagagandahan.. ewan ko.. pero ok lang naman siya.. di ko lang kasi makuha ang twist ng movie eh... lalo na ang main villain di siya mukhang villain.. mukha siyang misunderstood lang... yun prinsipe.. nawalan rin ako ng gana.. mukhang magnanakaw lang... yun prinsesa.. mukahng tanga lang.... hay... yun super hiro.. kapag lumilipad na.. nakuh... kita ang tali...

JOKE!!!!!

di akko nagagandahan sa Jackass.. kasi di ko makuha ang sense ng pagpapalabas nila ng mga stunt nila na pampagulo lang... kasi kahit kailan di ako natatawa sa mga nakakasakit na bagay.... ok lang kung movie ito.... na alam natin na may special effect dito.. kaso hindi eh... stunt talaga ang ginagawa nila.. bagkus para sa akin.. parang nagmumukhang tanga lang sila duon.. pero ok lang.. napanood ko naman ang unang Jack Ass... pero kahit isang stunt duon... walang nakapagpatawa sa akin...

pero salamat narin.. dahil dito.. try ko ereview ulit ang film... baka sakaling matawa na ako...

Final destination.. isa sa mga Favorite movie ko ito Iya_Khin... sana meron na clear copy nito... 1-4 napanood ko lahat... yahooo....

KikomaxXx said...[Reply]

in memory of RYAN DUNN

empi said...[Reply]

Gusto ang JACKASS

YOW said...[Reply]

Peborit ko kaya ang Jackass. Haha. Sariwa pa sa memorya ko ang pagkain nila ng isinukang omelette. Hahaha.

Bino said...[Reply]

love story kasi ung beastly, maganda naman. cheesy kasi ako wahahahahaha

Leah said...[Reply]

Hmm.. di ko pa to napapanood. Sige sige, makapag download nga. hehehe.. Brutal pa ang comedy nito? Okay lang.. maghahanda na lang ako ng.. kumot or something. haha! lols..

glentot said...[Reply]

What a coincidence last Saturday night I was watching Jackass 2...

Sey said...[Reply]

naku hindi ko pwede panoorin ang Jackass kasi nerbyosa ako. One reason yun kung bakit hindi ako nanonood din ng horror movies baka nga ER and bagsak ko!

LordCM said...[Reply]

gusto ko man iclick ung link mo, pero baka mabwisit lang ako sa 48 years na buffering, kainis lang connection dito!

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

maganda kasi dati puro kalungkutan ka ngayon tawa naman,hehe..

Diamond R said...[Reply]

thanks iya for sharing the link ayon na click ko na at dina download na.
natuwa lang ako sa minipost ni AL na comments mukhang sobrang nag enjoy sa post mo wlang ganang mga comment.

iya_khin said...[Reply]

@moks hahaha wala akong dvd nun nanood lang ako sa online! eheheh

@kaswak ok naman sa aking yung movie pero tama ka may ibang nakakabored dun kaya nga yun ang title nitong post ko! hehehe :p

@momdaugther aaahh cge cge check ko yan!salamat sa pagdaan

@musingan kaya nga gusto ko yung movie kasi totoo yung stunts nila di jafake! hahaha!ako na ang natutuwa para sa kanila! gusto talaga mapanood ang FD5

@kikomaxxx RIP

@empi gusto ko din! :p

@yow ahahaha! ako gusto ko yung kinagat yung pwet yung isanag lalaki sa pwet ng turtle! hahaha

@bino ikaw na ang cheesy! ayoko ng keso ngayon! haha

@leah oo ihanda mo na ang dapat ihanda madami ka dung makikitang di kanais-nais! hahaha

@glentot hahaha pareho talaga tayo ng taste pagdating sa movie! apir to u glen! uy musta kana pala?

@sey advice ko sayo wag mo na nga lang talaga panoorin! hahahah

@lordcm hahaha i pause mo muna bago mo panoorin! hehehe

@arvin oo kaya nga! hehehe

iya_khin said...[Reply]

@diamondr oo nga mukhang walang gana magcomment! hahaha

kikilabotz said...[Reply]

napanuod ko na to. hahahaha. tawa rin ako ng tawa pero mas maganda yung mga eksena sa credits. hahaha. saka yung dadaan sa kuryente. ^_^

Keatondrunk said...[Reply]

fan rin ako ng jackass sobrang kukulit! inaabangan ko yung final destination5

Paolo Roadiel said...[Reply]

Hi po sa lahat ^_^

http://kapatidnasipao.blogspot.com/

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review