Tuesday, 9 August 2011

MULI

Posted by iya_khin at 22:14

source

Sa kawalan ako’y nakasilip
Pilit pinipigil dibdib kong naninikip
Mga matang isang badya lang ay luluha
Wari mo’y unos kay hirap humupa

Sa pag-iisa’y pilit nagpapakatatag
Hirap sa paghinga,waring puso’y malalaglag
Bawat araw isipa’y lumilipad
Mga alaalang nakalipas sa aki’y kumakaladkad

Pilit ngumingiti kahit puno ng pagkukunwari
Hanggad ko lang nama’y makapiling kang muli
Sadyang minsa'y kay lumipit  ng tadhana
Pagsubok nyang inilatag sa’tin sana’y matapos na

Nais kong awitan kang muli
Nasa aking labi’y pag-ibig sayo’y mamutawi
Pagmamahal ko sayo’y lubos na nag-uumapaw
Mahal ko, sa aking puso’y tanging  ikaw.

Sa aking pagbabalik sana’y makapaghintay
Sumpaan sa isa’t isa’y syang magiging gabay
Sa may Kapal syang laging dalangin
Muling masisilayan ka at nananatiling akin.


20 comments:

EngrMoks said...[Reply]

Official entry ba to sa pakulo ni iyakhin?

Ang dami na natin. Kitakita sa finals. Ang galing ng pagkakagawa mo... Hu u? Welcome to blogworld.



Lels

mommy-razz said...[Reply]

kong hnd ikaw ang may pakontest malamang ikaw ang panalo.. hehe! ang maluhang tula.. napaka lungkot..:(

iya_khin said...[Reply]

@moks lol hahahha emo ako ngayon wag ka! huhuhuh kagabi pa ako emo mode...kaya tinatamad akong pumasok kanina

iya_khin said...[Reply]

@mommy oo nga di ko po naisip yun! panalunin ko nalang sarili ko hehe! emo much ako now...

J. Kulisap said...[Reply]

Sana nga'y makapaghintay ang iyong irog.

Tula ng pag-ibig at hiling

~ JaY RuLEZ ~ said...[Reply]

at ang nanalo ay........


IKAW...
:)

hugsss

empi said...[Reply]

ang daya.. bakit ka sumali... e pakulo mo yan. hmp! lols

=supergulaman= said...[Reply]

woaahhh...pang-LDR yan..ganyan nga... ahahaha...mag-emo sa umaga, mag-emo sa tanghali, mag-emo sa gabi..oks lang basta marunong maghintay..sabi nga...

"ang sisiw ay kusang mapipisa sa itlog pagkalipas ng matiyagang paghihitay..hindi mo ito makukuha kung babasagin ito kaagad..."...

...may biyayang naghihitay sa taong marunong maghintay... ^_^

Nate said...[Reply]

@iya: aww... *hugs*

Makina ni Monik said...[Reply]

MAKATA RIN PALA SI KAMAHALANG iYA :'''> galiiiing.

@makatangkiko said...[Reply]

Ikaw na si Makatang Kikay!
Ganda, nakakaantig.

Nawa'y muling manumbalik
itong iyong dating hilig
mga nais mong iparating
sa tula ito padaanin.

[daemonite] said...[Reply]

hala ka!

Traveliztera said...[Reply]

... na-emo na rin ako :((

Bino said...[Reply]

emo post ! pero i like it :)

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

galing mo magsulat ng tula..............

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

aabangan ko pa ang mga susunod mong poem..

YOW said...[Reply]

Nagulat ako sa last lines. Ewan ko bigla ako kinilabutan. Hahaha. Ako na weird. Nakakaemo nga, nakakahawa. Sali ka Ate sa pacontest ni Ate Iya.

iya_khin said...[Reply]

@kuya jk kudos..mahal ako nun! :)

@jay hahaha salamat para ligtas sa prize!

@empi haha di ko po sinasadya..lels

@supergulaman tama pag may tiyagang makapaghintay may biyayang alay

@nate hugs! :D

@monik hihihi wag naman kamahalan nakakahiya! :D

@kuya kiko waaaaaaah!! Bakit nyo po alam?? Nagbackread po ba kayo?? My golly kakahiya po!! Salamat pa din sa encouragement! :D

@daemonite hala bakit?!

@traveliztera waaah steph salamat sa pagdaan! Na emo ka tuloy!

@bino thanks u should write poems too! Lels

@arvin salamat sa papuri!

@yow bakit ka kinilabutan may mumu ba? Lol oo nga sasali ako sa kontest!hehehe

Diamond R said...[Reply]

natawa ako sa comment ni Yoh.wala lang mukha lang seryoso.

Sali ka sa pacontest ni iya pero bawasan mo para sakto lang baka madisqualify may rules.

jhengpot said...[Reply]

Anung kaguluhan ang meron dito! parang isang taon akong nawala. Di ako makarelate. Infairness my rhyming ang muli :) lalike :)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review