Saturday, 6 August 2011

IYAH EL CLEOPATRA

Posted by iya_khin at 23:40

google

Aaaaarrrrgggg finally!!! Halos 2 linggo din akong namahinga at naging abala sa layp-layp ko outside da bloggyworld. Sorry din kung madalang akong makadalaw sa mga kuta nyo dahilan sa inatake lang ako ng pagkatamad at nag-aunwind unwind ako kung saan-saan…di ko kasi kineri ang kalungkutan ko kaya bumackstroke muna ako sandali.

Anyway salamat din pala sa mga nakilahok ng pakontest ko, ongoing parin ito hanggang Aug. 17 kung gusto nyo pang humabol CLICK HERE.

So  change topic tayo..hmmm….gusto ko lang ikwento sa inyo ang nangyari sa akin kahapon! Na-excite ako kaya di ko mapigilan ang sarili kong hindi ito ishare sa inyo as if naman na may pakialam kayo  kaya read very carefully...

WARNING: Mahaba ito bawal ang skipread tsupeee!

Puyat ako kahapon dahil sa 3:33am na me nakatulog  ng madaling araw..oo hirap akong matulog now a days kaya gustong-gusto kong pinapagod ang sarili ko para makatulog ako ng maaga..yung tipong burlogs na ako para pag-uwi ko sa bahay me-idive na ako sa red bed ko. So ayun ng makatulog na ako me-ibeep-beep naman ang phony ko…

Friend: iya nandyan ako sa inyo in 10 mins sunduin kita miscol ako baba ka.

Waat?! Parang kakaidlip ko palang tas ang hapdi ng mata ko..tym check 7am..my golly 3 oras at kalahati palang ang naitutulog ko feeling ko parang 3mins palang. So ayun tayo naman ako…

Fast forward tayo…

Nitreat ako ni my friend sa SPA..akala ko ito yung ordinaryong spa lang..pero na-na-na-na-na! Hindi pala!
Una pagdating namin doon akala ko nasa CASA kami, liblib ang lugar yung tipong sadyain talaga. Ang daming bebot natitibo tuloy ako..lels..so pag pasok namin sa reception dinala kami nung isang babae dun sa parang parlor nila. Me-isitdown naman kami at nag-hintay..maya-maya pa’y nagsilabasan ang mga girls..nagtanong yung isang babae..Sino dito si IYA? Tas me-iraise my hand ako na para akong napipi. Lapitan sa akin ang 4 na babae! Kinabahan ako..kabog-kabog-kabog..kala ko anong gagawin nila sa akin..wag po bata pa po ako 1st tym ko to please make it slow  Hinawakan nila ang parts ng aking body..magkabilaan..kamay at paa at sila’y nag-umpisa. O my gad! Feeling ko talaga ako si Cleopatra! Nilinis nila sabay-sabay ang aking nails..kalurkie! nahihiya pa nga me kasi di ako sanay sa ganitong treatment at nakikiliti me masyado! Eeeeee!

Matapos nun kala ko ok na, yung isang babae tinawag na naman ako uli at dinala ako sa kabilang kwarto, sabi nya sa akin hubad..na pa HUH?! akong bigla. Hubarin mo damit mo sabi nung babae, tanong ko naman lahat?! naexcite me ng slight LELS..cge na nga..so me-ihubad naman ako, pati underwear?! Pahabol kong tanong sa kanya, bra lang tanggalin mo…kinakabahan na naman ako kabog-kabog-kabog pinapasok nya ako sa steamroom na may babaeng nakahubad din! My golly anong gagawin namin?!!! Sabi ng babaeng nakahubad..umupo ka, dahil sa masunurin ako umupo naman ako at nakiramdam. Maya-maya pa’y dahan-dahan nya akong hinimas-himas with something madulas. Tinayuan ako ng balahibo, grabe nakikiliti talaga ako, tas bigla akong nakaramdam ng init..dahil dahan-dahan nya akong pinaliguan ng warm water..oo pinaliguan nya ako! Shinampoo at sinabunan nya buong sexy body ko, para akong batang pinapaliguan pigil ang ngiti ko para akong baliw na nabubungisngis. Pagkatapos nun akala ko lalabas na ako, bigla nyang sinabi, halika dito higa ka.WATTDAPIG?! Si iya wet na wet pahihigain nya! Medyo nahihiya na ako pero dahil nacucurious ako me-ihiga naman ako. Alam nyo yung parang sa palengke yung naglalako ng isda..yung nakadisplay sa tiles..ganun dun nya me pinahiga.

Tapos may ipinahid na naman syang samting na madulas sa buong sexy body ko, si ate sobrang tyansing na lahat hinawakan at hinimashimas nag-iinit tuloy ako! LELS uli! Sandali lang ha sabi ng babaeng hubad..babalikan kita after 5 mins. Shaaaaaks nambitin pa! So lumabas sya maya-maya pa’y biglang umusok sa loob…para akong ini-isteam..tanga lang nasa steamingroom nga ako! Tas after 5 mins bumalik nga si ate, inutasan akong dumapa, dahil nga sa likas talaga akong masunurin dahan-dahan dumapa ang naked body ko kasi madulas! Duh! Himas doon himas dito..maya-maya pa uli’y biglang may magaspang syang hinilod sa katawan ko..my gaaad ulit! Shaaaksss nililibagan ako ni ate!!! Waaaaaahhh! Hilod dito hilod doon, para nga talaga akong fish na kinakaliskisan, harap sabi nya..harapan naman ako, hilod-hilod lahat wala na akong naitago kay ate, nakabuyangyang na lahat! Napapa-eeeewwwww ako!! Dami kong libag!! Di pala epektib ang palofa-lofah lang! waaaahhh! Pagkatapos noon, pinaluguan nya ako uli, parang sa carwash lang nilinis nya buong sexy body ko.

Matapos ang libagan, kala ko tapos na ang lahat…teka napapagod na akong magkweto..inom muna ako…

So naked pa din, dinala uli ako nung isang babaeng naka-damit sa kabilang room naman..dis tym may kama!! Ito na ba yon?! Dahil sa malinis na ako eh uumpisahan na namin?! May isang babae na naman na pumasok, ano ba yan puro babae naman!hmmp!  Pinahiga nya ako sa bed..imagine hubad pa din…ahhhh yon pala yon, imamassage nya pala ako and facial! Sensya nakakapagod na magkwento ng ibang detalye..inantok ako sa loob at nawalan ako ng malay…

So sumatutal….my skin is glowing at ang bango-bango ko! kaadikan ko parang gusto ko ng pagnasaan ang sarili ko! lels na lels lang!

Salamat pala sa sponsor! Sa uulitin!

Da end!


16 comments:

Bino said...[Reply]

hindi ito lumabas sa blogroll ko. bakit kaya. pati ung patalastas. hmmm. nagloloko ang feeds ko ah

Supladong Office Boy said...[Reply]

kelangan tlga 'sexy body'??? hahahah.. asan ang ebidensya kung sexy nga?!

enjoy na enjoy ka sa kwento mo eh after ng spa mo at kagabi, tweet ka ng tweet na naiiyak ka at sobrang nalulungkot.

para kang baliw soulmayt! hahaha.

Leah said...[Reply]

Aaaaayyy! gusto ko rin ng ganyan.. pero sana, lalaki yung ano. haha! ang dumi ng aking mind.. dyowk lang po.

Ang sarap talaga pag libre ano. hehe.. buti naman nakapag unwind ka.. ankapag relax nang konti.

daming sumali sa patumpalak. congrats!!! :)

khantotantra said...[Reply]

ikaw na ang nihimas-himas at pinaliguan ng bongga. andulas-dulas, steamy, naked... parang pantasyaserye ehehehe. :p

Yellow Bells said...[Reply]

ui iya gusto ko rin yan, type ko ay titol nitong post mo. papalitan ko na lng ng bells el cleopatra hahaha. your post is so entertaining. thanks for sharing

@makatangkiko said...[Reply]

*buong body sexy ko lels

iya_khin said...[Reply]

@bino epic fail ako sa blogroll mo..

@suplado solmayt epekto na talaga ito kaya punta kana dito at samahan mo ako! gusto mo ng ebidensya? ok! close your eyes!! ;p

@leah hahaha oo nga walang lalaki! hahaha! alang naman makipagpompyang lang ako! wahahaha! wah na oy! lels oo sarap nga ng feeling! try ko uli pag sahod! hehehe

@bells lol hahaha! cge go! salamat at nagustuhan mo itong mga kabaliwan ko.

@makatangkiko kuya! hahaha! ni-edit ko na! lels oo sexy ako wag na u po pumalag! minsan-minsan lang naman! ahahah

=supergulaman= said...[Reply]

ambango...ahahaha...nakaligo ka nga....ligo na u, lapit na me... lol... =))

sarap mag spa... gusto ko din sna nyan kaso nagdadalawang isip ako ngayon...kung babae katulad nung sa'yo mag-spa sa akin...ayuz na ayuz yun... kung lalaki naman...wag na lng cguro...ahahaha...=))

=supergulaman= said...[Reply]

uu nga...swabe ka magkwento ah...nakakakiliti... aheks... :D

the green breaker said...[Reply]

ay, bet ko yang treatment na naranasan mo! pero feeling ko walang ganyan na pang-lalake. hahaha :D

empi said...[Reply]

siguro tomboyski yong nag asikaso sayo kasi sabi mo sobrang tsansing siya. lols

ang unang basa ko nililibagan ay nalilibugan.. haha ang bad ko talga.

mommy-razz said...[Reply]

ikaw na ang Seksi!! hehe! na try ko din yan minsan pero ok lang, sana nga lang palagi kc para tayong Queen sa ating sariling kaharian.. hehe

Dhianz said...[Reply]

ahahahha.... i had fun readin' it... nde akoh nag-skip... napapasmile at natatawa akoh sa pagkakuwento moh... takte pag akoh ren baka nalibog ren akoh.. nyahaha... buti nde lalaki nanghihimas... kundi 'lah nah... juz do it! lolz... ahehhehe... naaliw akoh sau... parang gusto koh ren yang gawin ahh... sarap tlgah?... na-feel relax tlgah ikaw and glowing tlgah skin moh after... magawa nga yan... ihihire koh boylet koh na gawin yan saken... takteng yan... ahahahah... lolz.. ingatz ms. iya-khin... btw i love 'ung LELS! lolz.. instead of lol.. ahehe... later... Godbless!

egG. said...[Reply]

eto pala yung tweet mo naggoglow ang skin.. jusko wala lang kalerkz lang teh. so LANDEEEEE. chaaarrrrr.....

Diamond R said...[Reply]

na imagine ko yong sa public market yong mga tiles at yong mga fish at nakahilata ka at nagsasabing kaliskisan mo ako.

hahahaha.

Pure indulgence ala cleopatra talaga. Ang daming proseso massagelang pala. magkano kaya yan iya.

iya_khin said...[Reply]

@supergulaman hahaha! paano kung binabae ayaw mo? hehehe! salamat sa papuri ako tuloy na wiwiwi! :p

@greenbreaker hahaha meron ata di ko lang laam kung saan!

@empi hahaha siguro nga! adik ka lang ano! hahaha ikaw na ikaw na ang na e-L!

@mommy sinabi mo pa mommy! sarap ng feeling!

@Dhianz buti nga lang talaga hindi lalaki! wahahahah! paka may matusok ng di oras! wahahah! grrrr...erase..erase...erase! hahaha salamat!

@egg hahah oo malandi ako!

@diamondr tama! parang ganun nga! ahahah! mura lang po package kasi promo 100dhs

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review