Sunday, 7 August 2011

SULAT TOTOO

Posted by iya_khin at 22:48

Hunyo 01, 2009

DUBAI… gusto kong makapunta! Ito ang sabi ko noong ako’y nasa aming bayan pa. Ito ang hangad sa karamihan nating mga kababayan, masilayan ang rangya at kaakit-akit na buhay dito na tinatawag nilang “ the city of dreams”.

Takbo dito takbo doon, halos magkandarapa ako sa paghahanap ng pera pangprocess ng mga papeles ko, makipagsiksikan at pumila ng pagkahaba-haba makiisa sa mga taong nagnanais makatakas sa hirap ng buhay at makalaya sa inaakalang tagumpay.Sa paliparan halos mapunit ang bibig ko sa laki ng aking ngiti, halos maglupasay ako sa tuwa pagkat sa wakas ako’y lalaya na! Ramdam ko ang lungkot ng aking mga iiwan, lungkot dahil sa mahabang panahon na di ko sila makakasama, ang aking supling na walang kamuwang-muwang ay iiwan kong lumuluha at nag-iisa, ngunit linunok ko lahat ang aking pangamba dahil sa isip ko’y ito’y para rin sa kanya.

DUBAI…wow!! Humahagik-hik akong mag-isa na parang sira ng makatungtong ako sa magarang paliparan nila, bungad palang ay batid mo na ang magarbong klase ng buhay na meron sila. Napakaganda ng paligid ni wala kang makikitang dungis, mga iba’t-ibang lahi ang aking kasabay nakikipagsabayan ako sa kanila habang masayang kumakaway.Paglabas ko ay biglang bumilis ang lahat, mga pangyayaring di ko sukat inakalang ito ang sasambulat sa aking harapan ng makita ko ang reyalidad ng bansang aking pinuntahan. Ito ang titirhan ko?? Bulalas ko sa aking sarili, masikip, makipot na kwarto na di ko alam kung aatakihin ako. Ni sa panaginip di ko inakalang ganito ang buhay ng mga kabayan ko, dahil sa tuwing sila’y makakausap di mo aakalain ganito ang kalagayan nila, may ngiti sa labi ni walang bahid ng lungkot ngunit sa gilid ng kanilang mata alam kong puno ng tiis at hirap.

Sa unang linggo ng pagdating ko’y napasabak agad ako sa trabaho, masasabi kong maswerte pa rin ako, di tulad ng iba ilang buwan at araw ang ginugol para makakuha ng trabaho. Sa mga nakalipas na araw ininda ko ang reyalidad isip ko’y di magtatagal at lilipas din ito, ngunit nagkamali ako habang tumatagal simisikip ang mundo ko. Di tulad sa atin may nanay at tatay na mag-aasikaso sayo, mas maswerte ka rin kung may katulong na magsisilbi sayo, ngunit dito sarili mo’y karga mo. Gigising ng napakaaga maliligo sa napakainit o napakalamig na tubig dahil nagmamadali ka, ni hindi pa nag aalmusal ay aalis kana. Kumakalam ang tiyan mo habang nagtratrabaho ka, iniinuman nalang ng kape para kumalma ang sikmura, mas mainam talaga kung may kaibigan ka dahil meron naman may tiyagang magdala ng pagkain at walang humpay ang pasasalamat ko sa kanila. Lumipas ang mga araw salamat pa rin dahil buhay pa ako, ni hindi alam ng mga magulang ko na halos mabaliw na ako…lalo na ng dumating ang hagupit ng krisis na patuloy na hinaharap natin ngayon, hay naku po paano na ako?

Di ko sinisisi ang nangyari sa akin sa simuman dahil niyakap ko itong buhay na sa akala ko’y mag-aahon sa akin at marangyang hihimlay, ngunit kung maiisip kong napakaraming bayarin  na naghihintay haay.. parang gusto ko ng mahimatay. Anim na buwan walang sahod, kinakapalan ang mukha kahit tuhod ay nangangatog malagyan lang ng kaunting laman ang tiyan na kumakalog di mo mahahalata dahil nagpapanggap na busog. Pilit na ngumingiti kahit sa loob-loob ko’y nagngingitngit, walang magawa kundi ang tumahimik. Paligid ko’y unti-unting lumilipas mga kasama’t karamay ko’y unti-unting nalalagas, sabi pa ng iba’y tayo na’t tumakas, pero may takot itong si kabatak sa itaas kaya’t heto ako’t lalaban hanggang manigas.

DUBAI.. di ko gustong dito mamatay, nasaan na ang rangyang pinangako? Ako sayo’y sumasamo, sa matataas mong gusali sa kinang ng iyong ginto sa lawak ng iyong paligid at sa rangya ng iyong palasyo ngunit bakit iniwan mo akong nagdudusang mag-isa sa disyerto.

Augusto 05, 2011

DUBAI..mga kabayan taas noong patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay…mga kabayan hanggang ngayo’y umaasang sa dulo ng lahat ng pagsisikap at tiyaga, sa bawat usal ng panalangin, sa kada patak ng luha..uuwi parin sa sariling bayan na may dalang tagumpay at oo isa ako sa kanila!


30 comments:

EngrMoks said...[Reply]

Mukhang mararanasan ko ang laman nito. Sana tulad mo ay swertihin din ako.


Gudluck sa pagsali mo sa patimpalak na ito.

Anonymous said...[Reply]

i feel for you soulmayt.

ganyan din ang naramdaman ko noong ako'y nangibang bansa. pero hindi pa rin ako titigil sa pag-abot ng aking mga pangarap, at ako'y patuloy pa rin maglalakbay at mangingibang bansa, dahil alam kong mas makikita ko ang liwanag sa ibang bayan kesa dito sa ating bansa na mismong kapwa mo pa ang magbabaon sa'yo sa lupa.

khantotantra said...[Reply]

aaaaaa. naantig naman ako sa post na to.

mukang entry to sa isang pacontest ah. goodluck iya.

eMPi said...[Reply]

Ganun talaga pag wala ka sa sarili mong bayan. Lakasan mo na lang ang loob mo.

Good luck, iya!

Tc :)

egG. said...[Reply]

grabe.. pero at least matapang ka iya.. nagtiis at nagtiyaga... congrats pa rin sayo. and good luck... contest pala sinalihan mo heehhehehe :)

=supergulaman= said...[Reply]

ummmm...yan nga..ganyang ganyan ang kwento ng misis ko...sabi nga nya...masarap pa rin kahit papano sa pilipinas...matagal ka na din pla dyan...dito kasi yung 10,000 pesos mo, magandang apartment na yun....dyan bedspace lang katumbas nun..ilegal pa...haaysss... ang hirap kumita ng pera..sabagay tiis tiis lang..bukas luluhod din ang mga tala... ay pelikula... lols! ^_^

Anonymous said...[Reply]

mahirap talaga grabe.

good luck sa entry mo :D

Anonymous said...[Reply]

makatotohanang pagsasalaysay. good luck ate iyah! :)


Rainbow Box

Call Me Xander said...[Reply]

huwaw.. may entry.. very touching naman.. nakakaiyak ha.. hmm emo mode ulit? hehe.. peace.. Good luck sa entry mo.

Anonymous said...[Reply]

para sa pacontest ito iya? GOOD LUCK!!

touched naman ako, yan pala kwentong Dubai mo.. cheer iya..

Unknown said...[Reply]

ang ganda naman ng pagkakasulat nito. Nakakalungkot pero nakakabilib. gusto kita yakapin iya. hanga ako sayo at sa lahat ng kababayan nating nangingibang bansa. promise. Isa yata yan sa hindi ko kayang gawin ang malayo sa pamilya at hindi makakain ng luto ng nanay ko ng matagal na panahon. Maraming beses ko ng inisip at muntik na gawin pero ayoko pa talaga. bilib ako sayo. pero alam kong may mararating dahil sa determinasyon mo. God bless iya. Nag level up talaga ang paghanga ko sayo dahil dito. kung dati nasa 8 ang paghanga ko ngayon 11 na (10 being the highest). hehe..

J. Kulisap said...[Reply]

Babalik ka din sa Pinas, pasalubong ang mga karanasang iyan. Dito kasi sa atin, mahirap talaga pero iba naman ang ligaya't nasa sariling lupa ka.

:)

Diamond R said...[Reply]

Good luck Iya.

YOW said...[Reply]

Sa post na to, ramdam na ramdam ko kung gaano kahirap maging OFW. Saludo ako sa inyo. God bless po Ate Iya. At good luck sa pagsali. :D

joeyvelunta said...[Reply]

Yung pakiramdam na galak na galak ka nung nasa eroplano ka na pero yung utak mo naiwan sa Pilipinas. Tapos biglang lilipad yung utak mo. Maunahan pa nitong lumapag ang eroplanong sinasakyan mo. Ang ganda ng imahinasyon mo sa itsura ng lugar na iyong pupuntahan. Tila lahat perpekto. Tapos nung lumapag na yung eroplano sabay din yung paglapag nung pangarap mo. Tapos ramdam mo ang init na unang beses mo pa lang maramdaman sa buhay buhay mo. Tapos dadating ka sa bahay na iyong tutuluyan. Doon na titigil ang lahat. Gustuhin mo na lang bumalik sa Pilipinas.

Anonymous said...[Reply]

Isang damdaming punong puno ng emosyon,lahat kakayanin para sa pamilyang naiwan,at pagbabagong mananaig pagbalik sa lupang bayan.

Good luck iyah sa entry mong ito!

Anonymous said...[Reply]

Awww... Naiyak naman ako nang slight. nalungkot.. pero nainspire din. Ganyan talag tayong mga Pinoy.. lahat kakayanin, kayang tiisin.. para lang sa ating mga minamahal.

Good luck sa entry mo Iya.. :) Support kita. :)

Zanty said...[Reply]

Peba Entry!! GoodLuck po!!

Totoo nga lahat ng sinabi mo, Dubai din ang unang bansa na napuntahan ko, kakaiba talaga pag 1st time :)

Anonymous said...[Reply]

Am so touched with this entry, full of emotions. Grabe, ibang klase. Pray that your entry will win the PEBA. You I believe you deserve it. GOD Bless :-)

Chin chin said...[Reply]

May mga nakilala na rin kami sa Dubai na nagsasabing mahirap nga ang buhay...lalo na kung hindi ka isa sa mga pinalad na maganda ang naging employer.

Sana ang kuwento mo ay magbigay ng inspirasyon sa makababasa na kahit sa anong kalagayan sa Pinas man o hindi na maging masigasig pa rin sa kabila ng lahat.

God bless.

Anonymous said...[Reply]

higit kasi sa gusto lang nating umalis, gusto rin nating mabigyang katuparan yung mga pangarap na minsan, parang ang hirap makuha kapag andito tayo.

experience, iyah. maituturing mo na rin na personal na tagumpay lahat ng matutunan mo habang nariyan ka.

Anonymous said...[Reply]

hindi pa pala ako nakakapag iwan ng komento dito... Masasabi kong ang bawat natutunan natin ay tumutulong sa atin upang mabuo. ang galing mo nga kasi lumaban at nanindigan ka pa din kahit hirap na hirap ka na. lagi mong tatandaan. nandito lang ang mga kaibigan mo sa blogosperyo para pasayahin at kulitin ka pag nalulungkot ka. Ingat ka lagi dyan ate iyakhin... hehehe

Buhay Abroad said...[Reply]

Ito ang totoong buhay abroad.Goodluck sa iyo diyan Kabayan.

Pinoy Emirates said...[Reply]

Aww, kaya mo yan.. Konting tiis at tyaga, sana makamit mo rin ang mga pinaghirapan mo :)

http://dregm.wordpress.com said...[Reply]

medyo malungkot.. ganyan talaga.. good luch ha...

doon po sa amin said...[Reply]

hello, iya_khin...

madamdamin at matapang ang iyong komposisyon. totoo pala 'yon, na hindi nagpasweldo ng 6 months sa UAE dahil sa recession...

pero patuloy kang gumagaod at iyon ang mahalaga. sa dulo, ika'y mananaig pa rin kundiman lubusang managumpay... sail on, dream on! :)

McRICH said...[Reply]

congratulations sa iyong entry :) mabuhay ang lahat ng ofws!

Kayni said...[Reply]

good luck with your entry.

Anonymous said...[Reply]

HI MS IYA KUMUSTA bA NAMAN ANG kWENTO NG BUHAY AT bAHAY. mAY NEED BA SIYANG MAIPAGAWA NG lIBRE AS IN. hINDI KA NA SIGURO SI IYA KIN. YOU CAN WRITE ME gramabelle@yahoo.com.ph

Anonymous said...[Reply]

Posible ang libreng Makeover ng house nyo sa EXTREME MAKEOVER HOME EDITION PHILIPPINES, SOON TO AIR SHOW NG TV5.
OPEN PO ANG INVITATION TO APPLY OR NOMINATE OFW UNTIL MONDAY. iLL ATTEND TO YOUR INTERESTS TO apply OR nOMININATE KAPWA NYO ofw NA tINGIN NTO AY UNIQUELY EERVING DAHIL LAHAT NAMAN NG ofw AH HERO

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review