Monday, 5 November 2012

food-tasy

Posted by iya_khin at 00:20
google

Haaaissst hirap na talaga akong mag-update ng blog ko puro sabaw na nasa utak ko, ay mali pala tuyot na! Dami ko sanang gustong ikwento pero masyadong personal kaya huwag nalang, baka kasi di nyo makayanan tsaka kahit ako hirap na hirap kayanin..ayyy ewan!

Nagugutom ako...

Parandom post muna, ‘to yung mga food na pinagpapantasyahan kong kainin sa mga oras na ‘to:

1. adobo (atay at balunbalunan) liver and gizzard – gusto ko yung pinatuyo!
2. prito/inihaw na tilapia w/ bagoong at kamatis – kumakain ako habang nasa gilid ng ilog.
3. bulalo – para sipsipin ang utak at humigop ng sabaw.
4. crispy pata – aaayayayyy magdagdag ng kolesterol!
5. bopis – yung madaming sili!
6. tinolang manok – native na manok o yung namurder sa sabong!
7. sinaing na tulingan – dapat madami sinaing na kanin.
8. pulang itlog w/ kamatis at manga – walang kaeffort-effort pero dami kong kain nito.
9. daing / tuyo / bulad – samahan mo ng pinakurat na suka at sili!
10. letchon – mag- bp muna bago lumapa!
11. balot – nangangatog ang tuhod ko kaya need ko nito.
12. laeng – madaming madaming sili at baboy at dilis!!!
13. adobong tahong – namiss ko ‘to samahan mo ng alak on da side!!
14. barbeque na isaw baboy / manok – sarap isawsaw sa sukang punong-puno ng sibuyas bawang at sili!
15. inihaw na pusit – amoy palang napapa- ummmmm na ako.
16. sushi / maki rolls – wasabi and soy sauce my all time favorite!!
17. adobong kangkong / sitaw – something green.
18. fried chicken thigh part - yung jumbo tas maraming-maraming ketchup or oyster sauce or maggi savor sa mainit na rice.
19. pasta / noodles / pizza – any of the three!
20. steak - medium rare yung madugo-dugo pa...sarap!

Lastly ito pinakagusto ko….

21. lalaki – finger licking good! Yummy! LELS

Epekto na ‘to ng gutom ko last kong kain nung sabado pa ng umaga…naghahallucinate na ata ako…


8 comments:

fiel-kun said...[Reply]

elow :)

haha, natawa ako dun sa last crave mo --- Lalaki XD

ang dami ko din gusto jan sa food list mo lalo na yang itlog na pula with mangga at kamatis, isang kalderong kanin lang katapat nyan haha talo talo nah :D

JonDmur said...[Reply]

hahaha! dami namang foods.. nagutom tuloy ako....

okay ung last ah hehehe

MEcoy said...[Reply]

sakato adobong atay balunan ulam namin hhaha
some how specialty ko adobong manok hahaha

axl powerhouse production inc said...[Reply]

adobong kangkong masarap to.. fave ko to lalo na yung asa pampanga ako... kakagutom tuloy....

khantotantra said...[Reply]

kaya ka nagcracrave kasi hangpayats mo na iyah! Lalaki na lang lantakan mo para mas lalo ka pumayats. lols.

Sa list mo, ayuko nung liver at balunbaluns..... di ko maaatim na tikman yuns.....

Akoni said...[Reply]

# 21 ako.

Bino said...[Reply]

at gusto ko ung mga pagkain na yan maliban sa ilan hehehe

Pareng Jay said...[Reply]

Anong gusto mong luto sa lalaki? Hehe

* Pareng Jay was here

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review