Monday, 17 November 2014

1st love (PART 1)

Posted by iya_khin at 04:57
Noong unang panahon nung maliit pa ako ang sabi ng nanay "don't talk to strangers." Yan naman diba lagi ang bilin sa atin "NOONG UNANG PANAHON"..pero iba na ngayon.

"can you be my textmate?"
"Sure!"

Simple, walang kahirap hirap, old school pa nga yan eh! Nowadays makakita lang ng pogi at magaganda't seksing babae mangitian ka lang eh bibigay na agad! kaya madaming naloloko tas in the end ngangawa-ngawa! waley lang di ako makarelate :p

google image
Naalala ko tuloy yung 1st crush ko cguro nasa grade 2 palang ako nun, kyut din ng name nya di ko malilimutan.. "TON-YING" you're no cleaning!!  Yan tawag sa kanya ng mga uhuging bata dun sa may amin! Eh paano ba naman, ang dungis-dungis ng damit nya di ko alam kung saan sya nagsususuot pero sa mata ko.. "ang kyut-kyut nya ate charo!!"

google image
1st year highschool ako nung matikman ko ang matamis na unang halik....1st kiss! chaaarrrr! naset up ako ng mga jologs kong klasmayt! Napakamalas ko naman talaga!! Dream ko pa naman noon eh yung magiging first kiss ko nasa gitna kami ng hardin ng prince ko, surrounded with flowers... gumamela, santan at rosas! oh diba taray! mga ganung eksena sana ang pangarap ko...kaso planggak sa plangganang butas, gumuho ang lahat! Nayurakan ang buong pagkataon ko, dahil sa likod ng pinto ng 1st year high school classroom ako ninakawan ng halik! hayooooooppp!!! 

google image
1st kiss means 1st embarrassing moment
Alam nyo naman pag highschool di maiiwasan ang asaran, syempre nalaman ng buong bayan!!! parang gusto ko nalang mag-melt down nung mga araw na yun sa kahihiyan, dinaig ko pa ang bandera sa kahalayang ng pang aasar nila. pakssyyeeett!!

google image

1st bulakbol
At dahil mayaman si mamah at si papah syempre I studied at a private school. Private school means mahigpit ang seguridad katumbas naman ang mataas na matrikula! kamote! 
2nd year highschool - Dahil sa mga good fellow dabarkads ko, umagang-umaga palang eh nagplan na silang mag-cutting classes, diba masaya?! Ako na walang kamuwang-muwang eh kasali pala sa plano nila, asar din ako actually that day kaya wala din ako sa mood pumasok sa VALUES class ko kaya napilitan akong sumama. VALUES.... bawal ligawan ng titser ang studyante..kapalit nito 92% grade sa class! With a fake names and fake excuse letter nakalusot kami sa guwardya, nagcut class para manood ng sine! Kinabukasan, suspended kaming lahat! From head to toe ang takot namin dahil pinapatawag ang parents namin sa school..ang ginawa.. lumayas kaming lahat! kawawang nilalang..chooss... mga 1 day lang naman  kami nawala kasi nahanap kami agad ng aming mga butihing magulang..kami na ang bad cheetah! :p thanks to etchoserang frogs di tuloy kami nakatumbling papuntang cebu!




to be continue...epal 'tong amo ko!







1 comments:

duking said...[Reply]

Haha! Balik tanaw. Baka kailangan mo munang umattend ng high school reunion. Hehe!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review