Thursday, 18 July 2013

nang dahil sa init mo....

Posted by iya_khin at 00:47 9 comments
Nakakainit na ng ulo talaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!! waaaaaaaahhhhhhhh!!!! Sobrang init na nga ng weather dito sa disyerto pati ba naman 'tong bwiset kong telepono nakikisabay din!!! Haaay naku! kaloka na talaga! kabibili ko lang netong phone ko na 'to 4 months ago eh binibigyan na ako ng problema kabwiset talaga! Actually 2weeks palang to sa akin sakit na 'to ng ulo! pero dahil sa tamad-tamaran ako eh di ko napapalitan.... my bad....


Di ko alam kung bakit pero lagi 'tong nag-iinit na halos pwede ng mag-gisa dahil sa init, minsan nakakatakot kasi baka bigla nalang sumabog tas pansin ko din mas lalong umiinit 'to pag nasa bulsa ko! kaloka? lalaki ata 'tong phone ko lagi syang hot pag hawak ko! Sarap ibalibag at durugin! 


Can you feel me peeps?!! Diba nakakainit naman talaga ng ulo lalo na pag laging nag-hahang ang phone mo 'tas natataon pa lagi na pag may importanteng kausap ka sa text, fb, twitter, bbm, whatsapp, wechat at kung ano-ano pang social network! Tas kakacharge mo lang eh lowbat na kaagad?!!!! waaaahhh!!! 'nyeta!! katweet-tweet at ka-PM mo pa naman si crush mo!

goggle
Diba tama 'tong piktyur?!! nowadays di ka mapapalagay pag wala kang teleponong bitbit, mas importante pa nga to kesa sa wallet mo.. lalo na pagnaka-unlimited call and text ka at connected to wifi! Sosyal!! Haaayyy! nakakaurat lang talaga at dahil dito nakapagblog tuloy ako!

mecometer
Kita nyo yang chart? Di naman gaanong halata na mahilig sa telepono ang pinas kahit recession na eh pataas pa din ang bilang ng mahilig makipag txt at tawag ultimo si lola at lolo may hawak na celphone khit malabo na ang mata. dabaaaah?!!!! The Mobile cellular subscriptions of Philippines is 99.3 (per 100 people) with a global rank of 99. Oh diba taray!!! nakapagresearch pa talaga ako dahil dito!!! waaaaaah!!!

google
Ang totoo... gusto ko lang bumili ng bagong phone.. mawala ng lahat ng lalaki sa mundo wag lang ang celphone ko.. chaaaaarrrr... gusto ko yung phone na malakas magvibrate para feel na feel ko pag meron akong message! hehehe!

Anong brand and model ng phone ang maganda? Help me gad! :p





Sunday, 7 July 2013

...................

Posted by iya_khin at 00:45 24 comments
tumblr
i've done so many things in my life...

so many failures..

so many mistakes...

been in a lot of pain...

but no one has the right to stomp on my dignity..

no one...

not even you...

co'z you really don't know...

who really i am...

and what i have been through...

no one...


yes....

not even you....


Friday, 5 July 2013

Naka-ummm na ako, kaya eto sayo!!

Posted by iya_khin at 03:27 2 comments

This is it....oooh.... i finally found someone......

ano na?! eeeekk! alam ko inaabangan nyo 'tong post na 'to hehehe sensya naman nagsunod muna ako ng taba kaninang umaga kaya ngayon ko lang ito nagawa. Actually, nahirapan akong maghagilap ng judges para sa kontest kong "Naka-apat na si Iyah, pumayat kana ba?' hehehe nahirapan pa talaga ako sa lagay na yan! 

Akala ko talaga lalangawin ang kontest pero masaya ako kasi sinuportahan nyo pa din ako kahit papaano. Haaiiiisst..nakakatamad na talagang magblog minsan pero trying hard pa din ako kahit wala ng taong naliligaw dito.

So dahil nga sa nagpakontest ako, syempre dapat merong manalo! hehehe! pero bago ang lahat eto muna comment ng mga hurado..

Sya nga pala salamat sa pitong sumali, salamat talaga sa inyo sana isa-puso nyo yung mga tulang isinulat nyo. Salamat din sa mga hurado nauto ko na naman kayo! hehehe!

reason y i like the entry ___________dahil akma sya sa theme mo at the same time nag rhyme sya... para sa akin kasi  ang tula hndi lamang sa metaphor or delivery ng poems... na coconsider din dito paano nagagamit ang mga salita na magkatunog. at kung habang basahin mo sya..parang ang gaan basahin at nakakatuwa.. one word sa nagsulat nito. SMART! " - cathy

"May napili na ko, yung pang ___________”.
 Gusto ko sya kse:

1.       Straight to the point towards the topic- about health.
2.       Sakto lng yung haba ng tula, di maigsi, hindi den mahaba
3.       Wlang msyadong sinasabe na di tugma sa theme
4.       Masarap sya basahin kumpara sa ibang poems
5.       Pwedeng slogan yung ibang stanza
6.       May panawagan sa taong makakabasa
7.       Simple lang yung mga words na ginamit – madaling intindihin
8.       Makes the readers realize about healthy living na hindi mukhang ipinipilit syo to live healthy,
pinaparealize na may mga bad habits na dapat pag attention –parang ganon." - joyce

" Nakakatense, habang binabasa ko nagdidikit ang dalawang betlog ko, ganun ka-tense ang dating sa akin, kaunti na lang ay titirik na pati mga mata ko. Bersyon ito sa ng tula ng movie na Shake Rattle and Roll part 1, 785, 410, para itong isang episode na may title na _______. May isang sumpa na nagpasalinsalin sa pamilya nila ng mahabang panahon, at siya lang ang makakapagpatigil nito, dahil siya ang the chosen one. Hindi man niya maiwasan hindi dumaloy sa kanyang mga dugo ang sumpa, may paraan naman siya para maiwasan ito o maputol niya. Isa itong paglalakbay sa buhay na punong-puno ng pag-asa." - akoni

Ilan lang ito sa mga komento ng mga hurado, sinadya kong di ilagay sino napili para walang hurt feelings, yung ibang komento di ko na din isinama dahil wala silang explanation! LOL! heheheh!

So sino ang namarkahang manalo?!!

Ang prize?!

1 pair of adidas running shoes

Sana magamit mo ito para masimulan mong isabuhay ang healthy living! Para sa susunod ikaw naman ang maging featured guest sa...




Congrats to you.....








LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review