buhay nga naman...
napaka-unfair...
nagtratrabaho ka pero di mo nararamdaman, may mga bagay at balak kang gustong gawin pero hindi pwede. lahat nalang para sa ibang tao... paano naman ako?
tao lang..sabi pa.. may needs ka din para sa sarili mo pero.. HINDI NGA PWEDE!
may dapat kang unahin, meron kang dapat suportahan, umaasa sila sayo.. ang hirap.. lalo na pag-single mom ka...tulad ko.
maiyak-iyak kana kung paano pagkakasyahin ang sahod mo, minsan yung sarili mong allowance o pagkaing isusubo ibibigay mo na din sa kanila, paano ikaw lang ang aasahan at takbuhan nila.
kailangan mong kalimutan ang sarili mo para sa kanila, lahat sa kanila, puro sa kanila..minsan gusto ko ng magwala!! PUTAAA!!
pag di ka nagbigay, pag di ka tumulong ikaw pa ang masama kesyo selfish ka daw ect! hindi ba nila alam kulang nalang kumain ako ng buhangin para may maiabot sa kanila at abusado pa..nanakawan pa pati anak ko, nakakatawa diba?! sarili mong kapamilya nanakawan ka! PUNYETA!!
kakainit na talaga ng dugo, punong-puno na talaga ako!!
pati future nila iiaasa sayo, gusto isusubo nalang sa kanila..paasa daw pagbinitin mo sila.. WTF?!!!
pinagtapos ng pag-aaral pero nakaasa pa din?! ano yon?! baldado ba?! hindi naman diba?!!
Paulit-ulit tong sinasabi sa inyo ng mga nag-aabroad..ilang beses na tong ipinaskil at inyong nabasa...
HINDI TUMATAE NG PERA ANG MGA OFW's!!!!!
HINDI KAMI BANKO!!!!
ang dami nyong shitness pero hindi nyo man lang kami naiisip!!!
bato-bato sana matamaan kayo!!