Demonyo..
Isa kang demonyo…
Sa likod ng maamo mong mukha’y mapanlinlang mong mga
gawa
Nagkukubli’t
nag-aabang, balat kayo balat kayo
Puno ng kasinungalingan, kakaiba kang talaga.
Isa kang demonyo…
Sa dugo mo’y nananalaytay kasakimang taglay
Balat mong kulay perlas, ngunit sa paningin ko ika’y
naaagnas
Banal-banalan sa publiko, salot ka sa buhay ko.
Isa kang demonyo…
Lahat ng pag-mumura’y gusto kong ipukol sayo
Hangad ko ang kamatayan mo
Sa araw ng burol mo magpapa-fiesta ako!
Demonyo…
Demonyo ka!
Demonyo ka!
*tang-ina!! Bakit kasi mahal kita?!