Sunday, 29 January 2017

When She Cries..

Posted by iya_khin at 22:22 4 comments
Aloha!! 2017 na pala halos isang taon din akong hindi nakapagsulat o nakadalaw man lang sa blog ko. Buti hindi 'to dinedeactivate ng blogger kala ko nga wala na 'to.

So kamusta?! Para lang akong tanga kinakausap ko sarili ko...as usual nasa opisina ako at pumepetiks walang mga amo kaya madaming free time. Hindi ko alam kung marunong pa akong mag sulat inaamag na ang utak ko.. or sobrang dami lang talaga ng nilalaman nito kaya di ko alam saan ako mag uumpisa.

Ano ng balita?! hmmmm.... ngayong araw nanalo ng ms. universe si ms. France..yun lang ang alam ko kasi nakita ko lang sa wall ng fb ko tsaka nalaman ko lang dahil sa mga kaopismayt ko. Di naman kasi ako nanonood..ooohh well call me boring or whatever pero wala kasi akong hilig sa mga beauty contest.

Speaking of beauty...paksyet tumatanda na ako...nakakasura itsura ko kaya iniiwasan ko ng magselfie at manalamin.. i can see clearly my wrinkles are coming out...nakakadepressed..wala akong pampabelo..

Alam nyo yung " You are happy and sad at the same time?" ako ata yun..

Lately I am feeling so down talaga, nadedepressed ako..dapat nga hindi.. galing palang ako ng bakasyon pero since I returned back here in abroad I feel so down..homesick pa ata ako...

Namimiss ko anak ko araw-araw.. I am sad kasi nagbibinata na sya and I am not there to guide him and to be beside him.. time is running out... magcocollege na sya nxt year then after that baka magka gf na tapos pag nakagraduate na sya wowork na sya..tas mag kakapamilya na... I am so sad and depressed kasi how I wish na nasa tabi nya ako sa mga panahon na nangyayari yun at dumadaan ang ganung mga mahahalagang pangyayari sa buhay nya... pero nasa malayo ako.. wala akong choice... ako lang mag isa bumubuhay sa pamilya ko.

Though I have so much to be thankful too... yung goal kong maging fitness instructor naachieved ko na, I have a very awesome and regular classes which I am thankful as well pero sometimes ramdam mong may kulang pa din.. inside me.. i'm still sad and incomplete... yung "it's not you, it's me..

Lovelife? meron naman.. I am also so thankful for my partner now napakasupportive nya wala akong masabi..but... future? di tiyak... happy and sad at the same time right?

Naiiyak din ako kasi nakakasawa ng paulit ulit na routine ng buhay ko dito.. work..work..work...
Sabi ng iba dapat daw magpasalamat ako kasi may work ako dahil hindi madaling makahanap ng work these days... I am working because I have too... ako lang inaasahan... kahit super sakit na ng katawan ko dahil bugbog na kakaraket need pa din pumasok..tapos ungrateful pa yung mga pinapadalhan mo at mga abusado.. a big WOW! diba?!!! Minsan naiisip ko kung pwede lang i-pause ang time kahit mga 1 month lang gagawin ko... I really really need a big break.. yung wala akong iisiping gastos or anything...

Ayaw kong tumandang mag-isa....

"That's the problem with being the strong ones, no one offers you a hand."






LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review