Salamat Bro at nakaraos na naman ang pasko, pang tatlong pasko ko na dito sa dubai simula ng napunta ako dito. Ibang-iba talaga ang selebrasyon dito, wala kang makikitang parol na kumukuti-kutitap kung saan-saan,makakakita ka ng christmas light pero pailan-ilan lang mabibilang lang sa daliri mo. Walang na ngangaroling na makukulit na bata na kung ilang beses bumubulahaw sa bahay nyo hanggan matulili kana sa ingay nila, walang gate crasher na kahit di imbitado eh nasa bahay nyo't nakikisalo't nakikiepal, excuse me kilala mo ba sya?!weeee! Pero ano pa ma't nakakamiss talaga ang pasko sa pinas,kakaiba talaga!
Share ko lang sa inyo yung pinagsaluhan namin nung pasko...ito po yung puting pansit,walang kaarte-arte, walang sangkap na gulay o ano pa man kundi bawang na pampalasa at mailan-ilang butil ng manok... but guess what!? Ito ang pinakabest na nakain kong pansit sa tanang buhay ko! korek po ang nabasa nyo, sarap to the highest level talaga! di ko po alam kung nakakain na kayo nun pero sa akin first time ko pong makatikim nun! Actually po inihahalintulad ko po sya sa pasko, ano ba talaga ang essence ng pasko para sa inyo?
Napaisip ako ng tinanong ako ng kaopismayt ko tungkol dun, alam ko naman ang sagot eh pero inirelate ko sya dun sa pansit puti napinagsaluhan namin. Di na kailangan ng magarbo, di na kailangan ng maraming palamuti, di na kailangan kung gaano karami ang handa nyo ang importante ay mabigyan natin halaga kung bakit natin pinagsecelebrate ang pasko. Dahil syempre kay Jesus! Ang importante ay mabigyan natin halaga ang presensya nya, dahil sa kanya tayo ay naligtas sa ating mga kasalanan, dun sa mga taos pusong nananalig sa kanya. Hindi dahil sa tuwing pasko ay nageexpect tayo ng regalo o maraming kainan, dapat sanaý di lang tuwing pasko tayo naghahanda, sanaý araw-araw natin paghandaan ang ating may likha at araw-araw tayong magpasalamat sa kanya. Sa pansit puti,tunay ngang kay sarap mong talaga,ramdam na ramdam ko ang iyong kakaibang lasa! Sa nagluto (aka ate jas) sanaý maulit muli!
9 comments:
Basta spaghetti lang ako lolzz ...
Merry xmas at happy new year sayo :)
:D kahit iba selebraxon dyan, pinoy kp din at nakatatak na sa puso mu un. alalahanin mu n lng ung mga pasko mu dito. haha. wala lang. hapi new year pansit.
basta ako ayoko ng pansit lang.. hahaha.. magcecelebrate nlang din nman, itodo na! minsan lang nman sa isang taon.. hehe. pero tama ka dyan, ang dapat lang nman talaga wag kalimutan kung BAKIT tayo ngsecelebrate ng pasko.. MAligayang Pasko sayo at masaganang bagong taon na din!
masarap din carbonara. haha. nakikiusyoso lang. nakibasa din. happy new yr iyakhin!!
buti pa sa iyo pansit, kami ng mga barkada ay alak, hehe..advance happy new year sa iyo..
Wow sarap naman, sa tutuo lang I love white pasta kaya't kahit anong simple ang sabihin mo sa puting pansit to me it will always be delicious.
Ngayung bagong taon, magluluto ako ng carbonara at invited ka. God bless.
Happy New Year.
@ lordcm naman love ko din ang spaghetting pababa at pataas! love it best pag mama ko ang nagluto! miss it too much!
@kox oo pinoy ako pinoy tayo! wee!
@ayu korek ka dyan!
@pmm012 trip mo magarbo sige invite mo nalang ako kung lalapang na tayo! wee!
@aneng tenk u sa pagtambay, love carbonara also with plenty of mushroom!yamyammy!
@arvin naku,bawal yan,ban yan sa amin!
@pope kuya happy new year too! sige punta ako,teka kailangan ko pa yata ng visa papunta dyan!? hehehe!
naks!
salamat sa pansit...
ahaha!
ang sarap ng pasko mo ate!
hehe.
parehas kami ni Lord CM.
spaghetti din ako!!!
hehe.
HAPPY NEW YEAR!!!
:p
weeeehh spageti rin ako...hahaha..d ako makipansit ei...pero tama ka hindi mahalaga ang handa, ang mahalaga dun is kung pano nyo i-celebrate ang pasko at kung sino kasama mo..
cheers to that!!!.....
Post a Comment