Sunday 25 July 2010

Ayoko na.........

Posted by iya_khin at 23:43

Bored…..wala mga amo ko kaya eto petiks na naman…basa lang ng basa, di ko pa kasi matapos tapos ang breaking dawn ni Bella at Edward…feeling ko na rin tuloy ako si Bella…except lang dun sa ginawa nya sa nabasa ko kahapon yung pagtoma at laklak nya ng dugo para magsurvive yung fetus sa loob ng tummy nya…
Henyway…wala akong maisip isulat, actually timatamad na akong magsulat now a days..puro kasi ka-emohan ang buhay ko,sawang-sawa na ako…ayoko na din ng name ko..IYA_KHIN, damn ayoko ng umiyak…..naprapraning na ako (slight!)kakakaloka kasi dito…o naglolokalokahan lang ako…ewan…
My mom just passed away last month actually 1 month na ngayon exactly…I wished I had a portal…
Di kasi ako nakauwi…………I was not able to see her…..and I’m not going to see her na talaga dito sa earth unless…….

So much about that…I’m moving on…moving..moving…moving…but I’m feeling numb….
Di ko na nga talaga makuhang umiyak di tulad dati napakababaw ng luha ko, kahit mga balita lang sa TV o commercial naiiyak na ako pero ngayon di ko magawa….siguro pinatatag na ako ng panahon o dahil sa tindi ng pinagdaan ko dito eh nakakasawa ng umiyak….

Madalas ngayon gusto ko lang magbasa,kasi napupunta sa ibang dimension ang utak ko….
Mas madalas din gusto kong maraming ginagawa ayoko na kasing mag-isip….
Kaya ngayon wala na ako maisip na isulat….
Sakit ng ulo ko…

Ayoko ko na…

8 comments:

Jag said...[Reply]

I'm sorry to hear about ur mom...condolence po...bilib ako sayo ang tatag tatag mo...

God bless!

2ngaw said...[Reply]

kalungkot naman ung hindi mo man lang nakita mom mo...hirap buhay ng ofw no :(

di bale, kaya mo yan! Ikaw pa! :)

Superjaid said...[Reply]

condolence sis..kaya mo yan..God bless

pmm012 said...[Reply]

my condolences.. tama, wag ka na ngang umyak.. kung nasaan man nanay mo, sigurado akong ayaw ka nyang nakikitang palagi nlang lumuluha.. ang sakit sa mata nyan ate..

toybox said...[Reply]

This article is very interesting, thanks for sharing us this post, you can also visit Sports Pilipinas www.sportpilipinas.blogspot.com, for your daily news in Sports around the world

an_indecent_mind said...[Reply]

hello babaeng iya_khin!

as an OFW, isa ito sa mga kinatatakutan ko.. yung sa huling sandali ng importanteng tao sa buhay ko e wala ako dun.. hindi man sya good thought pero minsan di ko maiwasang i-entertain yung ganun, kasi yun ang reality at bahagi yun ng sacrifices natin as OFWs...

condolence for your loss, maybe hindi ka pa handa na mawala sya but be happy for her because andun na sya sa piling ng Lumalang sa atin.. hindi naman sya totally nawala, yung thoughts and memories nya palaging andyan lang yan to guide you in all your decisions and to comfort you in time of sorrows..

cheer up, be brave and go on with your life! alam kong nakikita ka nya ngayon, at yan din ang words na gusto nyang sabihin sayo..

iya_khin said...[Reply]

@jag haay...dey dnt knw dat i come running wen i fall down...dey don't know who piks me up wen no 1 else is around....

@lordcm cnabi mo pa....

@superjaid tenk u

@toybox tenks 4 droppin by...at d moment pass muna ako sa sports...

@an_indecent_mind wow ha na amazed naman ako sayo, ikaw ba yan?actually ito ang reality...di ko parin nga matanggap wala na sya... 3 years na ako dito...sa panahong iyon di ako nakauwi ni minsan...pag alis ko dun malakas pa sya at walang sakit biglaan lang last december...bilis...

Anonymous said...[Reply]

alam ko medyo late na toh, but i sincerely hope that you're feeling better, even for just a bit.

i never know what to say to people who just recently lost a loved one.. hmmm.. be strong.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review