Wednesday, 28 September 2011

speechless me...

Posted by iya_khin at 05:07 17 comments

speechless ako....

salamat po ng marami sa nagbigay oras sa pag-gawa ng pic greetings para sa akin...sensya sa kakulitan ko!
sobrang enjoy ng berdey ko! maghapong nakamukmok sa kwarto ko salamat sa HANGOUT sa G+ nag-enjoy ako sa pagtuturo kila bino at leah kung paano magluto ng hotdog n egg at salamat nakilala ko ang bago kong kras lels ako na madaming kras. salamat sa mga nagdaang kabaliwan at kaemohan na naicontribute ng mga tao sa paligid ko. salamat din sa kaplastikan at pang-aalaska sa akin akala nyo di ko alam, salamat sa mga heyters na patuloy pa din sumusubaybay sa akin, you complete me! salamat sa mga bagong kaibigan na naging close at not so close ko dito sa bloggy world. salamat sa mga kakulitan ko sa tuwetuur, salamat sa pag memention sa akin na may kasama laging @ salamat sa pagbabasa ng maemo kong mga post. salamat sa lahat ng taong naniwala sa kakayanan ko sa PEBA at sa Saranggola isama mo pa ang KM2 sir kuya kuli paramdam u salamat sa mga secret admirers ko kapal ko i admire u too lels  salamat sa pag-ibig kung meron nga ba talaga.salamat sa LUHA kontest ko naluha talaga ako lalo na sa courier sa pinas bumaha ako ng luha buhaya takte! salamat sa mga blog nyo dami kong natutunan puro kalokohan lalo na sa blog ni mocha gspot iheyt u di na me uulit! salamat sa lahat lahat ng support nyo, salamat sa berdey greetings na bumaha sa fb at tuwetuur. salamat sa prayers nyo if ever naalala nyo ako salamat sa secrets...with s talaga! o wag nyo ng alamin secret nga eh salamat sa paalala at mga alaala ng mga tunay na nagmamahal sa akin kahit sa gabi nagmemensahe kayo..alam nyo na kung sino kayo. salamat sa lahat ng concern nyo at pag-aalala. salamat din dun sa bus na nasakyan ko sana makilala ko balang araw yung driver nun at itreat ako sa chili's, mamang driver don't wori di ako pihikan! salamat sa lahat lahat....

eto seryoso na...

i thank the Lord for giving me another year to celebrate my birthday, i thank Him for everything He has given to me. i thanks Him for His mercy and love and for the forgiveness i have received from Him, in spite of all my failures and my so called FILTHY WICKEDNESS He has been so gracious to accept me again and again. I thank Him for his unconditional love and calling me as His own. I thank Him for letting me serve Him through music and publication ministry. i thank Him for the wonderful people He has given me and also for those people He has placed to challenge me and to help me change for the better. i thank Him for always being there for me when i cry for help at times i feel so all alone.

"Lord i give you me, i give you my all, i'll hold nothing back i'll answer when you call, though i live or die your glory is my life, my royal destiny.."


video

Sunday, 18 September 2011

MATILDA HUMAHARASS

Posted by iya_khin at 03:31 20 comments
ishoot sa bonggang banga iahdz09@gmail.com bago pa kayo malagot kay Matilda! hehehehe


Thursday, 15 September 2011

Bad Day

Posted by iya_khin at 04:38 19 comments

" kung katulad lang sana ng pempols ni matilda ang mga problema
sana maantay ko lang ng isang linggo at mawawala din."





 
Bad Day - Alvin - Chipmunks

Tuesday, 13 September 2011

Malapit Na..

Posted by iya_khin at 22:39 19 comments

Malapit na....
Malapit na malapit na…
Malalagpasan ko kaya?
O tuluyan ng mawawala?

Malapit na….
Malapit na malapit na…
Kakayanin ko kaya?
O sa likod ng rehas ako’y mangangapa?

Malapit na…
Malapit na malapit na…
Makakamtan ba ang pag-asa?
O sa kadilima’y tuluyan ng mag-iisa?

Malapit na…
Malapit na malapit na…
Wag kang malulumbay pagnaganap na
Wag kang magtataka pag ako’y biglang nawala.

Malapit na…
Malapit na malapit na…



Sunday, 11 September 2011

MANIKA

Posted by iya_khin at 22:54 35 comments
Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.

Aking opisyal na lahok para sa kategoryang blog freestyle
ng


MATILDA MISS U

Posted by iya_khin at 00:16 21 comments

Paumanhin po kung may topak si Matilda, epekto din po yan ng sobrang taas nyang grade sa GMRC.



Saturday, 10 September 2011

techkie you?!

Posted by iya_khin at 00:17 7 comments
Techkie ka ba?! Gusto mo bang manalo ng android phones?! Check this out peepz!

CLICK ME!
Kung interisado ka pindot ka din DITO.

Ang post na ito ay bilang supporta kay pareng MUSINGAN.


Thursday, 8 September 2011

MATILDA MALDITA

Posted by iya_khin at 00:52 26 comments


Hala lagot kayo kay Matilda kaya iboto nyo na ako baka masapak kayo! lels
Bumoto dito sa PEBA tandaan NO.13! PINDOT NA!


Wednesday, 7 September 2011

Dahil sa KAPE

Posted by iya_khin at 02:19 17 comments

google

Huli sa balita? Late bloomer?! Luma?! Laos?! Mangmang?! Taga-bundok?! OO AKO NA!!

Bakit ikamo?!

Dahilan sa naadik ako…slight..nainlove?! PWEDE!! Oo nahumaling ako sa isang Korean series na which is siguro’y napanood na ng buong madla maliban sa akin! Enggot lang! Pero wag ka pinukaw nito ang ma-EMO kong puso….haaay sarap mainlove at kilig-kiligin na para kang nawiwiwi..parang teenager lang! Lels!
google
THE 1ST SHOP OF COFFEE PRINCE! TAMA! Lakas ng sipa nito sa dibdib ko! Halos lumuwa na ang mata ko dahil sa pagmamarathon ko nito,buong araw akong nakatutok sa lappy ko dahil sa pagsubaybay nito.
google
Ang kulit ng series na ‘to ang kyut-kyut ng mga characters at ang saya ng mga eksena hindi ako nabored. Siguro alam nyo na ang kwento nito, nitatamad kasi akong magdetalye!
Basta masaya! Lalo na ang mga eksena nila Go Eun Chan (Yoon Eun Hye) at ni Choi Han Kyul (Gong Yoo)! Ang kyut nila as couple kasi their so innocent parang ako lang! top10lies I love the way they act, natural na natural, patawa lang kasi laging nababatukan si Eun Chan!
google
Pero nainlove talaga ako to the highest level kay Gong Yoo! As in makalaglag panga at nakakalaway sya, pumapalakpak ang aking tenga pagnakikita ko sya! Parang nikukuryente ang buo kong katawan! Waaaaah! I think I’m so inlove! Kung dati si Lee Min Hoo ang apple of my eyes ngayon nipalitan na ni Yoo! At first di sya ganun kagwapo sa paningin ko pero nang matutukan ko sya ng maigi..gossshhhh ako’y nagblublusssshhhh!!! Ang landeeee ko lang! Ganda ng smile at ang dimples!! Ganda din ng figure nya hindi payat hindi mataba, saktong sakto lang pangkama ang built nya.

Yoo akin ka nalang please?!!


PATALASTAS:
* Birthday picture greetings ko asan na i-sumite sa iahdz09@gmail.com OO demanding ako!
* Nangangampanya po ako para sa PEBA entry ko…paboto naman please ika numero 13 DITO.


Sunday, 4 September 2011

bumubuga...

Posted by iya_khin at 23:02 18 comments
aaaaiiigooooooooo!!!!

takit...
takit...
takit...
takit...




kahit takit-takit ng tiyan ko yung pic greetings nyo inaantay ko pa din....
ishoot sa inidoro.. iahdz09@gmail.com


Thursday, 1 September 2011

Dahil BER na!

Posted by iya_khin at 00:53 21 comments
BER na! Kailangan ko ba talaga maging excited dahil BER na nga? hmmmmm...

Para akong naglilihi na di ko maintindihan, malamang kung ka TWEETS ko kayo alam nyo ang ibig kong sabihin.  Gumawa ako ng mailan-ilang listahan ng aking mga hiling na sanay kahit isa sa mga ito magkaroon ako...

WISH LIST:
  1. crafted scented candles
  2. bonsai
  3. printed blogger t-shirt with my name (size medium)
  4. anime / manga / cartoons ni IYA
  5. badge / pin / button syempre with my name din
  6. hardbound series ng The Hunger Games
  7. kipling bag
  8. makakain ng nilalakong singkamas with bagoong
  9. binatog ni mamang nakabike
  10. makakain ng lechon
  11. crispy pata sa barrio fiesta
  12. isang dosenang balot
  13. isaw, ulo ng manok, dugo, ect na nibabarbeque sa kanto
  14. spaghetti
  15. pansit bihon
  16. pansit palabok
  17. roasted chicken
  18. slice bread
  19. ice cream
  20. cake
pero kahit itong last sana magkaroon ako at ipagkaloob sa akin ng mga taong makakabasa nito...

   21.  picture greeting mula sa puso nyo...

OO, BER na...nag BEBERTDEY din ako dahil septemBER na! Mahaba-haba pa ang tym nyo kaya sana mapagbigyan nyo ang IYA_KHIN na tulad ko.

Maari lamang pong ipadala sa aking basket sa iahdz09@gmail.com at kung gusto nyo ng karagdagang regalo sa mga nabanggit ko sa taas from no.1 to 7 di naman po ako masyadong choosy, imessage me nyo nalang po at malugod kong ibibigay ang address ng kuta ko. hihintayin ko hanggan ika- 23 ng buwang ito.

O paano ba yan, WISH KO LANG sana may magparamdam kahit isa sa inyo...kundi...kundi....iiyak ako...waaaaahhhhhhh!!
patahanin nyo ako!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review