Hindi ko alam kung paano ko
sisimulan ang post na ‘to, hirap akong magtipa ngayong mga panahong ‘to. Hindi
ko din alam kung may napapadaaan pa sa blog kong ‘to pero yaan na basta try ko
lang ulit mag-update baka sakaling may mapadaan at maglaan ng time para
magbasa.
Sad..lagi naman diba..ano pa
ba ini-expect nyo sa blog kong ‘to? Hindi po ako nandadamay para malungkot kayo
or what pero ito kasi ang hingahan ko….di po ako nagkakalat ng negative vibes.
Lahat ng kaemohan at pasakit sa katawan lalo na sa puso pati na din sa coconut shell ko eh
napagdaanan ko na ata..halos gutay-gutay na ako at basag na basag na…durog kung
durog..ewan….Gusto kong magsisisigaw, gusto
ko din umiyak ng umiyak buong araw kaso di ko magawa..bato na ata ako.
Halos every week gusto kong
lumaklak ng alak, badtrip lang di na ako tinatablan manhid na nga yata ang
katawan ko. Araw-araw nagbababad din ako sa gym pagkatapos ng trabaho,
dumideretso na ako don para pahirapan at pagurin ang sarili ko to the extent na
maubos lahat ng lakas ko para pag-uwi ng bahay bangenge na ko sa pagod…wala ng
time mag-isip…ngarag na..
“Lingid sa inyo kalungkutan ko’y umaapaw,
pagluluksa sa katauha’y dumadaloy nangingibabaw,
maskarang suot di nyo alintana
ngiti sa mukha’y pilit kong ipinipinta.”
Gusto kong dayain ang sarili
ko, gusto kong takasan lahat ng mga gulo at gusot sa buhay ko. Ang hirap lalo
na pagwala kang karamay. Meron ngang dumating pero ano?! Masahol pa sila sa
ahas, sinakmal kana nga pipigain ka pa, pagwala na silang makuha bigla kang
bibitawan at iiwang lupaypay. Bato-bato matamaan ka sana! Nasaan KA, KAYO
ngayong naghihingalo ako?!!
“Buti nalang din may bagong kaibigang nakilala
Kanya-kanyang pwesto sa kadilima’y parehong nangangapa
Ako, siya, sila, kami pareparehong nakatunganga
Sa silid pampalakasan nagpapagal, umaasa.”
Si Anna, si Ria, si Jass….di
palang ganun katagal pero para kaming Nokia, we connect! (ala special mention
lang! Mema lang! :p)
Sabi ng iba mag-enjoy lang daw
ako, enjoy?!! SPELL?!! At the end of the day backstroke na naman ako ng
bonggang-bongga, mas malupit pa sa plangganang butas!
Gusto kong mainlove, I mean
inlove pala ako…pero bawal…pigil..ayoko na…masasaktan na naman ako..katakot
na…mahirap magtiwala…baka sa huli lolokohin lang din ako at iiwan.. ewan..ang
gulo…nakakabaliw….pero mahal ko na….yun lang…
I miss my dad…
I miss my brothers…
I miss my son…
I miss me…
Birthday ko pala…happy
birthday to myself…cheers!
10 comments:
"Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana'y may luha pa, akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan"
kumikintal ang awiting ito habang tumatanghod ako sa bawat titik na naklimbag dito. (lalim). :)
ano iyah? palagi ka na lang umiiyak ah. kelan ka tatahan? hmmmm... wala ko masabi :(
tahan na iyah
@TAMBAY napakanta tuloy din ako...salamat sa pagpapatahan..ganun talaga..di ko din alam kung kelan ako tatahan...salamat sa pagdaan..
teka, bat may moving gif image na parang nirape kasi may kutsilyong nakaabang?
alam mo, iyah, triny kong mag-google ng kasagutan or tips or anything na makakasagot sa problem at dinaranas mo ngayon kaso anlabo ni google....
siguro time could tell when you will be happy deep deep down....inside
cheer up
aww pati ako parang na depress... /sigh
anyways, happy birthday iyah!!! ^_^
*big squishy bear hugs*
di man tayo madalas magkausap, lagi ka naman sa mga panalangin ko. isang super huggggzzz sa iyo bff. umuwi ka na kasi ng magkasama na tayo lol
aw. think positive po. wag kang aayaw. :)
Myxilog
happy birthday sis!!sorry kahit malungkot tong post mo di ko mapigilang di mapangiti dahil sa mga gif. haha
ang lungkot nmn ng bday post mo iyakhin ka talaga hehe
cheer u na ha?
happy birthday
tara inom tayo. libre kita. wag ka na malungkot. nakakadistract kasi ang gif mo. nakakasira ng moment ng emoshit. hehehe. happy birthday. kalma na.
basta pag nalulungkot ka, isipin mo parati na andyan lang si God, lagi Siyang andyan sa tabi mo para damayan ka. <3 :-)
Post a Comment