Sunday, 2 September 2012

PARA!

Posted by iya_khin at 22:05

Ako’y napapailing sa kahapon aking nagawa
Nalulong sa drogang inalay mo aking sinta
Ngunit nagising na at ako’y ngayo’y natatawa
Ang gaga ko palang talaga di ako makapaniwala.

Kanina lang kasama ka’t tayo’y masaya
Di ko alintana sa kabila ng lahat ikaw pala’y nakamaskara
Balot ng kasinungalingan matatamis mong salita
Hunghang ka, alam ko ang lahat hindi ako tanga.

Ah oo nga pala, ako pala’y  nagpakatanga
Isa ako sa mga nakihelera sa dyipney mong pampasada
Nakisakay sa nagsisiksikang ispasyo kasama ang iba
Para-para, bababa ako’t di na ako makahinga.

Paulit-ulit ngayo’y nagsawa na
Paulit-ulit ako di’y napapagod na
Unti-unti’y nakakatayo na sa aking pagkakadapa
Sayang lang minahal kita ngunit napapanahon ng iwanan ka.

Pagmasdan mo akong mabuti bago kita lisanin
Ito bang pagmumukhang ito ang kaya mo lang lokohin?
Hayop ka, bulag ka bang talaga?
Magbubuhat ng bangko, pero mga babae mo’y ang chachakang talaga.

Nagpapasalamat sayo ako’y tinulungan mo
Ngunit di yon dahilan upang sirain mo buong pagkatao ko
Durugin at pasakitan ng husto ang nag-iisang puso ko
Mahal kita…pero paalam…pakyu ka!


6 comments:

Unknown said...[Reply]

mukhang malalim ang source mo mam. magpasalamat na lamang at natauhan ka na. :)

McRICH said...[Reply]

Natawa ko don sa last 2 words hanep!

Superjaid said...[Reply]

ang tindi ng galit ah halatang halata sa last words. haha

shyvixen said...[Reply]

astig! ang galing ate iyah!... wapak na wapak!.. \m/

MEcoy said...[Reply]

haha bitter poem gusto ko nyan at epic ang ending ha hahaha

Jondmur said...[Reply]

ramdam ko ung emosyon habang binabasa ko to.. at kakaiba ang ending hehehe lalo na ang last 2 words hehehe

astig!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review