Sunday, 19 May 2013

tumula ng madalian para sa kaibigan

Posted by iya_khin at 06:01


sa opisina na dapat may ginagawa
bakit ako ngayo'y nakatunganga
nakatutok sa computer na sa ingles kung tawagin
kay daming trabaho pero heto't di batid kung anong uunahin.

Nakakabobo na kung minsan
bakit ba paulit-ulit nalang
Wala naman ibang aasahan
kaya eto't maghapong nagkukunwari-kunwarian.

pagal na ang isip sa mga walang kwentang bagay
kahit mga kakilala'y walang kamalay-malay
pigil na damdaming di mawari at gusto ng sumabog
ano ba ang totoong dahilan bakit ako nagpapakalugmok?

Wala talaga akong maisip na maitipa
masaya nga talaga ako, siguro nga..
Mema lang ako kaya ko ito na gawa
handog na din para sa isang kaibigang nagrerequest kanina.

Beh, ano man ang iyong problema
ano man ang bumabagabag sayo simula pa ng makalawa
wag ka lang magungutang wala kasi akong pera
pero eto tutula nalang ako para mapasaya ka. :p

Dito lang ako para sayo
Isang tawag mo lang magpapamaneho ako
kung nabibigitan kana sa barbel na binubuhat mo
Halika't mag RPM nalang tayo!

Pasensya na kung eto lang ang maihahandog ko
Medyo nagmamadali na't uuwi na ako
Alas-singko na pala kaya kung ano-ano nalang natitipa ko
tula pa ba ito? Ewan ko basta para sayo 'to.

Ngiti kana't wag magpapaapekto
Hindi ka nag-iisa kahit sobrang dami ng mga impakto
Aja-aja lang may hangganan din ang lahat
Smile lang, yun lang ang katapat!


4 comments:

MEcoy said...[Reply]

ang tula ng mga lutang haha

Kamilkshake said...[Reply]

ate iya.. oo nga lagi mong tinatago lahat ng problema mo..
ako ay wala na talagang masyadong alam tungkol sayo..

pero masaya..
dahil ikaw ay payat na..
sana inaya mo ko..
para pareho tayong dalawa...

at isa kang mabuting kaibigan..
kahit ikaw mismo ay may problema..
eh tumutulong ko..
sa friends mo..
ngeh. pangit ng tula ko..
(:

iya_khin said...[Reply]

@MEcoyhehehe salamat lagi ka nadalaw dito! :*

iya_khin said...[Reply]

@Kamilkshakewahahah! baby!! eh kasi ang layo mo naman! pero kaya mo din yan disiplina lang ang kailangan. ayos sa tula atleast ika'y nakagawa! hehehe! miss you!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review