Tuesday, 11 June 2013

Naka-apat na si Iyakhin, pumayat kana ba?

Posted by iya_khin at 05:40
deviantart
Sa wakas ginagahan na naman akong mag-update ng blog kong 'to, sabi pa nga panapanahon lang talaga! hehehe! So anong meron dito?! Wala namang bago same old shitness ko pa din at kung ano-ano lang, hmmm...sensya na kung di ko talaga madalas nadadalaw at di ako gaano nakakapag-update kasi nga...MASAYA AKO! Lels! Antayin nyong ma-emo ako tiyak araw-araw nasa tuktok ako ng bloglist nyo.

Shoot! Naka-apat na taon na nga talaga itong bahay ko! Akalain mo yun?!! Di ko kasi inakala eh! Pero masaya ako kasi atleast di ko talaga 'to tuluyang iniwanan... sabi pa nga "once a blogger always a blogger"  tama ba?!! ay ewan!

So ayun nga sabi ko gusto kong magpakontest kaso wala naman pumatol magcomment sa box ko, hahaha! wala na atang nadadalaw dito! Pero ganun pa man masaya pa din ako sa mga secret and silent readers ko thanks to all of you, mahal ko kayo! :p

Dahil sa wala akong maisip na idea siguro ganto nalang ipapacontest ko...gumawa ulit ng TULA! Opo, tula ulit! wala akong maisip eh! Pero this time hindi na about sa mga kaemohan or ano pang mga kadramahan sa buhay...teka ok binabawi ko na sinabi ko..cge pwedeng emo. ;p

Ang tema naman ay patungkol sa kalusugan, opo tama kayo ng basa about sa HEALTH! Dahilan nauuso ang mga marathon at kung ano-ano pang mga Thon nowadays kaya eto ang temang napili ko.

Dahil 4 na taon na ang blog ko kaya 4 na beses ko din pinag-isipan 'to! lels! wala lang mairelate lang.

So ok, basahin mabuti at sundin ang panuto, kung sa salitang banyaga..read and follow the instructions carefully! Intendes?!!

PAANO SUMALI:

1. Kahit sinong pinoy na blogero't blogera basta't may blog na kung saan pwede nyong iposte ang inyong ilalahok na tula.

2. Gumawa ng tula na may tema tungkol sa KALUSUGAN. (kahit anong istilo, drama, humor, ect basta tumutukoy ito sa kalusugan.)

3. Ang tulang lilikhain ay dapat hanggang 4 NA STANZA O SAKNONG lamang! Diskwalipayd ang hihigit dito!!! OK?!!

4. Ang tula ay dapat nakasulat sa sarili nating wika..TAGALOG.

5. Ipadala ang inyong opisyal na tulang ilalahok na nakatipa sa MSWORD sa email na ito: extreme.sportaholic@gmail.com

6. I-LINK ang post na ito sa inyong mga entry, eg: 


 7. At magcomment sa post na ito sa gantong paraan:

Name / Alias: Iyakhin
Entry Title at URL: Nang ako'y Pumayat / http://susulatako.blogspot.ae/nangakoypumayat

8. Huwag din kalimutang ilagay ang link sa inyong mga lahok ang ating sponsor:

SHUT UP AND BURN
Maaari nyong ipasa ang inyong entry / lahok simula ngayon June 11, 2013 at ang deadline ay hanggang June 30, 2013. Ang mapipiling manalo ay syempre tatanggap ng premyo!! At i-a-announce ang nanalo sa July 05,2013. Kung nasa ibang bansa ang gustong sumali /nakilahok at kung sakaling manalo, ang premyong inyong matatanggap ay ipapadala lamang sa Lupang Ating Sinilangan..Pinas!

Isa lamang ang pwedeng manalo pero tiyak na masisiyahan kayo sa magiging premyo. sana nga :p  Kung ano man ito....may kaugnayan ito sa ating tema! Naman!!

Kaya't umpisahan nyo ng tumula ng mahabang-mahaba at mag-exercise tuwing umaga! hehehe!



25 comments:

joeyvelunta said...[Reply]

kaya pala medyo ganado ako magsulat nitong nakaraang araw pangpraktis sa pacontest mo hahaha

Axl Powerhouse Network said...[Reply]

panu ba yan.... di ako marunng gumawa ng tula.. huhuh

MEcoy said...[Reply]

wow, 4 years di biro yun ahh!
at my contest pa, kaso ayun nga lang mejo busy
si mecoy!

Anonymous said...[Reply]

shet health ang topic!!! sana makasali ko hahaha :D

iya_khin said...[Reply]

Hahaha! Gawa na kayo dali!!!

My Yellow Bells said...[Reply]

iya hanggang kailan ba itong contest na ito, akala ko tungkol sa pagpapayat health pala, makasali nga isip isip muna ng tula.

Sska nga pala sa mga visitors mo iya at sayo na rin may ipinamimigay akong Agatha Paris Bracelet sa blog ko. Hanggang June 15 pa pwede pa kayong sumali.

http://myyellowbells.blogspot.ae/2013/05/win-agatyou-bracelet-by-agatha-paris-me.html

iya_khin said...[Reply]

@Yellow Bells hahaha, about sa health din naman ang pagpapapayat kaya pwede din yun! hehehe! ok backstroke ako sa blog mo.

kae said...[Reply]

dear iya,
its nice to know na buhay pa tong bahay mo, namiss q yung mga'shitness' na pinopost mo. namiss q yung dati, madami pa qng nababasang kung anu anong shitness din from other bloggers. ive been revisiting my old haunts (including yours!:)) sa dinami dami ng finollow q, iilan na lang ang nagpopost. wala na aqng mabasa huhu. kaya welcome back! wag ka na magabsent! :D

naghintay,
kae/kayren

iya_khin said...[Reply]

@kaehahaha! naglaho na nga yung iba...haaisst..

shyvixen said...[Reply]

kalusugan... malusog ako.. baka pwede.. ahahahahha.. :P

記念日おめでとう!!!!!

iya_khin said...[Reply]

@shyvixen hahaha!! go!

jhengpot said...[Reply]

parang ang hirap naman para s taong tulad ako n walang kalusog lusog. lol.. il give it a hard try :)

Phioxee said...[Reply]

Di naman ako marunong tumula ;-( at d ako healthy.

Unknown said...[Reply]

auz ah sakto un tema,on active mode ako ng ngdaang arw at buwan gudluck sa pcontest ngaun lng ulit nkadalaw dito.

Anonymous said...[Reply]

Name: Bino
Blog at URL Www.damuhan.com
Entry:
DIYETA AT AKO
http://www.damuhan.com/2013/06/diyeta-at-ako.html

eXtreme SportaHolic said...[Reply]

@Pala kanton pakicomment po dito ang link mo sa blog! now ko lang nakita entry mo sa email. tnx

eXtreme SportaHolic said...[Reply]

@Bino salamat sa pagsali.

Unknown said...[Reply]

Name : Palakanton
Blog URL: http://palakanton.blogspot.com
Entry Title at URL: tatakbo ako patungo sayo
http://palakanton.blogspot.com/2013/06/tatakbo-ako-patungo-sayo.html

Anonymous said...[Reply]

Name: Senyor Iskwater
Blog URL: http://iskwaterstories.blogspot.com
Entry Title at URL: 'Pag May Panahon
http://iskwaterstories.blogspot.com/2013/06/pag-may-panahon.html

Fruit of Faith said...[Reply]

Name: Blindpen
Blog URL: http://kwentistablog.blogspot.com
Entry Title at URL: umagang kay inam / http://kwentistablog.blogspot.com/2013/06/umagang-kay-inam.html

Ryno Vigil said...[Reply]

goodluck goodluck sa mga sumali :D

khantotantra said...[Reply]

name: Khanto
Blog Url: http://khantotantra.blogspot.com
Entry title and url: Malapit Na/ http://khantotantra.blogspot.com/2013/06/malapit-na.html

iya_khin said...[Reply]

Ayun oh!!! thanks gelo!

Mar Verdan said...[Reply]

Name: Super M
Blog Url: http://www.unplog.com/
Entry title: Pamana
http://www.unplog.com/2013/06/pamana.html

I don't know kung pasok pa to! Haha

Having hard time putting this comment!

joeyvelunta said...[Reply]

Pangalan: Joey Velunta
Blog URL: http://joeyvelunta.blogspot.com/
Entry Title: SONETO SA MGA MAY MALULUBHANG KARAMDAMAN
URL: http://joeyvelunta.blogspot.com/2013/07/soneto-sa-may-mga-malulubhang-karamdaman.html

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review