Sunday, 26 January 2014

UN - happy meal

Posted by iya_khin at 02:27 0 comments
Last month nung bakasyon ko medyo marami-rami din akong naging dull moments... 

hmmmm.... naalala ko lang bigla..

may mga araw akong nasa bahay lang talaga at pinaiiral ang pagiging isang maganda, sexy at ulirang-ina. :p
dahil din 1 beses lang ako nakakauwi sa loob ng isang taon kaya sinulit ko talaga yung bonding namin ng unico hijo ko, gala dito gala doon. inuman kaming dalawa pag-bored kami! ang cool kong MOM diba?! gusto ko talaga lagi kaming magkasama, kaso syempre medyo nag-bibinata na ang anak ko eh minsan gusto nyang nasa labas at nasa computer shop.. lintik na LOL yan! agaw eksena!

Nung una lagi ko syang tinatanong anong ginagawa nya sa computeran, biruin mong sasagutin ako ng LOL!! LOL ng LOL!! LOL ka din! asar talo!! Nakakatawa ba ako at LOL sya ng LOL?! tatay mong ulol

Tas ayun na-gets ko din yung gusto nyang sabihin.. league of legends pala! bwiisset! pasensya, clash of clans lang kasi ang alam kong laruin now adays! di naman ako masyadong old school dabaah?!

Tas isang araw super bored kami pareho ng anak ko kaya pareho kaming nakahilata sa kama. relaks-relaks pag-paubos na ang pera, mga ganyang eksena kaya niyaya ako ng anak ko manood sa youtube. Oh diba! WAIS! ligtas sa gastos para manood ng sine.. nanood kami sa youtube gamit ang bonggang-bongga nyang phone! thanks to android! LELS

shooooot! anong pinanood namin.. dahil pareho kaming BATA isip-bata ni-introduce nya ako sa isang kakaibang cartoons na hindi ko alam na nag-eexist! oo, cartoons!! mahilig ako sa cartoons! xxx cartoons sailor moon at dragon ball z.. joke! Nung napanood ako for da perstaym napa...OMMMMAAYYGAAD ako sa anak ko!!! parang gusto ko ng maglaslas sa tuwa!!! ito na yung masasabi kong my Favorite Cartoon, papalitan ko na yung sagot ko sa slam book! uso pa ba?!

so anong cartoons ba ang tinutukoy ko?! cartoons sya pero hindi pwede sa bata! oo cartoons nga sya pero bawal sa bata! kulit! pero bagay na bagay sya sa panlasa ko! pasok na pasok sa planganang butas!


Ang kyu-kyut nila diba?!!!! tuwang-tuwa ako sa kanila talaga as in praaamiiiss, cross my heart, mamatay ka man! ang saya-saya ko talaga habang nanonood nito! ang saya ko kasi finally eto na yung best ever kong cartoons na ikinatuwa ko talaga!! maliban kila bert at ernie x-rated 

nakakarelate ako sa kanila grabe... hirap nga talaga ng life nila.. parang ako! sana naging cartoons nalang din yung mga !$$^%&^*^% para magawa ko yung tulad ng ginagawa sa HTF. :p



Depressed ako now.. kaya magbababad ako sa kanila mamaya...







Wednesday, 8 January 2014

a very sad post

Posted by iya_khin at 04:25 0 comments
Hindi na uso ang new years resolution gasgas na gasgas na 'tong ka-etchusang ito! Bata palang ako dami ng resolution ang mga narinig ko, mga plan at pangakong gagawin sa bagong taon pero di pa natatapos ang buwan ng Enero nalimutan na ang mga plans at listang gusto mong gawin at baguhin! pati utang kinalimutan na din! paksyeeeet!

Napansin ko pala sa lugar namin nung bagong taon.. wala ng gaanong nagpapaputok, ang pobre naman ng lugar namin.. i feel bad.. nakakahiya! LOL

Pero totoo nga, mangilang-ngilan lang yung may mga paputok! Buti pa si Glentot nauna ng mag-paputok! :) Wala na din yung mga mahilig tumambay sa labas matapos ang putukan, wala na yung mga maiingay na tambay, lasenggo at adik sa kalsada. Ilan lang din yung mga nag-vivideoke at wala ng mga batang makukulit na nag-eexhibition ng watusi na inaalog-alog sa loob ng kamay nila! (nalason na ata silang lahat!) pati yung mga lusis na nasa walis tingting wala din akong nakita! Nyyeetaaa!! Hindi ito ang new year na expected ko.. nasa pinas ba talaga ako?!!!!

Na-sad talaga ako... wala kasi akong nasaksihang naputukan eh! sayang.... :(

Balik ibang-ibayo na naman ako, 2 linggo lang ako kaya super bilis di ko namalayan. Dami ko sanang gustong gawin at puntahan kaso wala eh..hirap talaga mag-adjust ng oras at araw...

Sad ulit ako... ewan na pero emotera pa din ako hanggang ngayon at walang pakialaman! Pero di na gaano.. magaling na kasi akong magtago.. namimiss ko ang anak ko.. super big boy na sya!! omaaygaaad! Sana di muna sya mag-aasawa, wawa naman me pag nagkataon...

Walang sense ang blog ko.. basta gusto ko lang mag-tipa...

Namiss ko sila Senyor Iskwater at Arvin..super saya ko nung dalhin nila ako sa Asian Massage ng alas-kwatro ng madaling-araw at nabigyan ako ni ateng maganda ng xoxo hard massage.. alam ko nasiyahan sya sa beautiful naked body ko! Ang sarap mo din ate!!! lels

Hindi ko maupdate-update ang SHUT UP AND BURN kong blog.. enggglleessshh kasi!! ang bobo ko masyado nahihirapan tuloy ako! 

Super lamig na dito... buti nalang mainit lagi ang gabi ko! bibu-bibu-bibu-bibu

Nung SBA pala super saya ko, walang uwian talaga ang peg! actually takot akong umuwi! kamusta naman ang byahe ko at takot din ako kasi baka maagaw pa ang puri ko, kaya ayun overnight kami sa.... saan ba yun?!! Habour Square?! tama?! Hindi para mag-lasingan walang ganung eksena, kundi para mag-paduguan ng utak! Thanks again to Senyor at Bino kayo na talaga ang Henyo, buti nalang katabi ko si Glentot.. wala.. wala syang naituro sa akin.. ayun katabi ko lang talaga sya!

Thank you din pala kay Sexy Zen! talagang nag-stay sya for me.. thank you din sa shirt nahiya akong bigla.. namula ang face ko.. nag-abala ka pa talaga.. sayang di kita na lips to lips na torpe kasi ako! hehehe! joke!

So ayun, walang kwenta 'tong blog ko.. kwentu-kwentuhan lang.. bawal kasi ang kant..kant.. kantahan nasa opis ako.. eto pinapasahod nila ako habang nag-bloblog lang ako.. o diba ang saya! wag lang mahuhuli ng amo kong bansot!

Bagong taon na, positive nalang tayo kahit madaming negative sa paligid natin, di na natin talaga maiiwasan yun. Keri-keribels nalang, tuloy lang ang buhay.. sabi pa ng pamangkin ko..


 "Bawal ang sad!"





LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review