Paano kung isang araw mag-papaalam na sya?
Paano mong haharapin?
Paano mong tatanggapin?
Paano mong makakaya?
Paano kung isang araw pag-gising mo wala na sya?
Paano kana?
Ang daming bagay sa mundo na di mo talaga maintindihan, ang daming tanong na hindi mo alam ang sagot o kaya naman ayaw mo lang talagang sagutin kahit alam mo na ang sagot. Bakit? Dahil takot kang harapin ang katotohanan, natatakot ka sa kalalabasan. Ang hirap.... damn...
Wala lang, feel ko lang mag-emo today nakakamiss din kasi mag-emo paminsan minsan. Nakakamiss minsan yung papatakin mo ng isang butil ng luha ang isa mong mata, o sige gawin nating dalawa. Nakakamiss malinisan ang mga mata dahil sa pag-luha.
Naiiyak talaga ako...
Sabi pa lahat ng bagay may dahilan, lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay nakatakda. hmmm.. depende din siguro kung paano tayo magdesisyon sa buhay, consequences of our choices ika nga.
"cards on the table we're both showing hearts
risking it all, though it's hard
cause all of me loves all of you.."
Paulit-ulit sa utak ko.. LSS ng million times!!
This point of my life, eto na yata yung masasabi kong i'm risking it all... basta..putteeek naiiyak na naman ako. So hirap grabe!!!! Maraming beses na akong nag-risk pero eto buong pagkatao ko na talaga, ito na yung last card ko kung baga, no moves... 'to na talaga yun.
As you grow older you see things much clearer pero eto yung point na natututo na tayong magbulag-bulagan, kasi alam mong you cannot turn back time anymore. Hindi na tayo bumabata, yung mga choices natin ngayon matters so much, time is running. Kung yung dati carefree lang tayo during our teen days, pero ngayon naghahabol na tayo sa oras, our decision matters the most.
Sa aspeto ng kultura, pamumuhay, relihiyon di naaangkop, magkasalungat at di talaga magtutugma... wala kang magagawa... "mag-dusa ka!!!" lol
Pero bakit?!
Ang gulo....
Ang gulo ng buhay ko...
itatakbo at i-gygym ko na nga lang 'to!!!
5 comments:
hndi ko alam yah saan ma nahuhugot yung salitang "tara i gym na lang natin toh" nakakahanga yung positibong outlook mo... :)
hmmm...
sa aspeto ng buhay kulturs, relihiyons etc.....
boylet problem mo ba itwo??? culture clash ganun?
assuming lungs. hahahah. takbo na :p
@phils.alsa2@gmail.com hindi ko din alam beh paano ko nagagawa yan, yung lang kasi alam kong at peace ako pag nasa gym at tumatakbo ako.:)
@khantotantra hahaha!! boylet?! ano yun?! hahaha!
I'm so proud of you ate that you still able to post anything dito sa blog mo.. kahit malungkot.. okay lang go post pa din.. yun kase ang mahina ako...
at hindi ko alam kung ano yung sinasabi mo.. problema ba talaga yan o kabaliktaran ng problema? nalulong ka na sa happy hormones kase puro exercise ka.. hahaha :)
Post a Comment