Wednesday, 17 June 2009

Second chance...

Posted by iya_khin at 23:24









Naranasan mo na bang magkamali? Kahit sa anong bagay lang…hmmm..example sa pagluluto, o di kaya’y sa exam sa skwela na pilit mong ipinapasa. Pwede din sa trabaho na sobrang sungit ng boss mo na kung mag utos ay umuusok ang butas ng ilong na parang toro? Hehehe! Napanood ko lang yun sa TV in reality wala pa naman akong nakitang umuusok ang ilong pero mukhang toro meron..(ikaw ba yun.?)

Minsan naman ay may pagkakataon na di mo naman sinasadyang magkamali, na kung sa tadhana nagkataon lang na mali yung ginawa mo na sa tingin mo naman ay tama..gulo…
Isip..isip…isip…halimbawa pinagtimpla ka ng tatay mo ng kape, ikaw naman eh masunuring bata pinagtimpla mo nga, yung nga lang matamis ang natimpla mo tapos ng ibigay mo sa tatay mo with matching smile on your face pa eh biglang nagalit sayo kasi ayaw nya pala ng may asukal!!! Dabah..dabah....MALI! so ikaw naman uulitin mo nalang lalo na pag tyming pang may hihingin ka sa tatay mo..dabah!!! (bait-bait mo talaga sana kunin kana ni…batman!)

Minsan naman,may kaganapan na di mo inaasahan, tulad nalang ng aksidente…
Sa pagmamaneho mo,nasa right lane ka naman pero di maiwasan na lasing na driver ang makakasalubong mo tapos bigla nalang bumilis ang mga pangyayari di mo na alam makakarinig ka nalang ng napakalakas na…..WAAAHHPPAAAKKKK!!!! tapos yun na…tapos ng imulat mo ang mga mata mo di mo alam kung nasaan kana kung nasa langit kana ba o kung lumulutang kana sa asupre, o kung buhay ka pa….syempre mas magandang mabuhay…(senti….)with matching flowers on your side table with fruits and balloons minsan may banner pa (GET WELL SOON!)and you are surrounded with your lovable friends na noon laging kang inaalaska!hehehe!Chorvah!

So sa lahat na nangyari…you are given another chance…second chance…..hmmm…
Ngayon, paano ka magsisimula? Paano ba? (think..think..think)

Mag-aaral kana ng mabuti para di ka lumagpak sa school,gumamit ng recipe book kung di ka marunong magluto,makinig sa boss kung ano talaga ang gusto nyang ipagawa ng di ka mabulyawan ( nak ng teteng delay na nga ang sahod naninigaw pa!) matutong mag-tanong para di ka maging wow mali sa erpats at ermats mo o sa kahit sinong makakasalamuha mo sa pang-araw-araw mong gawain…

Di naman sinasabing magpakabait kana kung nagkamali ka, ang dapat lang ay pagbutihan mo na sasusunod….korek?!

Eh paano kung sa lab layf ka nagkamali….hirap e-explain…bakit pag-HaRt ang pinag-uusapan masyadong napakakomplekado? Para itong isang virus na di mo maiwasan….
Diba pag love there will always be a chance kahit nagkamali ka?

What if kung wala?? Tama ba grammar ko?duuhh! whatever!basta yun na yun!

Diba paglab, you should be perfect for it kasi love nga!! Kulit! Walang mali pag-nagmamahal ka kasi naglolove ka lang…eh bakit pag-committed kana tapos naglove ka sa iba bakit naging mali? Diba naglove kalang nga?!!! Gulo-gulo ha!! Mabibigyan ka ba ng second chance about it?? Don’t ya think? Why it should be too complicated when it is easy for you to make? Pero in reality mali kasi di nga pwede.. so bakit nagbibigay ng chance maglab but the truth is there is no chance at all about it? Confusing diba?!

You could be given a chance sa taong nagawan mo ng mali, you could do better kung nagkulang ka, may mga instances na kailangan mong mag-give way and mag-let go para sa chance na hinihingi mo. Meron naman tyms na kailagan mong lunuking ang pride at kalimutan ang ego mo para makuha mo yung chance ng mapabuti ka…..

We can never know our chances unless we try to do it….malaki kana alam mo na ang tama sa mali,minsan kasi nagpapakatanga lang tayo and di natin ma-accept na minsan dumb tayo!! Walang “PINOY HENYO” kung nagkakamali ka! Walang perpekto kaya nga tayo binigyan ng CHOICE and included ang CHANCE…(nang-sermon ba?!duhh!)

So ano bang CHANCES meron ka ngayon?! Is it the perfect CHOICE?!
Second chances can be tolerated pero kung paulit-ulit na,aba eh mag-patingin kana sa psychologist baka there’s something maluwag sayo…hehehe! Peace! Cioaw!

1 comments:

Anonymous said...[Reply]

ahehehe very well said...*un lang nasabi kasi nasapol ako..lolz!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review