Friday, 27 November 2009

3 THINGS...

Posted by iya_khin at 09:07 13 comments


Before anything else I would like to thank my sponsors, Burberry for my perfume, Levis for my pants, Lee for my outfit, Converse for my shoes, and myself for the make-up! geezzzz!!!
Anyways, I would really like to thank SCOFIELD JR for giving me this awards, i'm so touch...huhuhu...talaga!
Moving onward, yung mahiwagang Question nya na 3 THINGS IN LIFE that made me SMILE really amazed me and made me realized.....there are such many things na made me smile, pero kasi 3 lang daw eh kaya i'll just state 3 things:
1. First, JESUS! He is the reason of all...He always indeed makes me smile though in times of trouble, He remains to be my source of strength, faithfully always on my side.
2. Second, my wonderful family. They are the best treasure that I've ever got. No gold or silver could compare how much they mean to me.
3. Third, my friends! syempre mahuli ba! o SMILE naman kasi IKAW yun! oo, IKAW nga! dahil sa iyo naging makulay din ang mundo ko! Mahalaga ka din dahil isa ka sa nagpinta sa ilang parte ng buhay ko! Isa ka sa nag-paSMILE sa akin! uyyy..nakangiti sya!
There are too many reasons for us to smile, life is beautiful though there are a lot of times we have struggles but behind it there are always a reason for us to SMILE.

Tuesday, 24 November 2009

EHEM!

Posted by iya_khin at 02:22 14 comments
oist kala mo na kung ano 'no?!

Wala, gusto ko lang galaw-galawin!

Tuesday, 17 November 2009

Dahil Sayo

Posted by iya_khin at 23:50 10 comments
Sa mga nakalipas na araw di po ako masyadong nakapagblog at nakabisita sa lungga ninyo sa kadahilanang pang-personal..emote..emote…
Medyo magulo ang isip ko dahil sa mga panyayaring kinakaharap ko ngayon. Sa mga panahong linagi ko sa Dubai ay marami-marami na talagang pinagbago sa buhay ko, naiba ang takbo ng pananaw ko, naiba ang kilos ko, nag-iisip na ako, dati-rati’y sige lang ako ng sige kahit wala sa plano, tuloy puro palpak ang kinalalabasan ng mga desisyong ura-urada.
Sa katunayan pinatatag na ako ng panahon, dati takot akong ipaglaban ang sarili ko dahil ayokong may masasaktan tuloy sa tingin ko’y pasan ko lahat ang pasakit ng mundo. Actually related ito sa SMILE ni lordCM ( o ha special mention! )
Dahil sa kakulitan nya eh bigla akong natauhan…..kelan ba ako huling nagpapicture na naka-SMILE??!
Sa libong litratong meron ako ay nagsimula akong maghalungkat….nabigla ako sa hubad…hubad na katotohanan, wala akong picture na nakaSMILE!!!! Mga litrato ko’y karamihan ay pacute, emo, pawting nguso, sudako, at daring….ehem…joke! Ewan ko ba at bakit ganun lagi ang mga posing ko at nakalimutang kong mag-smile…sa personal naman ay bungis-ngisin ako isama mo pa ang loka-lokahan kong tawa. Siguro nga ay tama, tama na ang larawan ang makapagsasabi ng totoo mong nararamdaman (take note ang sabi ko po ay SIGURO lang) Sa kagustuhan kong mapaSMILE eh pinilit ko ang sarili ko, yung una kung picture naku ang sagwa kasi nga pilit, kung baga-plastik ang ngiti ko. Haay ang hirap dayain kasi sa mata palang eh alam mong nagsisinungaling.
So bago ako nagpicture ulit eh nag-isip muna ako, paano ako makakaSMILE nito lalo na sa panahong ito, may sakit ang nanay ko at di ko mapadalhan dahil nga sa di kami sumasahod, kailangan ng kapatid ko ng pangtuition ganun din ng anak ko. Maraming bayarin sa bangko at di ko alam baka bigla nalang akong damputin at ikulong, di pa ako agad makahanap ng bagong trabaho,etchetera at etchetera… haay sa patong-patong na problema sa tingin mo ba madaling pa akong makaSMILE?! Para na nga akong bato eh!
Pero may isang napakahalagang bagay na nagpukaw sa akin..
Sa kabila ng lahat marami mang bagyo akong sinusuong ngayon, ilugmok man ako ng mundo…

Lord Jesus, andyan ka pala para damayan at palakasin ako……
Sa kabila ng lahat nananatili kang nakagabay…Salamat…dahil sayo….ako ay napa-
SMILE.

Friday, 13 November 2009

BISITA....

Posted by iya_khin at 22:31 19 comments
Haha! back to work naman po malipas ang isa't kalahating araw ng day-off ko. As usual Sabado naka-off ang amo ko kaya heto't papetix-petix lang at pabasa-basa lang ng manga anime online, actually i'm reading HANA YORI DANGO , alam naman nyo siguro kung ano yun...sa mga di nakakaalam eh sabihin ko na din..yung ang original version ng F4. Nakakaaliw lang kasi eh ang cute ng mga anime pics nila. enyweyz so much about that.....


Yesterday during our Friday Church service we had a visitor...


Actually ganito kasi ang nangyari...the worship leader told us to stand up to greet and mingle around para kamustahin ang bawat isa syempre para masaya, so i was busy to beso-beso my friends whom i haven't seen for a week and greet new people na first tym palang maka-attend sa church...to make the long story short kasi hirap mag-every detail eh....


I greeted one of our girl visitor and as usual beso-beso din, i was not really paying attention kasi the praise and worship was about to start but when i was about to turn my back from her...bigla akong napaisip..teka.. parang kilala ko itong girl na ito ah...so i turned around ulit to check...

and wooh!!!


Kitchie Nadal?!


Kitchie in Dubai? and not only that she's really in our church! Natuwa lang ako kasi sa dinami dami ng christian churches dito pero sa amin sya umattend! diba ang saya! tutugtog pa sana sya kaso nasira yung electric guitar ng habibi ko kasi bumagsak kaya nawala lahat sa tono kaya di nalang sya kumanta...naku kung nag kataon baka maiba ang praise and worship namin kasi baka kumanta sya ng..wooohhooo wag na wag mong sasabihin na di mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo...woohooo.... eheheh!


Saya! Wala lang...gusto nyo ng pweba?


Ganda namin no?!

Tuesday, 10 November 2009

Hanggan Kailan.....

Posted by iya_khin at 23:28 16 comments

Hanggang kailan…
Hanggang kailan mo ako mamahalin?
Bawat tibok ba ng puso mo’y akin?
Bawat minuto ba’y ako’y nasa iyong isipan?

Hanggang kailan….
Sa pag-sikat at pag-lubog ba ng araw ako’y iyong kailangan?
Mga mata mo ba’y ako ang nais laging masulyapan?
Bawat himig mo ba’y pag-ibig ang nilalaman?

Hanggang kailan….
Hanggang kailan mo ako hahagkan?
Bawat haplos at yakap mo ba’y magpakailan man?
Masasayang araw ba nati’y walang katapusan?

Hanggang kailan..

Sana’y sa pagtanda’y ikaw pa rin ang kasama
Sa bawat araw ng pag-gising ko’y ikaw ang syang masilayan
Dumaan man ang maraming unos tayo’y manatiling nakakapit
At sa huling ngiti ng labi ko’y sayo lamang mailaan.


Saturday, 7 November 2009

BA-NGAG AKO

Posted by iya_khin at 02:23 18 comments


Kalawakan…

Himpapawid…

Kay gandang pag-masdan…

Karagatan, nakaupo sa may buhanginan….

Hanging humahaplos sa aking buong katauhan….

Ah….pawang imahinasyon ko lamang…..

Kelan kaya masisilayan

Bansang aking iniwan

Magulo man sa ibang panig nito

Sya paring gustong balikan

Bayang aking sinilangan

Sana’y abo’t kamay ka lamang.

Emo……aaaaahhhhhhhhhhhh………kakapraning…..

Sana’y nasa pinas ako ngayon, sana’y di na sayang mga araw na ginugol…
Buong araw nagmumukmok, buong araw ay tulog, nilunod ang sarili na kahit sa panaginip bayan ay matanaw.

Tapos na ang leave ko, puro tulog lang ang ginawa ko, pero heto’t antok na antok parin ako. Balik trabaho, nakakabagot, wala naman magandang dinudulot, nag-babanat ng buto pero heto’t nagtitiis pa rin sa kompanyang apat na buwang di nag-papasweldo. Walang magawa dahil sa hirap mag-hanap ng panibagong trabaho, pati NOC pinagkakait pa, pinagbibili nila sa halangang dalawang buwan ng pinagpaguran mo, ano ba sila hilo? Lintik talaga, ano ba itong pinasok ko? Haay… buti nalang malakas talaga ang pananampalataya ko, kundi maloka-loka na talaga ako.

Sa kabila ng lahat nito, nagpapasalamat parin ako, dahil naging PINOY AKO!

Hoy! Oo Pinoy ako! Nasa dugo’t kulay ng balat ko isama mo na pati hugis ng ilong ko!

Anong koneksyon nun?! Dahilan nang pagiging matiisin at madiskarte sa buhay sa kabila
ng lahat eh nanatiling tapat at mapagkumbaba. Nagpapasalamat din ako kay Papa Jesus kasi alam kong lagi syang nandyan nakagabay sa akin at patuloy akong pinapalakas, tenk u po talaga, pinanghahawakan ko po ang promise nyo sa akin sa Psalm 34:17 “The righteous cry out, and the Lord hears them; he delivers them from all their troubles.

Sa mga blogmates ko, nagpapasalamat din ako kasi sa panahong nalulungkot ako eh, napapasaya nyo ako dahil sa mga kwento ng layf-layf nyo, lingid man sa inyo malaking tulong ang pagsusulat nyo dahil nalalaman ko ang mga kabulastugan ay este mga kaganapan sa inyong buhay na nagbibigay aliw sa akin at syempre aral sa musmos kong isipan…walang kokontra blog ko ‘to!

Salamat sa asawa’t anak ko, mahal na mahal ko kayo…dito lang si mama ok!

Salamat sa ermats at erpats ko, lalo na sa ermats kong nag-ire sa akin alam kong nakikiupdate ka rin sa blog ko, mahal na mahal kita, salamat sa understanding mo!

Sa mga utol ko, miss ko na talaga kayo!

Sa mga ka-churchmate ko…grabeng support nyo to da highest level lab u all!

Sa busmates ko, tenk u sa pakikinig sa paghilik ko habang mahimbing akong natutulog habang kayo nama’y dilat na dilat, alam ko pong pinagtatawanan nyo ako, wala akong pake basta’t alam ko’y pinaghehele ko lang kayo. Pasalamat kayo!

Sa mga magbibigay sa akin ng award matapos mabasa ito, tenk you in advance ang kyut-kyut nyo!

Sa di naman magbibigay ang kyut-kyut nyo parin kamukha nyo si dagul at bentong!

Sa pagsesenti ko ngayon pasensya’t bangag ako sa kape…

Monday, 2 November 2009

ON_LEAVE

Posted by iya_khin at 00:57 20 comments

eto na naman po ako at nag-eemo-emohan...alone in my room nag-iisa lang ako dito sa flat namin nakaleave po ako ngayon kaya parelax-relax lang ako..


actually wala akong maisip na maisulat,stagnant yata utak ko ngayon dahil sa sobrang kakatulog,wala naman bago sa buhay ko for these past few days maliban sa katatapos na paglilipat namin ng bahay. eto ayos naman kami dahil di kami na hirapan kasi halos isang building lang ang nilipatan namin dati nasa tower B kami ngayon sa tower A na! (hanapin nyo nalang kug saang tower yung tinutukoy ko!)


Wish ko lang sana na sa pinas ako magbaksyon kaso can't afford da budget ngayon and besides di ako pwede basta-basta umuwi dahil may pasok pa ang anak ko and di pa pwede magleave ang loves ko dahil kakaleave nya lang...


so kaya heto't nag-iimagine nalang ako....


eto lang naman gusto kong gawin pag-uwi ko sa pinas:


1. kumain ng lechon! wala kasi nyan dito HARAM! miss na miss ko na ang malulutong na balat at maalat-alat na ribs,isama mo pa ng cripsy na dila! heps-heps! walang basagan ng trip! totoo ang nabasa mo, mahilig ako sa dila!


2.kumain ng inihaw...kahit ano basta inihaw yung makikita sa may kanto!


3.maligo sa island ng palau! kasama si lordCm para may tourist guide! ehehe!


4.ma-meet ang mga kablogberks ko! saan ba tayo magkikita-kita kox? sagot ko na ang MCdo ni Saul ok lang kahit matakaw si gelfren!


5.balot! yun balot! papakyawin ko lahat ng balot nung unang makita kong tindero/tindera ng balot!


6.magpa-SPA at body massage...wow sarap....mahal kasi dito eh!syempre sama ko mama ko! ayos ba ma?!


7.gumala...kahit saan!


8.mamangka..saya nun!


9.makasama ang mga highschool berks ko...miss ko na sila


10.gumala ulit.....


wala na akong maisip eh! mababaw lang naman kaligayahan ko, kahit bigyan mo lang ako ng chippy masaya na ako. ang mahalaga lang sa akin eh makasama ko yung mga mahal ko sa buhay. basta makita ko lang sila na busog...gutom pa din ako! nyehehe!baduy ko!


enyweyz...sana by next year makapagbakasyon na ako! kakalungkot na! wahhuhuhuhuh.....

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review