Wednesday, 8 December 2010

5 BUWAN

Posted by iya_khin at 04:01 2 comments

5 buwan.....
5 months....
153 days....
isang daan at limangpu't tatlong araw.....

Kay bilis....

Sa 5 buwan na di ako nakapagsulat, makakabuo na siguro ako ng buong isang libro para isalaysay at ilathala ang mga nangyari sa buhay ko...(hmmmm...emo mode..)
Actually sa last blog ko sinabi ko na ayoko na talaga ng kadramahan,kaemohan,kaek-ekan,pero gaano man ako umiwas eh sya naman di ako tinatantanan..parang embistigador lang ang tadhana...
Pero sa kabila naman ng unos sa buhay ko at patuloy na pakikipagsapalaran sa ibang ibayo,eto't (ngarag..)matibay parin ako at patuloy na nilalangoy at sinasalba ang buhay ko sa matitinding unos at alon,syempre kasama si papa Jesus.

Magpapasko na din pala, di ko din namalayan kasi walang pasko dito...
kakamiss na talaga sa atin, yung mga kumukutikutitap na christmas lights at mga parol, malahiganteng christmas trees, christmas rush, makukulit na batang nanga-ngaroling, at mga family reunions..isama mo na ang noche buena..o ang SAYA!!

Lahat nun...napakadalang mong makita dito...
nalulungkot na naman ako...ano ba!

4 na pasko na akong nandito, malayo sa pamilya ko buti nalang dito asawa at anak ko atleast na-iibsan ang pagka- homesick ko..pero iba parin pag ang buong angkan at parokya ay kumpleto....iba parin ang pasko sa pinas!

Ngayong paskong darating may 5 wishes lang ako kay Papa Jesus na sana dinggin nya...(always naman!)sa out of thousands wishes ko pa na nakareserve....

1.Ma-iclose na namin lahat ng bank loans namin ngayong 2011
2.Makapagbakasyon sa pinas next year 2011
3.Magka-baby girl! (haayy...tumatanda na ako kailangan ng dagdagan...)
4. Patuloy akong palakasin ni Lord
5. Makabili ng SAMSUNG GALAXY TAB...

Simple lang naman ang wishes ko eh, pero syempre Sya parin ang masusunod.

o hala, sa susunod naman lapit ng labasan namin....

PS:
Miss you all mga kablogs, i'll visit you all soon!



Sunday, 25 July 2010

Ayoko na.........

Posted by iya_khin at 23:43 8 comments

Bored…..wala mga amo ko kaya eto petiks na naman…basa lang ng basa, di ko pa kasi matapos tapos ang breaking dawn ni Bella at Edward…feeling ko na rin tuloy ako si Bella…except lang dun sa ginawa nya sa nabasa ko kahapon yung pagtoma at laklak nya ng dugo para magsurvive yung fetus sa loob ng tummy nya…
Henyway…wala akong maisip isulat, actually timatamad na akong magsulat now a days..puro kasi ka-emohan ang buhay ko,sawang-sawa na ako…ayoko na din ng name ko..IYA_KHIN, damn ayoko ng umiyak…..naprapraning na ako (slight!)kakakaloka kasi dito…o naglolokalokahan lang ako…ewan…
My mom just passed away last month actually 1 month na ngayon exactly…I wished I had a portal…
Di kasi ako nakauwi…………I was not able to see her…..and I’m not going to see her na talaga dito sa earth unless…….

So much about that…I’m moving on…moving..moving…moving…but I’m feeling numb….
Di ko na nga talaga makuhang umiyak di tulad dati napakababaw ng luha ko, kahit mga balita lang sa TV o commercial naiiyak na ako pero ngayon di ko magawa….siguro pinatatag na ako ng panahon o dahil sa tindi ng pinagdaan ko dito eh nakakasawa ng umiyak….

Madalas ngayon gusto ko lang magbasa,kasi napupunta sa ibang dimension ang utak ko….
Mas madalas din gusto kong maraming ginagawa ayoko na kasing mag-isip….
Kaya ngayon wala na ako maisip na isulat….
Sakit ng ulo ko…

Ayoko ko na…

Monday, 19 July 2010

MISSING HER

Posted by iya_khin at 02:10 7 comments
In the midst of my loneliness I stand still
Now she’s gone, He took her home
I’ve been trying to hold on
They’re telling me that life for me must go on.


Her memories play inside my head
I can hear her singing
I can hear her laughing
Deep inside me she’s still breathing.

I have to be strong
I moved on that it seems nothing’s wrong
My eyes went dry
For my tears I kept in my inner most heart.

She left me so soon
I wonder if she’s sitting now at the moon
Are the stars all around her?
I gazed up high; I know she’s out there in the sky.

Now she’s at peace her pains no more
I know she’s happy now never will she suffer
I wish I was beside her before she left
But I know that someday, once again we’ll meet.

I miss her…………

Wednesday, 31 March 2010

A Daugther's Request

Posted by iya_khin at 04:25 5 comments
I met a young lady long time ago
‘Til now I still remember when we first met
She was so excited when she saw me
The laughter and the joy was all over her.

Day by day she’s there to walk with me
She holds me so tenderly and lovingly
She was even there during my first word
In my heart I say, how lovely this lady were.

Everything is so easy when I’m with her
She always guards me when I’m in trouble
She treats me like a princess,
And when she sees me happy,
Oh my, the smile on her face is priceless.

As I grow old, I didn’t even noticed she’s growing old too
The image of maturity is not seen in her
She’s so cool, I wonder how she done it?

We had so much fun before
She really tried her best to give me all I want
She was really into me
She really was my great angel!

But there was a point I let her down
I betrayed her, I‘ve become weak
But in spite of it she’s still there
Waiting for me with an open arms.

Words can’t express how thankful I am
To know such a beautiful person
Even she’s broke with nothing left
She still strives hard to give me the very best.

Many time I told her that I love her so much
But even those words are not even enough
To repay her what she’s done for me
Truly she’s an extraordinary!

Now we’re apart, how I miss her
I know deep down she’s missing me too,
I want to reach her, feel her
Wanted show her that she’s so wonderful.

Now times seems so limited between us
I wanna run away, I might be left by her train
Can’t help myself to burst out
My hearts breaking don’t know what to do.

Still I thank God, letting me feel at peace
Knowing she’ll be with Him how amazing it is!
Just been crying out to Him now for my request
My God, I want to join her
Together we’ll bow down and on our knees.

I know God you hear me
Want to ask you something
and it’s a daughter’s request;
Light her candle as bright as it can be
Fill her lamp with so much oil
That even up to my grandson’s and daughter’s
will be lighten and brighten by her.

Tuesday, 30 March 2010

UNWELL

Posted by iya_khin at 03:19 4 comments
In my deepest pain I grieved
My hearts breaking, tears are falling
Can’t help myself not to think
What I have done are all mess
My efforts are all meaningless.
his riches I don’t need
his promises are tricks
he hold me captive
See now, I’m almost drowning.
Yes, everything now is meaningless
My time, my strength, my youth wasted
Day and night I have labored
Still I see my hands empty
he gave me stone instead of bread
he gave me poison instead of water to drink.

Now great storm is around me
Thunders striking, winds heavily blowing
Hold me now, I’m losing my grip
It’s so strong, take my hands don’t let go
My God, my Savior I call unto you.

My God I cry unto you
I have sinned
Many times I failed you
I’m so weak, I’ve been deceived
My Lord, help me to make it through.

Hear me Oh Lord
I know these are the consequences
Help me to bare it, be my shield
Help me to fully trust in you
I’m laying down all my of burdens under your feet.

Thursday, 21 January 2010

Miss U

Posted by iya_khin at 00:22 14 comments

Nandyan ka na naman, tinutukso-tukso ang aking puso. Ilang ulit na ba, iniiwasan ka di na natuto. Darating kaya sa dami nyang ginagawa,may pag-asa pa kaya? hmmmmmppp!!! Bababoom! Shakss ala akong maisip na isulat! Mag-dadalawang buwan na akong ganito, di ko alam kung bakit, my brain is empty it needs to be filled! I needed space sabi ko sa sarili ko dati, (sinabi ko ba talaga?) nasobrahan yata ako sa pahinga kaya siguro natulog pati utak ko.

Well, sa mga oras na ito habang nagtatayp ako sa long lost blog ko eh dito ako sa opis, excuse me, sa bago kong opis..hmmm...describe ko sa inyo...dito ako sa pang-12 na palapag, malawak ang opisina,malawak na lamesa,kasama koý puro GM,tahimik,tunog lang ng orasan ang naririnig ko,puro bintana,kitang-kita ang kabuohan ng tanawin sa labas na puro konstraktura. Malamig, nakakabagot dahil wala akong ginagawa, wala ang amo kong hapon dahil mag-hapong nasa site at ang kasama nyaý mga kalahi nya ring hapon. Ako naman, eto kahapon pa nakatunga-nga,bagamat full access ako sa internet ay nakakabagot pa rin kaya tiyak kong maghapon na naman akong ganito,nagpapatay oras.....

Share nalang ako sa feelings ko ngayon, tungkol dun sa blog ni Drake..oo si Drake ( o ha starring ka sa blog ko!!) Sinabihan kasi ako ni ladyinadvance kagabi na nakabalik na nga si drake, so dahil excited ako kasi namiss namin sya eh agad-agad akong nagbasa ng blog nya,kikichismis sa bakasyon eklabooh nya..
Totoo, tinamaan ako sa kwento nya kidding aside, pigil ang luha ko kasi baka makita ako ng mga amo dito at pagkamalan akong lukaret, nakaka 2 weeks palang ako dito baka matyugi agad ako dahil sa kahibangan ko,kaya hikab-hikab nalang ako kunwari para di obyus. Bigla kong naalala nung umalis ako sa pinas,2007 ng inihatid ako ng mama ko at ng anak ko sa paliparan. Excited ako na malungkot,mixed emotion. Nalulungkot ako dahil iiwan ko yung mga mahal ko, excited din kasi sa wakas makakasama ko na ang asawa ko at may trabaho para sa akin dito. Di lahat kasi nakakapunta sa ibang bansa,kahit anong gawin na paraan eh di parin nangyayari na makapangibang-bansa. So go go go ang lola mo! Pero sa di inaasahang pangyayari, pumalo ang global crisis, so lahat ng benefits ng company namin eh tinanggal nila, samahan mo pa ng 3 hanggang 5 buwan na walang sahod, so nagkabaun-baon na sa utang...no chance na makauwi dahil di sapat ang pera,sa pamasahe palang hirap na...

Anyway,mabalik tayo, yun nga inggit ako dahil buti pa ang Drake nakauwi na, samantalang ako mag 3 taon na dito pa rin...Papasalamat naman din ako kasi nakawala na ako dun sa dati kong kompanya at may nagbukas ng bagong pag-asa para sa akin...so maybe this Dec. makauwi na din ako at makapagbakasyon..gusto ko din mayakap ang nanay at mga kapatid ko sobrang to da hayest lebel na miss ko na sila! Drake huwag kanang malungkot kasi anytime pwede mo sila mauwian, kami heto't nagsisimula palang umahon uli matapos ang napakalakas na unos sa buhay namin. Masaya ako para sayo! Masaya din ako dahil anu't-ano pa man....Babalik ka din at babalik ka din,babalik at babalik ka din! haay!! i'm looking forward to it!
Sa mama ko.... miss ko na ang humba mo! pero ok lang kahit tuyo lang ang ulam natin basta't makasama ko kayo ay ayos na! Mahal na mahal kita!

Thursday, 7 January 2010

DALAW

Posted by iya_khin at 03:02 9 comments


Hey it's me! naaalala mo pa ba ako? na miss kita super! sorry ha di kita nadalaw for almost 2 weeks na ata,bumisita man ako sayo eh di ako nagparamdam dahil inaatake ako ng sakit na katam...sorry talaga. Alam mo sa nakalipas na linggo actually di naman talaga ako busy eh nagbusi-busihan lang ako, nasa bahay lang ako buong araw. Haay..kakabagot din pala ang mahabang bakasyon dati excited ako sa walang pasok o holiday pero na realized ko nakakabobo ang nasa bahay lang kasi walang interaction sa labas. Oo nga't may facebook at YM kaso iba parin yung sa labas i guess nasanay lang talaga ako na nasa trabaho at ngudngod nguso sa kakatapos ng mga pinapagawa sa akin ng boss ko. Dapat nga ito yung time na makapagconcentrate ako sa pagbabasa o di kaya sa pag-aayos ng sarili ko kaso eto ako't bangag sa kakatulog! haay! eto tuloy napala ko mugto ang mata sa sobrang tulog. Wala pa akong makausap dito sa bahay dahil lahat ng tao eh nasa trabaho,so sa frustrations ko naglaro nalang ako ng naglaro ng SIMS 3..oo SIMS addict ako! Alam nyo ba yun?! actually lalaki ang avatar ko dun, kakatuwa kasi lahat ng kapit bahay ko dun inanakan ko at ni-isa sa kanila wala akong pinakasalan, eh paano ba naman niyayaya ko sila kaso ayaw ang gusto lang nila eh puro woowoohh! ( woowoohh meaning malalaman mo lang yun kung naglalaro ka din!) tuloy dami kong anak take note almost twins lagi at puro girls pa, ay! may bago pala akong baby dun sa bagong kapit bahay ko boy kasi nanganak na sya. sa dami ng anak ko eh di ko maalala mga names nila kasi yung nanay nila nagpapangalan sa kanila at di sila nakatira sa bahay ko yung iba dalaga na! Paano kaya inreal life kung may ganun, gulo siguro!! Anyweyz! malapit na akong pumasok sa bagong work ko, thanks to God talaga sa provision nya at narining nya mga prayers at hinaing ko. Hayaan mo magpo-post ako ng picture dito para makita mo bagong opis ko. pagnagkaroon din ako ng tym ipost ko din picture ng avatar ko sa sims dito, nasa isang laptop ko kasi eh! Nangangamusta lang talaga ako at sana na miss mo din ako! Happy new year pala, i hope di ka naman naputukan at buo parin ang mga daliri mo ng sa ganun ay makapagcomment ka naman! weeeeee!!!!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review