Thursday, 29 March 2012
Monday, 26 March 2012
damuho sa damuhan
Isang nakakapangilabot na
maligno sa damuhan ay natagpuan
Di ko sukat inakala sa
iisang mundo’y nananahan
Hinuha ko’y nagpapakasasa
kana sa kamunduhan
Lintik lang, hunghang ka,
sarap mong duraan!
Dahil sayo’y bigla akong nakapagsulat
Nabuhayan ako’t nangagalaiti
ang ulirat
Mga kalahok dito’y batid ko’y
bihasa sa panitikan
Pero ang isang katulad mo’y
kay sarap isubsob sa putikan!
Sarap mong tirisin yaring
isang nakakapandiring kulisap
Masahol ka pa sa
masangsang na galunggong isa kang hinayupak
Saang silid-aklatan ka ba
naglagi at ika’y mapagpanggap
Bayani ka bang maituturing
kung sarili mong pamilya’y iyong winasak?
Parang kang isang
saranggolang nakasabit sa sangga
Mga makukulit na bata’y
pilit kang hinihila
Na dapat sana’y ika’y nasa
himpapawid at di nagkukubli
Ay oo nga pala, mas
masahol ka pa sa larawan ng barakong malandi!
Bato-bato sa langit ang
tamaan ay pangit
Ipagpaumahin ng iba kung
pasimple’y ako’y nanlalait
Kung ika’y nasasapul ng
aking akdain
Aba’y mag-isip isip ka’t
sarili mo’y di pwedeng dayain!
Pasintabi po sa aking mga
masugid na taga-subaybay
Ang inyong aba’y di po nakikipag-away
Sa kagawaran ng katarungan
ako’y humihingi ng pang-unawa
Tanging ito lamang ang
kayang ipukol sa isang nilalang na halang ang kaluluwa!
TSEEEE!!
Isang lahok para sa pakontest na “Bagsik ng Panitik” ng aking kaibigan sa Damuhan
Sunday, 25 March 2012
minsan....
| umeemo... |
Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sekretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo
Chorus
![]() |
| scattered friends |
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan
Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi'y anong saya
Repeat chorus
![]() |
| scattered bebots |
Minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan
Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
Ngunit kung sakaling mapadaan baka
Ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

Minsan – Eraserheads Song Lyrics
Wednesday, 21 March 2012
up close with Don Moen
Yesterday was a big day for me;
we celebrated again our Worship Night Convergence @ DECC Jebel Ali. I was so
excited not only because I’m part of the choir, it’s also because we have a
special guest…yeah! It’s Don Moen! Ooopss! but of course our main purpose is to
really worship our almighty God above all! J
We thought he will not make it to
the event because his flight had been delayed from Tennessee, so the praise and
worship band really tried to usher the people into worship by the grace of God and indeed we really
felt His presence. It was so amazing!!
And then it was already past 10pm
when Don Moen arrived straight from the airport to Jebel Ali, everybody was so
excited to see him in person and yes including me! hehe! It was a bit funny
because everybody immediately had their camera and video on!! Hahaha! no
exemptions! LOL
Teka na nonose bleed na ako!!! Ubos
na isang rolyo ng tissue ko dito! :p
To make the long story short…the
event was a success..posted some pics here!
Apologies for how pixelated the images are!
![]() |
| some of the choir beauties! |
![]() |
| my voice teacher hehe! |
![]() |
| behind me?!! |
![]() |
| Don Moen |
cheerio!
Categories
donmoen,
me,
praisenworship
Sunday, 18 March 2012
for you...
I can’t understand myself why I’m feeling this way..
How foolish I am but I can’t help myself to think of you…
Yes, I’m thinking of you…
We haven’t talked for a long time…
I guess I’m really missing you that much…
Just wanted you to know….
Everyday I’m checking you out…
But I don’t have the guts to tell you how I’m feeling…
Yeah, I know it’s wrong…stupid me…
I really wanted to forget about you and erase you from my
memory…
But it just drags me to keep coming back…
I hate it…
Well…
I really MISS YOU ALOT!
I miss you…
BLOG…
![]() |
Thursday, 8 March 2012
Tuesday, 6 March 2012
Monday, 5 March 2012
grieve...
![]() |
Sobrang lungkot ko…
Bilang isang OFW ito ang ikinatatakot ko.. ang di mo
nasasaksihan ang mga kaganapan sa buhay ng mga pamilya mo, mga kamag-anak mo o
yung mga kaibigan mong naiwan sa atin.
Nakakalungkot lalo na kung abala ka sa trabaho tapos biglang
may mag memessage sayo….
Iyah nasagasaan yung inaanak mo kanina….wala na sya……
Iyah wala na si mama mo…
Iyah wala na si auntie mo…
Iyah yung auntie mong isa wala na din…
Iyah si lola mo wala na…
Iyah si tita mo wala na…
Iyah yung pinsan mo nagpakamatay….
Iyah yung family friend nyo wala na din…
Nakakapanghina….
Wala ka namang magawa…
Wala akong mahingahan dito sa opisina habang tinitipa ko
ito, parang dinudurog ang puso ko kapag
nakakatanggap ako ng mensaheng ganito…
Gustong sumabog ng puso ko….
Ilan na ba ang nawala simula ng mapunta ako dito sa ibang
ibayo?
Mahirap malayo dahil di natin alam ang takbo ng buhay at
ng mundo..
Maraming kaganapan na gusto mong naroon ka, baka sakaling
may magawa ka pero napaka imposible..
Reality….
Sa paglapag mo pabalik sa bayang sinilangan…kulang na
sila…
Tanging alaala nalamang ng nakalipas ang iyong babalikan….
Sunday, 4 March 2012
baliw
Baliw - English Definition: 1)
crazy or demented person (noun) 2) crazy, demented (adj)
minsan may pagkakataon talaga sa
buhay mo na nagiging iritable ka at di ka mapakali sa isang tabi. May mga bagay
rin na di mo na gugustuhang maamoy, makita, matikman o mahawakan man lang.
Madalas din bigla ka nalang maiinis sa isang tao na wala naman talagang ginawa
o nagawa sayo, may mga salita ka lang na narinig na di naman talaga angkop para
sayo pero dahil sa OA ka nagreact ka…
at yun na ang simula ng away….
at sisimulan mo ng iyakan ang
mga bagay-bagay na iniisip mo lang at wala naman silang kamalay-malay..
in-short, nagtatamang hinala
ka lang.
wala naman dapat ikagalit,
wala naman dapat ipagtampo, wala namang issue pero ginagawan mo, naaaliw ka
pagsumasakit ang puso, naaliw ka pag nang-aasar ka at nagpapaasar naman sila.
Pagkatapos nyong magpalitan ng asaran eh iiyak ka, magdradrama ka, eh diba yun
ang hanap mo? Tapos ngayon aatungal ka dahil pinatulan ka at sasabihin mong
inaapi ka at gusto mo ng mamatay…Baliw ka nga!
may pagkakataon din na
humahagalpak ka ng tawa, kahit ano pinagtatawanan mo, lalakasan mo pa ang pagtawa
para may makapansin sayo o sadyang nagpapapansin ka. Ito naman sila tatawa din
dahil wala naman talagang nakakatawa kaya nagmumukha kang katawa-tawa….nakakasawa
na…lintik naman talaga.
hindi ako naging atentib sa
skwela noong highschool palang ako, di ko gusto ang subject na sibika at
kultura, halos lahat ng grades ko dati ay pasang-awa, pero may isa akong
natatandaan sa Noli Me Tangere… si Sisa..idol
Di pa naman nauso ang
pag-aadik non pero paano kaya nakalathala si Rizal ng pagkabaliw? Di naman din
pa taggutom noon kaya malabong makaapekto sa kondisyon ng pag-iisip ng tao…ah
malamang alam ko na..dahil sa tindi ng pag-iisip kaya nakalikha ng ganoong
karakter si Rizal…nakakabaliw nga naman talaga ang sobrang pag-iisip lalo na’t
kung nag-iisa ka.
nakakabaliw na, nakakawala na
ng gana, nakakasawa na..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
basilio…
crispin..
nasaan na kayo?
Subscribe to:
Comments (Atom)






.jpg)















