Monday, 30 December 2013

i'll say goodbye to you..

Posted by iya_khin at 23:33 0 comments

magbloblog ako bago pa matapos ang taon...pumapamahiin ako para next year tuloy-tuloy na ulit akong makapagblog. sa totoo lang namiss ko ng sobra ang pagsusulat, namiss kong magblog-hopping at maki-tsismis sa kapwa ko blogero. salamat sa globe connection sa phone ko na kahit mabagal eh pwede na pagtiyagaan para makapag-update.

nasa pinas pala ako... masaya ang pasko pero malungkot..ewan..mamaya bagong taon na, putukan na naman! ingat-ingat din pag may time para di mabawasan ang sampung mga daliri! red alert na naman mamaya ang mga ospital pag nagkataon!

ayoko na ng emo, sabi kasi ni ms.bebang nung nakaraang SBA di na daw uso ang emo.. cge na nga di na ko mag-eemo.... #top1lies

gusto ko ng lumagay sa tahimik this year... lol
asan na ba kasi yung tunay kong prince charming... dadating pa ba kaya? :'(

ayoko na maging mabait...

2014... dont be mean to me please ako lng dapat ang mean! lels

sana wala ng mga salawahang lalaki at babae sa mundo...

magtotomboy nalang kaya ako pag nag age 33 na ako at wala pa yung hayop na lalaking hinihintay ko...teka may hihintayin pa ba kaya ako?!

ang emo ko pa din...putek ayoko ng umiyak!

may friend ako...isinumpa ko daw sya..sabi nya nagkatotoo daw yung mga panlalait ko sa kanya at mamamatay syang nag-iisa...

hayaan mo...dadating ako pag inindian ako nung  hayop na lalaking hinihintay ko...sasamahan kita..langgoy ulit tayo sa de-hangin mong kama. lels

sana this year lumevel up naman na ako, hindi na puro crazy at stupid ang itawag sa akin.. i'll put myself into rehab coz baby ur my desease.... wala naisip ko lang!

so i'll say goodbye to u 2013....

hello 2014!! Sana manalo na ako ng lotto!

Thursday, 12 December 2013

OMG!

Posted by iya_khin at 05:25 0 comments

OMG!!!

(reaksyon ng hindi nakakapag-update ng blog)



Tuesday, 22 October 2013

scream and shout and let it all out!

Posted by iya_khin at 23:29 0 comments


buhay nga naman...
napaka-unfair...

nagtratrabaho ka pero di mo nararamdaman, may mga bagay at balak kang gustong gawin pero hindi pwede. lahat nalang para sa ibang tao... paano naman ako?

tao lang..sabi pa.. may needs ka din para sa sarili mo pero.. HINDI NGA PWEDE! 
may dapat kang unahin, meron kang dapat suportahan, umaasa sila sayo.. ang hirap.. lalo na pag-single mom ka...tulad ko.

maiyak-iyak kana kung paano pagkakasyahin ang sahod mo, minsan yung sarili mong allowance o pagkaing isusubo ibibigay mo na din sa kanila, paano ikaw lang ang aasahan at takbuhan nila.

kailangan mong kalimutan ang sarili mo para sa kanila, lahat sa kanila, puro sa kanila..minsan gusto ko ng magwala!! PUTAAA!! 

pag di ka nagbigay, pag di ka tumulong ikaw pa ang masama kesyo selfish ka daw ect! hindi ba nila alam kulang nalang kumain ako ng buhangin para may maiabot sa kanila at abusado pa..nanakawan pa pati anak ko, nakakatawa diba?! sarili mong kapamilya nanakawan ka! PUNYETA!!

kakainit na talaga ng dugo, punong-puno na talaga ako!!

pati future nila iiaasa sayo, gusto isusubo nalang sa kanila..paasa daw pagbinitin mo sila.. WTF?!!!
pinagtapos ng pag-aaral pero nakaasa pa din?! ano yon?! baldado ba?! hindi naman diba?!!

Paulit-ulit tong sinasabi sa inyo ng mga nag-aabroad..ilang beses na tong ipinaskil at inyong nabasa...

HINDI TUMATAE NG PERA ANG MGA OFW's!!!!!
HINDI KAMI BANKO!!!!

ang dami nyong shitness pero hindi nyo man lang kami naiisip!!!
bato-bato sana matamaan kayo!!






Wednesday, 16 October 2013

Tag-ulan

Posted by iya_khin at 23:36 10 comments
Tag-ulan na naman…

Sa pinagtagpi-tagping tahanan nagkumpol-kumpol
Pira-pirasong karton, yero, lata at iba pang basurang itinapon
Maliit na espasyong animo’y humahagulgol
Mga patak ng ulan, umaagos, dumadaloy.

Si bunsong tangan ni ina sa kanyang kanlungan
Pilit sumiksik  upang maibsan ang ginaw sa katawan
Dito lang ako’t di kita iiwan marahang na bulong ni ina
Tahan na, tahan na, ang ula’y titila na.

Dapit hapon na ng si ama’y dumating
Bitbit ang mumunting sisidlan biyayang kanilang pagsasaluhan
Pagal na katawan sa maghapong pangangalakal
Napawi ng lahat ng mga supling ay kanyang nasilayan.

Tag-ulan na naman…

Magarang tahanan animo’y palasyo
Mamahaling kagamitan lahat dito’y kumpleto
Maaliwalas na paligid sya nga namang kay ganda
Yari sa bato, marmol at konkreto.

Sa malawak na silid nagkukubli’t nag-iisa
Nanginginig sa takot sa kada hataw ng kulog at kidlat
Si bunso nama’y tuloy-tuloy ang paghagulgol di matigil sa pag-iyak
Dadating pa ba’t hating gabi na wala pa si ina at ama?

Bitbit ay alak ng si ama’y dumating
Di man lang sumilip sa mga supling na naghihintay
At si ina’y langgo sa piging na kanyang pinaghandaan
Mga supling nila’y tila nakaligtaan na’t napabayaan.


Tag-ulan na naman….






Sunday, 6 October 2013

time to say goodbye

Posted by iya_khin at 01:58 0 comments

goodbye blog... until we meet again...
surely i will miss you...
it's closing time...




Thursday, 26 September 2013

TOP 10 LIES

Posted by iya_khin at 05:47 3 comments
Will You Still Love Me Tomorrow
(Carole King)

Tonight you're mine completely,
You give your love so sweetly,
Tonight the light of love is in your eyes,
But will you still love me tomorrow?

Is this a lasting treasure,
Or just a moment's pleasure,
Can I believe the magic in your sighs,
Will you still love me tomorrow?

Tonight with words unspoken,
You say that I'm the only one,
But will my heart be broken,
When the night (When the night)
Meets the morning sun.

I'd like to know that your love,
Is love I can be sure of,
So tell me now and I won't ask again,
Will you still love me tomorrow?

Will you still love me tomorrow?




Sad?!! Sino?!! Ako?!! Di siguro!! #1 #top10lies

Birthday ko kahapon pero parang wala lang just another ordinary day. Pumasok sa opis, umuwi at nagluto ng spaghetti pero fail..wala ako sa mood.. naglinis ng bahay at nagsalang ng labahan. Napagod ako kaya wala na din akong gana tumakbo kaya nagmukmok sa isang sulok at tumunganga sa tab ko... 

Umiyak?!!!!! WTF!! Hindi din! #2 #top10lies

Di daw uso ang birthday sabi nung kakilala ko, gastos at abala lang yung araw na yun.. inshort.. shitness lang ang birthday! ok na yung gumising ka sa araw na yon at magpasalamat kasi nadagdagan na naman ang edad mo. Pagpapasalamat na din at nakaraos ka sa nakaraang taon sa lahat ng kaganapang kinaharap mo.

Marami akong pera!!!! #3 #top10lies

Pag-abroad ka kala ng iba ume-ebak ka ng pera. Paksheyt!! Natanong nyo na ba sa mga taga-abroad magkano ang expenses nila? Natanong nyo na ba kung ok ba ang tinitirhan nila at kung magkano ang upa at ang bayad sa kuryente at tubig?! Naiisip nyo ba na magkaiba ang halaga ng pera sa abroad at sa pinas? Kung kinukulit nyo yung mga taga-abroad na magpadala na ng pera dahil marami kayong bayarin dahil sa lakas ng loob nyong mangutang HOY!!!! Hindi kami bangko!!!

Hindi ako naiinis!!! #4 #top10lies

Hindi na inis ang nararamdaman ko dahil............ PUNONG-PUNO na ako!!

Hindi ako napapagod!! #5 #top10lies

Pagod na pagod na buong pagkatao ko!

Gusto ko yung kanta sa taas! #6 #top10lies

HINDI!! Dinudurog ng song na yan ang puso ko, lalo na pagnaaalala ko ang nanay kong kumakanta nyan! Sintunado at wala sa tono! Masakit sa tenga! Nahihirapan akong huminga pagnaririnig ko ang kanta na yan. ps. salamat pala sa effort :)

Manhid na ako. #7 #top10lies

Ramdam na ramdam ko sa bawat araw ang lahat-lahat...

Masaya ako 100%! #8 #top10lies

Hindi ba halatang masaya ako? Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...Masaya ako...

I'm Superwoman! #9 #top10lies

Kahit gaano pa kabigat ang barbel na binubuhat ko, kahit gaano ako kalakas sa loob ng gym, kahit kaya kong gampanan lahat ng gawain sa loob at labas ng bahay... PAUSE! Nyeta!! Masahe lang ang gusto ko wala pang makapagbigay!

Hindi na ako emo! #10 #top10lies

Sa palagay nyo?!!



Pasensya sa rants....



Happy Birthday to me!






Monday, 19 August 2013

when.....

Posted by iya_khin at 01:45 5 comments

When I'm feeling weak
And my pain walks down a one way street
I look above
And I know I'll always be blessed with love
And as the feeling grows
She breathes flesh to my bones
And when love is dead...
I'm loving angels instead..."


Oo, napapadpad lang ako dito pag-inaatake ako ng kaemohan sa katawan.. ganun talaga dito lang kasi ako nakakahinga...

google

Thursday, 18 July 2013

nang dahil sa init mo....

Posted by iya_khin at 00:47 9 comments
Nakakainit na ng ulo talaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!! waaaaaaaahhhhhhhh!!!! Sobrang init na nga ng weather dito sa disyerto pati ba naman 'tong bwiset kong telepono nakikisabay din!!! Haaay naku! kaloka na talaga! kabibili ko lang netong phone ko na 'to 4 months ago eh binibigyan na ako ng problema kabwiset talaga! Actually 2weeks palang to sa akin sakit na 'to ng ulo! pero dahil sa tamad-tamaran ako eh di ko napapalitan.... my bad....


Di ko alam kung bakit pero lagi 'tong nag-iinit na halos pwede ng mag-gisa dahil sa init, minsan nakakatakot kasi baka bigla nalang sumabog tas pansin ko din mas lalong umiinit 'to pag nasa bulsa ko! kaloka? lalaki ata 'tong phone ko lagi syang hot pag hawak ko! Sarap ibalibag at durugin! 


Can you feel me peeps?!! Diba nakakainit naman talaga ng ulo lalo na pag laging nag-hahang ang phone mo 'tas natataon pa lagi na pag may importanteng kausap ka sa text, fb, twitter, bbm, whatsapp, wechat at kung ano-ano pang social network! Tas kakacharge mo lang eh lowbat na kaagad?!!!! waaaahhh!!! 'nyeta!! katweet-tweet at ka-PM mo pa naman si crush mo!

goggle
Diba tama 'tong piktyur?!! nowadays di ka mapapalagay pag wala kang teleponong bitbit, mas importante pa nga to kesa sa wallet mo.. lalo na pagnaka-unlimited call and text ka at connected to wifi! Sosyal!! Haaayyy! nakakaurat lang talaga at dahil dito nakapagblog tuloy ako!

mecometer
Kita nyo yang chart? Di naman gaanong halata na mahilig sa telepono ang pinas kahit recession na eh pataas pa din ang bilang ng mahilig makipag txt at tawag ultimo si lola at lolo may hawak na celphone khit malabo na ang mata. dabaaaah?!!!! The Mobile cellular subscriptions of Philippines is 99.3 (per 100 people) with a global rank of 99. Oh diba taray!!! nakapagresearch pa talaga ako dahil dito!!! waaaaaah!!!

google
Ang totoo... gusto ko lang bumili ng bagong phone.. mawala ng lahat ng lalaki sa mundo wag lang ang celphone ko.. chaaaaarrrr... gusto ko yung phone na malakas magvibrate para feel na feel ko pag meron akong message! hehehe!

Anong brand and model ng phone ang maganda? Help me gad! :p





Sunday, 7 July 2013

...................

Posted by iya_khin at 00:45 24 comments
tumblr
i've done so many things in my life...

so many failures..

so many mistakes...

been in a lot of pain...

but no one has the right to stomp on my dignity..

no one...

not even you...

co'z you really don't know...

who really i am...

and what i have been through...

no one...


yes....

not even you....


Friday, 5 July 2013

Naka-ummm na ako, kaya eto sayo!!

Posted by iya_khin at 03:27 2 comments

This is it....oooh.... i finally found someone......

ano na?! eeeekk! alam ko inaabangan nyo 'tong post na 'to hehehe sensya naman nagsunod muna ako ng taba kaninang umaga kaya ngayon ko lang ito nagawa. Actually, nahirapan akong maghagilap ng judges para sa kontest kong "Naka-apat na si Iyah, pumayat kana ba?' hehehe nahirapan pa talaga ako sa lagay na yan! 

Akala ko talaga lalangawin ang kontest pero masaya ako kasi sinuportahan nyo pa din ako kahit papaano. Haaiiiisst..nakakatamad na talagang magblog minsan pero trying hard pa din ako kahit wala ng taong naliligaw dito.

So dahil nga sa nagpakontest ako, syempre dapat merong manalo! hehehe! pero bago ang lahat eto muna comment ng mga hurado..

Sya nga pala salamat sa pitong sumali, salamat talaga sa inyo sana isa-puso nyo yung mga tulang isinulat nyo. Salamat din sa mga hurado nauto ko na naman kayo! hehehe!

reason y i like the entry ___________dahil akma sya sa theme mo at the same time nag rhyme sya... para sa akin kasi  ang tula hndi lamang sa metaphor or delivery ng poems... na coconsider din dito paano nagagamit ang mga salita na magkatunog. at kung habang basahin mo sya..parang ang gaan basahin at nakakatuwa.. one word sa nagsulat nito. SMART! " - cathy

"May napili na ko, yung pang ___________”.
 Gusto ko sya kse:

1.       Straight to the point towards the topic- about health.
2.       Sakto lng yung haba ng tula, di maigsi, hindi den mahaba
3.       Wlang msyadong sinasabe na di tugma sa theme
4.       Masarap sya basahin kumpara sa ibang poems
5.       Pwedeng slogan yung ibang stanza
6.       May panawagan sa taong makakabasa
7.       Simple lang yung mga words na ginamit – madaling intindihin
8.       Makes the readers realize about healthy living na hindi mukhang ipinipilit syo to live healthy,
pinaparealize na may mga bad habits na dapat pag attention –parang ganon." - joyce

" Nakakatense, habang binabasa ko nagdidikit ang dalawang betlog ko, ganun ka-tense ang dating sa akin, kaunti na lang ay titirik na pati mga mata ko. Bersyon ito sa ng tula ng movie na Shake Rattle and Roll part 1, 785, 410, para itong isang episode na may title na _______. May isang sumpa na nagpasalinsalin sa pamilya nila ng mahabang panahon, at siya lang ang makakapagpatigil nito, dahil siya ang the chosen one. Hindi man niya maiwasan hindi dumaloy sa kanyang mga dugo ang sumpa, may paraan naman siya para maiwasan ito o maputol niya. Isa itong paglalakbay sa buhay na punong-puno ng pag-asa." - akoni

Ilan lang ito sa mga komento ng mga hurado, sinadya kong di ilagay sino napili para walang hurt feelings, yung ibang komento di ko na din isinama dahil wala silang explanation! LOL! heheheh!

So sino ang namarkahang manalo?!!

Ang prize?!

1 pair of adidas running shoes

Sana magamit mo ito para masimulan mong isabuhay ang healthy living! Para sa susunod ikaw naman ang maging featured guest sa...




Congrats to you.....








Wednesday, 26 June 2013

lyrics & me

Posted by iya_khin at 00:40 0 comments
google
"Could you beam me up,
Give me a minute, I don't know what I'd say in it
I'd probably just stare, happy just to be there, holding your face
Beam me up,
Let me be lighter, I'm tired of being a fighter,
I think a minute's enough,
Just beam me up." - PINK

I've done so many mess in the past
Until now it's hunting me; I wanted it to last
I said I was ok but am I really?
I'm so tired I wanted to be free.

"killer dose right through my heart..
....and there's no antidote.."  - SWEDISH HOUSE MAFIA

All my life I never searched for anyone
Time flies so fast  I've met so many "someone"
They just come and go through that door
Left me dying, lying cold on the floor.

"Should I give up or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere?
Or would it be a waste even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere?" - ADELE

I was hunted but I can't see no one
I was terrified chilling down my spine
Then I saw a girl staring back at me
Torn apart but smiling..how can this be?

"I'm glad you came." - THE WANTED

And you whispered....

"Funny you're the broken one but I'm the only one who needed saving....
 I want you to stay.." - RIHANNA


PS:


Tuesday, 11 June 2013

Naka-apat na si Iyakhin, pumayat kana ba?

Posted by iya_khin at 05:40 25 comments
deviantart
Sa wakas ginagahan na naman akong mag-update ng blog kong 'to, sabi pa nga panapanahon lang talaga! hehehe! So anong meron dito?! Wala namang bago same old shitness ko pa din at kung ano-ano lang, hmmm...sensya na kung di ko talaga madalas nadadalaw at di ako gaano nakakapag-update kasi nga...MASAYA AKO! Lels! Antayin nyong ma-emo ako tiyak araw-araw nasa tuktok ako ng bloglist nyo.

Shoot! Naka-apat na taon na nga talaga itong bahay ko! Akalain mo yun?!! Di ko kasi inakala eh! Pero masaya ako kasi atleast di ko talaga 'to tuluyang iniwanan... sabi pa nga "once a blogger always a blogger"  tama ba?!! ay ewan!

So ayun nga sabi ko gusto kong magpakontest kaso wala naman pumatol magcomment sa box ko, hahaha! wala na atang nadadalaw dito! Pero ganun pa man masaya pa din ako sa mga secret and silent readers ko thanks to all of you, mahal ko kayo! :p

Dahil sa wala akong maisip na idea siguro ganto nalang ipapacontest ko...gumawa ulit ng TULA! Opo, tula ulit! wala akong maisip eh! Pero this time hindi na about sa mga kaemohan or ano pang mga kadramahan sa buhay...teka ok binabawi ko na sinabi ko..cge pwedeng emo. ;p

Ang tema naman ay patungkol sa kalusugan, opo tama kayo ng basa about sa HEALTH! Dahilan nauuso ang mga marathon at kung ano-ano pang mga Thon nowadays kaya eto ang temang napili ko.

Dahil 4 na taon na ang blog ko kaya 4 na beses ko din pinag-isipan 'to! lels! wala lang mairelate lang.

So ok, basahin mabuti at sundin ang panuto, kung sa salitang banyaga..read and follow the instructions carefully! Intendes?!!

PAANO SUMALI:

1. Kahit sinong pinoy na blogero't blogera basta't may blog na kung saan pwede nyong iposte ang inyong ilalahok na tula.

2. Gumawa ng tula na may tema tungkol sa KALUSUGAN. (kahit anong istilo, drama, humor, ect basta tumutukoy ito sa kalusugan.)

3. Ang tulang lilikhain ay dapat hanggang 4 NA STANZA O SAKNONG lamang! Diskwalipayd ang hihigit dito!!! OK?!!

4. Ang tula ay dapat nakasulat sa sarili nating wika..TAGALOG.

5. Ipadala ang inyong opisyal na tulang ilalahok na nakatipa sa MSWORD sa email na ito: extreme.sportaholic@gmail.com

6. I-LINK ang post na ito sa inyong mga entry, eg: 


 7. At magcomment sa post na ito sa gantong paraan:

Name / Alias: Iyakhin
Entry Title at URL: Nang ako'y Pumayat / http://susulatako.blogspot.ae/nangakoypumayat

8. Huwag din kalimutang ilagay ang link sa inyong mga lahok ang ating sponsor:

SHUT UP AND BURN
Maaari nyong ipasa ang inyong entry / lahok simula ngayon June 11, 2013 at ang deadline ay hanggang June 30, 2013. Ang mapipiling manalo ay syempre tatanggap ng premyo!! At i-a-announce ang nanalo sa July 05,2013. Kung nasa ibang bansa ang gustong sumali /nakilahok at kung sakaling manalo, ang premyong inyong matatanggap ay ipapadala lamang sa Lupang Ating Sinilangan..Pinas!

Isa lamang ang pwedeng manalo pero tiyak na masisiyahan kayo sa magiging premyo. sana nga :p  Kung ano man ito....may kaugnayan ito sa ating tema! Naman!!

Kaya't umpisahan nyo ng tumula ng mahabang-mahaba at mag-exercise tuwing umaga! hehehe!



Sunday, 26 May 2013

malapit na....

Posted by iya_khin at 05:02 4 comments
malapit na....

ang bilis talaga ng panahon di ko akalain na tatagal kami ng ganito. makailang ulit ko na itong binalak iwanan at ilang beses ko na itong di inintindi at dinalaw. sabi pa nga ni..sino ba yun? sensya di kasi ako nanonood talaga ng tv..weather-weather lang! kung susumpunging magsulat o kaya kung maisipan lang tsaka lang ako nadadapo dito. 

oo, malapit na... sa susunod na buwan mag 4 taon na itong blog ko! biruin nyo tumagal 'to! nakakatawa man isipin pero bahagi na talaga ito ng buhay ko. alam ko halos puro ka-dramahan tong blog ko at madalas puro walang kwentang bagay lang pero dahil din dito sa blog na 'to marami din akong natutunan at mga naging kaibigan.

kaibigan at ka-ibigan! LELS! nakakapanghinayang lang kasi yung iba naglaho na, wala na sila, sayang kung iisipin pero sabi pa weather-weather ulit! totoo nga hindi mo maprepredict ang takbo ng buhay kahit yung mga pangyayari o mga bagay na nakasanayan na natin gawin, di din kasi maiiwasang magsawa o tamarin na tayo sa paulit-ulit nalang na gawain...hmmmm...ewan pa din...depende siguro.

salamat din sa mga taong di man nagcocomment eh napapadaan pa din kayo dito sa tahanan ko kahit inaagiw na sa tagal kong mag-update o kaya puro walang kwenta lang pinagsususulat ko dito. di man ako madalas makadalaw sa mga blog nyo eh, isang araw dadalaw din ako. lol sekreto lang naman ako nagbabasa pa din ako di lang me nagkukumento...wala lang...basta dito lang me lagi sa himpapawid 24/7.

at dahil nga sa mag 4 taon na ako sa bloggy world...iniisip ko..magpacontest kaya ulit ako! ano kaya maganda? any suggestion? sa totoo lang di ko naman pinagkakakitaan 'tong blog ko, ginawa ko lang ito for fun! LOL kung babalikan o magbackread kayo ang totoo death note ko 'to online! anyway whatever! basta ang alam ko sa dinami dami man ng iniyak ko sa blog na 'to at kung binaha at binagyo man ako ng kadramahan sa buhay at nailathala ko dito, ang mahalaga eh buhay pa ako at umaupdate pa din ang blog ko kahit naghihingalo.

so ngayon week, mag-iisip ako ng ipapakontest sa inyo. at this time maayos-ayos naman na premyo ang ibibigay ko..hhhmmmm....limpak-limpak na salapi?! :p

so open ang linya sa suggestion nyo! tawag na!!



PS: kung gusto nyo pala ng motivation para magpapayat follow nyo din ako sa kabilang bahay ko! :)

Sunday, 19 May 2013

tumula ng madalian para sa kaibigan

Posted by iya_khin at 06:01 5 comments


sa opisina na dapat may ginagawa
bakit ako ngayo'y nakatunganga
nakatutok sa computer na sa ingles kung tawagin
kay daming trabaho pero heto't di batid kung anong uunahin.

Nakakabobo na kung minsan
bakit ba paulit-ulit nalang
Wala naman ibang aasahan
kaya eto't maghapong nagkukunwari-kunwarian.

pagal na ang isip sa mga walang kwentang bagay
kahit mga kakilala'y walang kamalay-malay
pigil na damdaming di mawari at gusto ng sumabog
ano ba ang totoong dahilan bakit ako nagpapakalugmok?

Wala talaga akong maisip na maitipa
masaya nga talaga ako, siguro nga..
Mema lang ako kaya ko ito na gawa
handog na din para sa isang kaibigang nagrerequest kanina.

Beh, ano man ang iyong problema
ano man ang bumabagabag sayo simula pa ng makalawa
wag ka lang magungutang wala kasi akong pera
pero eto tutula nalang ako para mapasaya ka. :p

Dito lang ako para sayo
Isang tawag mo lang magpapamaneho ako
kung nabibigitan kana sa barbel na binubuhat mo
Halika't mag RPM nalang tayo!

Pasensya na kung eto lang ang maihahandog ko
Medyo nagmamadali na't uuwi na ako
Alas-singko na pala kaya kung ano-ano nalang natitipa ko
tula pa ba ito? Ewan ko basta para sayo 'to.

Ngiti kana't wag magpapaapekto
Hindi ka nag-iisa kahit sobrang dami ng mga impakto
Aja-aja lang may hangganan din ang lahat
Smile lang, yun lang ang katapat!


Sunday, 5 May 2013

Linggo na naman kasi!!!!!!

Posted by iya_khin at 00:34 6 comments

Linggo...eto ba talaga araw ng pagluluksa ko? Paulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit nalang!!! Putang'na!!!  Diba dapat masaya?!!! Oo masaya naman ako pero ewan ko ba bakit binabalutan na naman ako ng kagagahan sa katawan ko, pinipilit kong iwasan pero eto't parang isang anino't laging nakabuntot sa akin pag nasa liwanag ako...dapat ba laging nasa darkness at emoness lang ang peg ko? hindi ba pwedeng nasa summer time naman?!!!!
KALOKA!!!

Gusto kong magpakalango sa alak nauuhaw ako, as in now na!!! Tamang-tama din 'to kasi binigyan ako ng amo ko ng 2 boteng alak ngayon! Yeeeeaah!!! Reward ko daw sa pag OT ko kagabi! buti nalang pumayag ako hehehe! alak lang pala katapat ko eh no?!!! Sarap sanang tungga-in to ngayon sa opisina yung lang kung bukas pagbalik ko may letter of termination na ako! :p 

Bakit ba ako naeemo? Marami naman akong friends? asan na kayo?!!! Marami namang nagmamahal sa akin, may lablayp naman din ako.. LOL pang-ilan na ba 'to?!! Pero at the end of the day bakit feeling ko nag-iisa pa din ako? :'(

It's all in d mind..pero hindi!!!!!! Ramdam na ramdam ko! Pinipilit kong magbago pero so hirap, ayoko na ng emo, ayoko ng umiyak, ayoko ng malungkot pero paulit-ulit pa din akong hina-hunt nito. Nagpakalayo-layo na nga ako sa disyerto kung saan di ako mahahanap ni khit ako nga di ko kayang umuwi dun at talagang maliligaw ako, pero eto't natagpuan pa din ako ni Santa. Emotera!!!!! OMAAAYYYGWAAAAAD!!!!

I hate this feeling...parang gusto kong maglaslas!!!
Naku kung hindi lang talaga.............. 

Mother's day pala, kaya cguro din napanaginipan ko mama ko nung isang araw.... :'(
I miss her so much...........

Miss ko din anak ko.....

Gusto ko lang maging masaya.....

Pagnagkaamnesia kaya ako maaalala ko pa ba kaya mga kaemohan ko at mararamdaman ko pa ba kaya 'tong shitness sa dibdib ko?

AY AMBOT!!!

Eto kasing si Adele humihimig na naman sa tenga ko eh!!!!! Dapat puro heavy metal nalang sounds ko para maging pangdurugista naman ang tema ng blog post ko!!! :p

Linggo kasi....pasensya na....



Monday, 29 April 2013

ALTA VISTA DE BORACAY ESCAPADE

Posted by iya_khin at 02:09 4 comments
As an OFW it is really tough to work abroad especially if you're alone and away from your family, all you wish is to finish your work and even wanted to drag the time, days and months just to have your yearly vacation and be with your family again!

Of course as an OFW we really deserved to give ourselves a very nice treat for all the hard works that we have done..and talking about vacation...we dream big!

Vacation for us means...PARADISE!

A place where we can relax and enjoy, no tensions and worries, no busy days and no workloads!

I've been working here in abroad for almost 6 years and I can say that my 2013 summer vacation was the best!! Not to be so exaggerated but this is really my unforgettable and most happiest vacation going back to Philippines! I was so excited to pack up my things and be with my friends when they planned and invited me to have my vacation in Boracay!

Boracay alone sounds heaven to me, but what I really love about is the place where we stayed! And yes, this is just so AWESOME!

Paradise you want, comfort and luxurious lifestyle? Well, this is where you can find it.. at ALTA VISTA DE BORACAY!

It is located on the hillside where you can see the real beauty of nature which is surrounded by sea and mountains, it's just so amazing!







a very refreshing welcome drink!






INFINITY POOL "tawag ni Otep" surrounded by nature

living room






a very good place for honeymooners and family!



Alta Vista SPA


SOUVENIR STORE 

CONFERENCE ROOM

PUKA BEACH

desperadang modelo kuha ni Xander

emoterang Iyah kuha ni bff Bino


If I will be given another opportunity to visit Boracay, absolutely I'll be staying again at Alta Vista de Boracay.. and by that time I might be one of the honeymooners! LOL :p




LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review