Halintulad sa isang puta ako'y naglalako ng laman
Nagmamakaawa sa madilim na lansangan kung saan ako'y
kanyang iniwan,
Alok dito, alok doon di magkanda ugaga halos
magkadapadapa
Pilit na inililihis ang napakaiksi ng palda hanggang sa kuyukot
ay makita.
Haplos at halik syang nagsisilbing medisina
Kung kani-kanino at kung sino-sinong barako ako'y sumama,
Animo'y isang ahas kung sa kanila'y makapulupot
Hanggang sa malagutan ng hininga at kinabukasa'y sa peryodiko
sila'y iikot.
Sa kamera nyang tangan magiliw na
nakangiti
Walang bahid ng lungkot, o kay galing talagang magkubli,
Hindi nya batid katumbas nito'y isang milyong kagat ng alupihan
Damdaming namimilipit sa sakit kinikitil ako ng
dahan-dahan.
Sa makipot na silid mumunting lampara ang tanging
nakasindi
Dito ako'y unti-unting natutunaw animo'y sorbetes na walang lasa
sa iyong labi,
Bago pa mahuli ang lahat sa kapirasong papel akin ng
isusulat
Patak ng mga luha ko'y syang aking pluma at ikaw ang
pamagat.
13 comments:
maikli pero napaka ganda ng pag kakasulat
the best ka talaga dito
salamat bff :)
magandang tula...tunay kang makata...
Base ba ito sa tunay mong nararamdaman ngayon? :)
maikli pero malaman.... goodluck sa ito belle iya!!!
sad story...but very nicely done...good luck sa inyo...:)
xx!
whew!! bigat naman nito..
reality check... sad sad sad story...
godd luck po!!!
*bear hugs*
nice one ate iyah!.... walang kupas pa rin talaga.. :D Goodluck!
Tula para kakaiba. Nice one :)
umiiyak pa din sa tema ng akda..
tumahan ka na iyah :)
ui ang galing makata kang tunay at may award ka here http://myyellowbells.blogspot.com/2013/02/liebster-award-baby.html
Ang galing!
Post a Comment