Sunday, 21 April 2013

HELLO?!!!!!

Posted by iya_khin at 04:50
Ehem!!!!

Ay naku sa wakas nakatipa din ako sa nilulumot ko ng blog! Kamusta naman? May naliligaw pa ba dito?! Halos mag 2 months na akong di nakadalaw dito ah, tamad-tamaran lang!

Alam ko atat kayong malaman kung ano ng nagyayari sa masalimuot kong buhay (as if naman may paki kayo! :p) Well, well, well..... I-summarized ko nalang...





I am happy... simply... 


Try kong magbalik loob sa pagsusulat at umpisahan ko sa magagandang nangyari sa buhay ko sa loob ng 2 buwan. Sobrang bilis di ko inakala, wala sa plano lahat pero masaya ako.. oo MASAYA AKO! capitalized talaga!!!

No more heartaches na, goodbye sad  and emo days! Pakyu sa lahat ng nagpaiyak sa akin! Hindi ako bitter pero deserved nyong lahat ang middle finger ko na invisible kong itinapal sa face nyo! Pero dahil mabait ako chooooosss!! ipagdadasal kong mga kaluluwa ay este buhay nyo, sumalangit nawa! Amen.



Sa sobrang iksi ng hair ko ngayon nagmamaganda ako! OO, MAGANDA AKO at BLOG KO 'TO! big letters ulit! belat!! Di na uso ang long hair kasi feeling ko lagi ako si Rapunzel nakakulong at out of reach. Maganda nga pero sad naman anong silBi nun?! teka sinabi ko talagang maganda ako? Pero see nung ginupit ang napakahaba nyang hair nagkalovelayp ang lola mo ng happily ever after, o diba bongga!!! Wala lang, maiconnect da dot lang!



So ok, dahil nasa mood akong magblog ngayon eh to be continue naman ulit ang kwento ko hehehe! Abangang nyo ang Boracay trip ko kasama ang nagsisikatang blogero't blogera ng U-BLOG! i know mag 1 buwan na ang nakalipas pero fresh na fresh pa din ang happy moments sa isipan at puso ko!! Nakkkssss! I miss u all guyz!!!! Syempre malilimutan ba ang napakarelaxing na lugar kung saan kami nagpugad?!! WOW as in WOW na WOW!!! Paraiso talaga, bow na bow ako dito!! Eto na talaga ang pinaka the best na natuluyan kong hotel sa tanang buhay ko! Hindi naman ako exaggerated masyado pero totoo ang Alta Vista De Boracay.

Pasilipin ko kayo ng konti at abangan nyo ang next blog post ko, susunod na!

u-blog boracay 2013
u-blog boracay 2013

ALTA VISTA DE BORACAY





5 comments:

POY said...[Reply]

everybody feel the beat of summer there. i am not sure if you still remember me, i just got back online too.

khantotantra said...[Reply]

welkam baks!

honga, kelangan mo na maishare ang boracay moments with the ubloggers

MEcoy said...[Reply]

wow ohh may nagbabalik!
nice naman summer na summer ahh! ako kaya may nalalanguyan bago matapos ang tag araw

eMPi said...[Reply]

Welcome back Iyah!

Bino said...[Reply]

finally nagblog ka din ulit BFF!!! :D

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review