Hey it's me! naaalala mo pa ba ako? na miss kita super! sorry ha di kita nadalaw for almost 2 weeks na ata,bumisita man ako sayo eh di ako nagparamdam dahil inaatake ako ng sakit na katam...sorry talaga. Alam mo sa nakalipas na linggo actually di naman talaga ako busy eh nagbusi-busihan lang ako, nasa bahay lang ako buong araw. Haay..kakabagot din pala ang mahabang bakasyon dati excited ako sa walang pasok o holiday pero na realized ko nakakabobo ang nasa bahay lang kasi walang interaction sa labas. Oo nga't may facebook at YM kaso iba parin yung sa labas i guess nasanay lang talaga ako na nasa trabaho at ngudngod nguso sa kakatapos ng mga pinapagawa sa akin ng boss ko. Dapat nga ito yung time na makapagconcentrate ako sa pagbabasa o di kaya sa pag-aayos ng sarili ko kaso eto ako't bangag sa kakatulog! haay! eto tuloy napala ko mugto ang mata sa sobrang tulog. Wala pa akong makausap dito sa bahay dahil lahat ng tao eh nasa trabaho,so sa frustrations ko naglaro nalang ako ng naglaro ng SIMS 3..oo SIMS addict ako! Alam nyo ba yun?! actually lalaki ang avatar ko dun, kakatuwa kasi lahat ng kapit bahay ko dun inanakan ko at ni-isa sa kanila wala akong pinakasalan, eh paano ba naman niyayaya ko sila kaso ayaw ang gusto lang nila eh puro woowoohh! ( woowoohh meaning malalaman mo lang yun kung naglalaro ka din!) tuloy dami kong anak take note almost twins lagi at puro girls pa, ay! may bago pala akong baby dun sa bagong kapit bahay ko boy kasi nanganak na sya. sa dami ng anak ko eh di ko maalala mga names nila kasi yung nanay nila nagpapangalan sa kanila at di sila nakatira sa bahay ko yung iba dalaga na! Paano kaya inreal life kung may ganun, gulo siguro!! Anyweyz! malapit na akong pumasok sa bagong work ko, thanks to God talaga sa provision nya at narining nya mga prayers at hinaing ko. Hayaan mo magpo-post ako ng picture dito para makita mo bagong opis ko. pagnagkaroon din ako ng tym ipost ko din picture ng avatar ko sa sims dito, nasa isang laptop ko kasi eh! Nangangamusta lang talaga ako at sana na miss mo din ako! Happy new year pala, i hope di ka naman naputukan at buo parin ang mga daliri mo ng sa ganun ay makapagcomment ka naman! weeeeee!!!!
Pasko kasama si Jesus
11 months ago
9 comments:
Hehehe :D Happy new year sayo at sa iyong maraming maraming anak sa iba't ibang kapitbahay :D
congratulations sa new job! wee!! kumpleto pa ang daliri ko. yay! haha!
ito ako dinadalaw ka ngayon..
at sa susunod pang mga araw ay dalawin rin kita..
aha! katam pala ha... kaya di ka na nakakabisita sa akin ahaha /joke ^_^
hope you're having a good time at congrats sa new work jaideee!!!!
ako man ay nawala ng ilang buwan ngunit hindi katam ang tumama sakin kundi martilyo... ahihi
kamusta na po? =)
Wow. Basahin ko 2 minsan. antok n q e^^.keep writing
ahihihihihi namiss ko blog mo...muwah!....
ngayon lang ako nadalaw! 2010 pa pala to haha ako na ang super late! Happy New Year!
Post a Comment