Wednesday, 30 March 2011

BRUTALLY FUNNY

Posted by iya_khin at 01:50 24 comments
Heyyahh peepz!!! akala nyo nag disappear na ako 'no?!! di kaya nagpalaboy-laboy lang ako sandali!

well..well..well....kani-kanina lang napadpad ako sa bloggy world ni Mommy Razz...kala ko kasi ano ng nangyari sa kanya. Nanlaki mata kokasing laki ng palayok nangmakita ko sa BR ko ang post nya she needs help daw! Dali-dali ko itong klinick click! At.........aysus...yun naman pala eh stressed out pala sya at dahil sa request mo itong blog post ko ngayon ay para sayo.

Actually nareceived ko lang din itong email na ito nung stressed out din ako....kaya heto ENJOY!!

What to do when you're bored at work.....
1. Kill a few flies.

2. Put them in the sun to dry for one hour.

3. Once they are dry, pick a pencil and paper... Let your imagination flow.


4. Here are a few samples:












Saturday, 26 March 2011

NAISIP KO LANG

Posted by iya_khin at 22:32 21 comments


Naisip ko lang….
Paano kung isang araw mag sawa na ako?
Paano kung isang araw di na ako magparamdam sayo?
Paano kung isang araw wala ka ng naririnig sa akin?
Paano kung isang araw bigla nalang akong maglaho?

Naisip ko lang…

Hahanapin mo ba kaya ako?
Mamimiss mo ba kaya ako?
Itwi-twit mo pa rin ba ako?
Magiging friends pa rin ba tayo?

Naisip ko lang…

Paano kung ayoko nang magsulat?
Paano kung di na ako nakikiepal sa commment post mo?
Paano kung in-active na nga ako?
Paano kung wala ng tao sa blog ko?

Naisip ko lang…..

Wednesday, 23 March 2011

AKO SI YULIE 07

Posted by iya_khin at 22:24 16 comments
Nagbakasyon si Yulie kaya medyo na delay ang next episode ng kwento ng buhay nya.....
Eto na po ang pang-pito.....

Ako si Yulie 07


Walang hiya ka!!! Aaahhhhh!! Pagpupumiglas ko sa lalaking nagsasamantala sa akin.

Hmmm…..BOG!! Sabay tumba at kawalan ng malay nito habang gulat na gulat ako sa mga pangyayari.

Maya-maya pa ay di ko alintana na nasa may bungad na pala ng pinto ang isang babae. Bakas sa kanyang mata ang pag-aalala sa lalaking ito. Halos kasing edad ko lang ang babae, maganda, makinis, katamtaman ang taas at…….

Lumayo ka nga dyan, sino ka ba at anong ginagawa mo dito?! Tanong ng babae ng makita ako at animo’y nanlilisik ang kanyang mga mata.

Huh?! Ako ho si Yulie bago nyong kasambahay….sagot ko habang di parin ako makapaniwala sa mga nangyari.
Parang walang narinig ang babae at tinawag si Carlota. Leche! Carlota!!!! Agad-agad na dumating si Carlota.

Ano po yun senyorita Matilda? Malumanay na tanong ni Carlota sa kanya.
Tulungan mo nga akong akayin si Danilo sa kanyang kwarto bilis!! Agad nitong utos.

Habang papalabas sila ng kwarto muling lumingon sa akin si senyorita Matilda at tinitigan ako ng masama at parang diring-diri sa akin.

Ano ba itong buhay ko, ano ba itong napasok ko? Sawang-sawa na ako sa mga pang-aapi ng mga tao sa paligid ko. Kung magkakasama-sama lang sana uli kami  ng aking itay at inay di sana naging ganito ang buhay ko. Lumong-lumo ako sa mga nangyari pero bakit ganon nalang ang labis na pagkamangha ko sa lalaking iyon? At tila nararamdaman ko pa ang kanyang mga haplos at halik , na kahit nagpupumiglas ako sa kanya kanina ay batid kong puno ng pagmamahal ang kanyang mga yakap at halik. Ramdam ko ang lambot at ang init ng kanyang labi….
Nahihibang ako! Bakit ko ba naiisip ang mga yon na dapat nga ay kasuklaman ko sya dahil sa kanyang ginawa.
Sa labis kong pag-iisip at dala narin ng pagod ay maya-maya pa’y sumasakit na ang aking ulo kaya nagpasya na akong matulog kahit kumakalam ang aking sikmura.

Nababalot ng kadiliman ang paligid ko, wala akong maaninag at wala ni isang kisap ng liwanag sa paligid ko.
Tulong…..tulungan mo ako….huhuhuhu hikbi na isang babae.
Tulong……tulungan mo ako…papalapit ang tinig sa akin.
Nabalot ako ng pagkatakot di ko alam ang gagawin ko, papalapit sa akin ang tinig pero di ako makaalis…
Tulong….tulong……biglang kapit sa akin ng isang napakalamig na mga kamay at napaksangsang ng amoy..
Paano kita tutulungan wala akong makita ni wala akong maaninag!! Nagsisimula na akong mangamba.
Tulong…tulong nauuhaw ako….sabi ng babae. Kinapa ko ang kanyang mukha at naramdaman kong malagkit at basa ang kanyang katawan..ano ito?! Naamoy ko…dugo!dugo! at biglang….GRRRRRRRRRRRRR!!!!!!

itutuloy

Tuesday, 22 March 2011

SINE-SINEHAN 02

Posted by iya_khin at 05:19 17 comments
Dahil na ipangako kong may continuation ang SINE-SINEHAN ko, ito na po ang kasunod. Pasensya na po kasi minadali ko lang uli ito sa kadahilanang naduduling na ako.....toink-toink-toink...

Nagnakaw po ako ng mga larawan ng walang pahintulot para ipost ko dito sa walang kabuhay-buhay na storya...ewan ko lang sa inyo bakit nyo ba pinapatulan ito.

Well as usual ito po ang mga nabiktima ko:

Yung mga di ko naisali, pasensya at pang kontrabida lang kasi mga itsurang kinukuha ko...



Kung natapos nyo ang video at nabitin kayo, eh naghahanap po ako ng direktor at producer na magpapatuloy....di na kinaya ng system ko na trojan yata! lol

Sunday, 20 March 2011

The Stylist and the 7 Facts

Posted by iya_khin at 21:39 18 comments

1. Thank the person who gave you the award and link back to their blog.

2. Post seven random facts about yourself.

3. Pass on the award along to 15 other worthy bloggers.

So first, i would like to thank MUSINGAN of ang dami mong pasumangil for tagging me this award. i've been seeing this award from most of my friends here in bloggy-bloggy world...thanks to them di nila ako TAG!!hhhmpp!
Stylist na pala ako di ko alam!! hahaha

salamat dito

Second....FACTS ABOUT ME?!!! MERON BA??!!hmmmmmm


1. I'm turned off to those people who keeps on saying bad words in front of me......sarap lagyan ng siling labuyo ang bunganga! NOT COOL!

2. I do cry even on commercial breaks and news....di ko mapigil lalo na pag emosyonal ang segment

3. I have a lot of books....which i haven't read yet....

4.OO na ako na ang mahilig sa gadgets!!! obvious ba?!!

5. I'm addicted to SIMS and MANGA!!

6. Kaya kong umubos ng isang kalderong kanin sa isang upuan!! hahahah! gluttony!

7. Kaya kong matulog ng straight sa buong araw!! 

Well,well,well sabi sa instruction ipasa daw ito sa 15 bloggers na kakilala ko....AYOKO!!
Ayoko kasi baka may magtampo pag di ko pinasahan nito! Yalah!

Friday, 18 March 2011

SINE-SINEHAN

Posted by iya_khin at 11:34 19 comments
Ilang araw din akong nawala dahil sa kadahilanang naging abala ako sa isang proyekto...oo..proyekto!
Wala po itong kinalaman sa trabaho ko o ano man bagkus proyekto para sa masang madla!! ano ba tong pinagsasasabi ko??

Ginugulan ko talaga ito ng panahon dugo at pawis sa kilikili para madaliang matapos na..excited kasi ang 2 tao dyan! kaya heto na, kayo na po ang mag-narrate dahil kinapos na sa oras at teaser palang ito!!hehehe

Salamat pala sa nagdonate ng mga larawang pantakot sa daga...
(Akoni at Kamila) eto na po ang presentasyong pinakahihintay nyo!
Sit back and have fun!!!!
PS: may sounds po yan kaya mag sounds nalang kayo!! chiillllaaaxxxxx!!!


YEBBAAAHHH!!!



Wednesday, 16 March 2011

KADER-DER

Posted by iya_khin at 00:35 25 comments


Kader-der – salitang sinasambit ng aking uniko iho tuwing may bagay syang pinandidirihan.
-          meaning KADIRI obvious ba?!!

Speaking of kadiri ano ba ang kadalasang pinandidirihan ng mga abang katulad natin? Nakadalasan din ba ay dedma tayo sa mga ito dahil tayo ang may gawa o likha?

Ang mga ito ba ay mga kuro-kuro o haka-haka lamang, kayo ang humusga:

1.       Ang tinga ba ay masarap kainin?
2.       Pag nag aalis ng muta ang kaharap mo bigla ka na ring nagmumuta?
3.       Kailangan ba talagang bilug-bilugin ang kulanggot bago mo pitikin?
4.       Pag nasa sasakyan ka at pasimple kang nangulangot totoo bang ipinapahid mo ito sa ilalim ng upuan lalo na pagmadikit at di mo mapitik?
5.       Pagtaklesa ka at biglang tumalsik ang laway mo sa body parts ng kaharap mo dedma ka lang?
6.       Pag nauutot ka sa loob ng sasakyan at di mo na mapigil dahan-dahan mo ba itong nererelease?
7.       Kaya ba talagang umutot sabay ubo?
8.       Pagnatulog kang naka bukas ang bibig nagsasanhi ba ito ng pagkatulo laway?
9.       Umiihi ka ba habang naliligo?
10.   Nakakatakot ba talaga ang utot pag sumabog?
11.   Ang anghit ba galing sa bawang?
12.   Masarap bang kahalikan ang may bad breath?
13.   Talaga bang mga gala ang taong may mabahong paa?
14.   Mabango ba talaga ang pusod matapos mong makalikot?
15.   Masarap bang kamutin ang nangangatin pwet sabay amoy sa kamay mo?
16.   Ano ba talaga ang amoy ng tulok?
17.   Saan galing ang salitang tulok kahalintulad ba ito sa may tulo?
18.   Ano ba talaga ang tulo?
19.   Ang gripo diba may tulo din?
20.   Nakakader-der ba talaga?

Na E-EWW-EEWWW na ako.

Monday, 14 March 2011

Para kay Anton

Posted by iya_khin at 02:04 22 comments
Para sayo Anton,

Matagal tagal ko na rin pinag-isipan ito at halos may katagalan na din tayong magkakilala. Naglalaro ako nun ng paperdolls na gawa ni ate na jinekwat ko sa bag nya ng masilayan kita sa labas ng bakuran namin habang naglilipat bahay kayo. 9 years old palang ako noon at di ko maintindihan ang naramdaman ko, parang biglang nag-palpiteyt ang inosenteng puso ko. Tandang tanda ko pa din kung anong itsura mo nun, may sipon ka ata ng panahon na yun kasi labas pasok ang uhog mo. Sige nga ang punas mo sa damit mo ng bigla kang mapatingin sa akin at nagulat ka, bigla kang tumakbo at pumasok sa inyo. Pero ok lang yon kasi super cute ka pa din sa paningin ko.

Lumipas ang mga araw naging klasmayt pa tayo sa elementarya, halos araw-araw magkasabay din tayong pumapasok at umuuwi. Nalulungkot nga ako minsan pag-absent ka kasi nakakabagot mag-isa nasanay na kasi akong kasama ka. Hanggang sa grumadweyt tayo ng highschool parang magkarugtong na ang bituka natin, in good terms din ang mga magulang natin kaya sobrang saya ko. Halos  gabi-gabi nasa inyo ako minsan naman dito ka tumatambay sa bahay namin at may pagkakataon pa ngang sa amin ka natutulog. Alam mo bang pinagmamasdan kita sa iyong pagtulog?! Ang pogi mo talaga! Nakakabighani ang iyong mala-anghel na mukha, ang mapupulang labi at ang makisig mong pangangatawan, I love everything about you!

Pero biglang nagbago ang lahat, simula ng dumating si Anna.

Si Anna, klasmayt mo sa kolehiyo, si Anna na maganda, si Anna na sexy, si Anna matalino, lagi nalang si Anna! Paano na ako, anong nangyari? Madalang ka ng tumambay sa amin ngayon, lagi ka ng nasa lakwatsa dahil kasama mo si Anna iniiwan mo na ako sa ere. Minsan naglasing ka sinamahan pa kita dahil sabi mo ayaw ng magulang ni Anna sayo. Bakit kailangan mo pang maghanap ng iba eh nandito naman ako? Bulag ka ba?

Dapat dati ko pa ito sinabi sayo, dapat pinagtapat ko na agad sayo na mahal kita, oo mahal kita simula pa noon. Ngayon nalulungkot ka kasi di ka kayang ipaglaban ni Anna, ako eto ipaghahamon pa kita! Sana mapansin mo din ako, sana malaman mong may feelings din ako. Sana balang araw di mo na din ako tawaging TOL…..
Mahal kita, dito lang me….

Loving you,

Tikboy
galing deviantart

Saturday, 12 March 2011

HALL PASS?!!!

Posted by iya_khin at 23:42 17 comments
galing google


I’m not selfish!
Nasabi ko ito dahil sa mga bagay-bagay na nangyari sa akin last week…

·         Nagmamahal lang ako kaya ako ganito, ayoko ng maulit pa ang nakaraan tulad ng sinapit ng mga magulang ko.
·         Natatakot lang ako kaya ako ganito, nakakatrauma talaga kung paulit-ulit sa herasyon ko nangyari.

Siguro nagtataka kayo bakit ganito ang post ko, well malamang hindi kasi puro naman talaga kaemohan ang blog ko. Nahihiya po akong ishare kaso siguro napaparanoid lang ako! Gusto kong mag post ng masaya kaso wala naman akong maisip……

Last week nanood po kami ng lablayp ko ng “HALL PASS” it’s about a couple na medyo nagkakaroon sila ng prob sa relationship nila. Dahil sa feeling ng asawa nyang babae na di na namemeet ang needs ng lalaki at di nya na ito nasasatisfy so she gave him a hall pass, meaning 1 week off po sa marriage nila yung parang cool off muna sila. The husband is allowed to mingle around, flirt, cheat whatever na gusto nyang gawin for 1 week.

Spoiler ako kaya honestly I don’t like the idea of this movie. Though the summary of this movie is about honesty but I don’t really like it. Bakit pa kailangan mong itest ang asawa mo kung talagang honest sya? Meaning to say pag di na nasasatisfy ang asawa mo eh papayagan mong magloko?! Di ba?!!!!!!!!!

Marami namang paraan para maresolve ang isang relationship, it’s just a matter of communication. May dahilan bakit nagiging cold ang mag-asawa sa isa’t-isa, kaya mahalaga ang communication dahil doon mo malalaman ang pangangailangan ng bawat mag-asawa. Kaya nga kayo naging partner kasi you both complete each other, kung ano ang kahinaan ng isa yun naman ang lakas ng kapareha, nobody's perfect.

I’m not selfish, pero ang kay Eva ay kay Eva!
Kayo na po ang bahalang mag-isip kung anong gusto nyong isipin.

Ikaw gusto mo ba ng HALL PASS?!

PS: ok po kami ni lablayp c",)

Tuesday, 8 March 2011

IRITABLE

Posted by iya_khin at 03:26 25 comments


Kaantokkkkkkk!!!! Hanubahhhh!!!
Grabe kaantok ko ngayon, bumabagsak ang mga mata ko kulang nalang lagyan ko ng toothpick pangtukod ang aking mga beyutipul eyes…kurap..kurap…kurap

Asyuswal , wala ang mga pusa kaya eto’t nag-gagala ang daga!tweeted Wala akong gaanong trabaho ngayon kaya heto’t nag-gagala sa mga bahay-bahay at umeepal sa mga buhay-buhay ng may buhay..

Paano ba?!! grrrrr….retard…retard…retard…

Actually I’m a little bit pissed off last nyt, kung sa anong dahilan eh di ko din alam! Naiirita lang ako.
Ganito nalang…

May itatanong ako….

How can you forget the past when it keeps on hunting you back?

Haay! Nakakairita lang talaga minsan ang mga bagay-bagay sa paligid mo.

Nakaka-bad mood na naman.......

Monday, 7 March 2011

Ako si Yulie 06

Posted by iya_khin at 01:04 10 comments
Oho sya ho, iiwan ko na ho sya sa inyo kayo na po ang bahala. Tugon ni Tyang Minda kay Mr. Castillo

Tyang, wag nyo po akong iwan dito parang-awa nyo na po! Pagmamakawa ko sa kanya

Tumigil ka nga! hindi nga sabi pwede! Nakapagbigay na sila ng pera sa akin para pampagamot sa tatay mo! kaya manahimik ka dyan! Singhal ni  Tyang Minda sa akin.

Cge ho Mr. Castillo, aalis na ho ako. At agad-agad na syang lumabas ng pinto at iniwan akong lugmok sa pagtangis.
Paano na ang itay? Di man lang ako na kapag-paalam sa kanya, alam kaya nyang nandito ako?

Ehem! Putol sa akin ni Mr. Castillo

Carlota, dalhin mo na sya sa kanyang silid.

Oho senyor. Sagot ni Carlota at dali-dali akong inakay papunta sa aking magiging silid.

Di ko agad napansin na lubhang napakalaki pala ng tahanan nila Mr. Castillo, sa sobrang pagluha ko kanina ay di ko ito alintana. Napakarangya ng mga kagamitan at halos lahat ng kasangkapan ay mamahalin. Ngunit sadyang iba ang pakiramdam ko sa bahay na ito, tila may ikinukubling lihim sa likod ng karangyaan nito.

Ito ang magiging kwarto mo, pagpatak ng ala-sais ng gabi dapat tapos na ang trabaho mo at nandito kana sa loob, ipinagbabawal na ang lumabas , bukas na bukas din magsisimula kana. Mariing sambit ni Carlota.

Sadyang nakakapanibago ang mga kilos nya, dati rati’y sobrang giliw nya, ngunit ngayon tila ang lamig ng pakikitungo nya at animo’y di ako kilala. Pagkatapos nyang  sabihin lahat ng mga gagawin ko agad-agad na syang lumabas. Di ko lubos maisip bakit ganun nalang ang kanyang ikinikilos. Iniisip ko kung hanggang kailan kaya ako mamamalagi sa bahay na ito, wala man lang binanggit sa akin ang Tyang Minda. Kung para naman sa kapakanan ni itay gagawin ko ang mga ito pero hanggang kailan?

Inabala ko na ang aking sarili sa pag-aayos ng aking mga gamit ng biglang……

Tok-tok-tok

Sino yan?

Tok-tok-tok

Sino sabi yan?

At ng di parin sumasagot ay nagdesisyon na akong pagbuksan ito at ng biglang….

Hhmmmmm….yapos……..mahal kita…..mahal na mahal kita……yapos….kasabay ng mapusok na halik sa akin….


Itutuloy

Saturday, 5 March 2011

Arte Lang

Posted by iya_khin at 09:27 18 comments
Hmmm...wala po akong maisip na i-blog ngayon kaya mag-share nalang ako ng moments ko while flirting with my BB-cam. hahah! Ngayon lang po ako mag-papakita ng aking larawan kaya tabi-tabi lang po sa mga kumakain at patnubay ng magulang ay kailangan.
Sa mga mang-ookray sa akin lintik ka uupakan ko kayo pag pasensyahan nyo na ganyan lang talaga pagmumukha ko.

see me
tulala...
at the wedding
bored
church band with my lablayp w/ the black guitar
serenade..lablayp
waiting..antok na tagal matapos ng kasal
me & lablayp

Tapos na ang show, sana wag kang bangungutin mamayang gabi.

Thursday, 3 March 2011

Kalma Ka Lang

Posted by iya_khin at 03:14 14 comments

Pasensya naman!

Mga ilang araw din akong nawala cguro mga sitenta’y dos ka-oras din ang lumipas….hmmm quite long ha!? (English mode) I’ve been busy because I have to prioritize first my work you know. It’s month end so I have many incoming workloads to finish. Though I’ve been occupied with my “THINGS TO DO” I was still able to cope roaming around your B-haus but only limited to browsing. ENOUGH!ENOUGH! lalong sumakit ang ulo ko sa kaka-english plangganang butas!

Aktuwali, nagbusi-busihan din lang ako may tama ka Banjo!  Kasi may binigay sa akin ang Lablayp ko na ilang araw ko din pinag-aralan at kinuting-ting aside sa trabaho ko. Di naman masyadong kagaraan pero tats na tats ako.hehehe!

Wala eh, ibinili lang naman nya ako ng Blackberry na malayo pa sa katotohanang  maging i-phone 4. Tsaka isang Samsung Galaxy tab lang naman na wala parin sinabi sa size ng ipad tab. Diba di naman masyadong maluho?! Nakatanggap kasi sya ng bonus sa trabaho dahil sa pagiging workaholic kaya deserve daw syang bigyan sabi ng kompanya nila. Ganun talaga eh! Syempre di ko matanggihan kakahiya naman sa kanya kasi bigay nya sa akin, kaya inaccept ko nalang at sabay sabi ng “tenk you at isang matunog na kiss.” with blinking-blinking eyes

Kakahiya naman sa inyo, yun pa naging dahilan ba’t di ko kayo nadalaw. Hayaan mo, ibibili nalang din kita….

ng ice scrambol dyan sa palengke para malamigan ang init ng ulo mo ok!?

PS: follow nyo ako sa TWIT-TWIT ko, anytime pwede ko na din kayo ma-TWIT-TWIT! lol

Wednesday, 2 March 2011

tot-tot-tot-tot

Posted by iya_khin at 03:45 10 comments
OBVIOUS BA?!!
Dahilan bakit di ako nakakadalaw SAYO!
I'll be back promise!!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review