Wednesday, 14 December 2011

PAAAKK!

Posted by iya_khin at 01:11 23 comments
 
I gotta feeling, that tonight's gonna be a good night, that tonight's gonna be a good, good night!

Diba masyadong halata na excited na ako? OK teach me how to dougie!!! Di talaga ako mapakali dito sa kinauupuan ko now, gusto kong mag-amok at magwala! teka pareho lang ata yon?! hmmm... basta nauna ng lumipad ang isip ko sa pinas, nilalanghap ko na ang polusyon at masayang nakikipag-gitgitan na sa trapik! Ang saya-saya, nakakamiss din pala.

Namimiss ko din ang mga bumbilyang kumukutikutitap bumubusibusilak, at patay sindi na ilaw na red and yellow colors! tas may logong motel sa labas  tuwing pasko, ala kasi nyan dito.Yung mga batang makukulit na nangangaroling para manghingi ng candy tas kunwari di sila magkakasama para makarami sila, pagkatapos ibebenta nila sa tindahan ng nanay nila. Oh Yeah! only in the Pinas! I'm so excited, parang sinisilaban 'tong wetpaks ko na para me nikikiligkilig!! wwaaaahh parang orgasm lang! lels basta i can't explain, parang nikukuryente ang buong pagkatao ko, ganun na ganun ang feeling!

Siguro habang binabasa nyo ito eh nagshoshower na me at naghihilod to prepare myself para sa pag-alis ko or di kaya kasalukuyang nakaheadset ako sa airplane at nanonood ng movie sa tv na nakadikit sa upuan. pwede kayang manenok yun? gandang pasalubong yon! Or kaya i'm already with my beloved lablayp...my forver love...naaaakkkss wag kayong kiligin baka di nyo makayanan! lels

I't so nice to be happy, shalala!! 

By da wey segwey, para sa mga isang readers ko, baka ito muna po ang last na poste ko..baka lang ha! You know naman, sabik ang mga Pans ko sa akin at sabik na sabik din ako sa kanila..dapat pala dun me nagwowork kila Akoni at Musingan kasi sila talaga ang mga tunay na SABIC! kung nagwowonder at nagwawater-water kayo, tanong nyo sa kanila kung bakit! Lels

Salamat pala sa lahat ng nagpray at nag-encourage sa akin behind the scene, you know who you are. Sa kada patak ng luha ko sa bawat pagtangis ko, kayo ang nagsilbing panyo ko...i love u all guyz! 

o sya, sana'y sa pagbalik ko nandito pa din kayo! kung hindi makakatikim kayo nito...........

PAAAAAK!



 
Princess Velasco - I Gotta Feeling Accoustic (addicted To Accoustic)



Tuesday, 13 December 2011

Matilda....UWI

Posted by iya_khin at 00:18 24 comments
4 na taon.... 4 na taon din akong naghintay at nagtiis. Bumaliktad, dumayb, tumambling, dumapa, tumagilid, nagsunog ng kilay, ngumawa, lumuhod, nagdasal at kung ano-ano pang eksibisyon ang ginawa ko at sa wakas ako naman ang hahalakhak! It's my turn finally!! 

PRAISE GOD!

No words can really express kung ano ang nararamdaman ko ngayon, sa lahat ng pagpapagal at sa lahat ng pinagdaan ko dito sa ibang ibayo masasabi kong nagtagumpay ako with the grace and strength that our God MY GOD has supplied for me at hatid ko'y pagbabago at patotoo!  Yes, God has done marvelous things in my life while i'm here abroad; from bondage to freedom, from broken to whole. My experiences here wasn't really that easy, all my struggles and all my failures which I can say I've been passing thru wild thunders and storms but He has lifted me up, holding me and keeping me to stand still.

"in the midst of the storm, through the wind and the rain, you'll still be faithful oh Lord"

I thank Him for everything that He has done, for listening to me when I utter a prayer, and when i cry I know He is always there to comfort me. I'm really overjoyed! Lord to the hayest level po talaga! Salamat po!
                                                                               
So paano ba yan? uuwi na kami ni Matilda, that means EB na?!!!! yiiiiii!  


Monday, 12 December 2011

Here in my life

Posted by iya_khin at 00:04 7 comments

I have never walked on water
Felt the waves beneath my feet but
At your Word Lord, I’ll receive Your
Faith to walk on oceans deep

And I remember how You found me:
In that very same place
All my failing surely would've drowned me
But You made a way

You are my freedom
Jesus you’re the reason
I’m kneeling again at Your throne
Where would I be without You
Here in my life, here in my life?

You have said that all the heavens
Sing for joy at one who finds
The way to freedom, truth of Jesus
Bought from death into His life

And I remember how You saw me:
Through the eyes of Your grace
And though the cost was Your beloved for me
Still you made a way!

 




Sunday, 11 December 2011

TATLONG UM-UM KAKALOG-KALOG

Posted by iya_khin at 01:07 15 comments


Tingnan nyo itong tatlong ‘to, nakikinig ba talaga sila? Kaduda-duda ba?! Hmmmmm….

Ok fine deretsahan na ‘to, di na ako magpapaligoy-ligoy pa at baka kung saan pa mapunta ang kwento kong eto’t nagnanakaw lang uli me ng sandali sa aking lungga habang wala ang mga pusa. Gusto ko lamang talagang magbigay pugay sa tatlong ito na ubod naman ng bait sa akin dito sa mundo ng cyber space at pati sa personal! Nakss!! Kunwari di nila alam tas joke ko lang yung sinabi ko!

Dahil na ifeatured na nila ako sa mga blog haus nila eh di ko din palalagpasin na di sila ma-okray! Hehehe! Don’t worry guyz I’ll be gentle! Lels


MCRICH, DIAMOND R, MOKS

MC RICH – bow ako dito sa taong ‘to, ng magset ako ng EB namin eh sya ang kauna-unahang tumawag sa akin! Aba’y excited! At take note di ko pa man sya nakikita nun eh alam kong halos mapunit ang kanyang bibig sa tuwa dahil first time nya daw makakakita ng aliens sa totoong buhay! Same-same my friend! So nang matungtong ako sa kuta nila sya din ang unang-unang dumating, di talaga halatang excited sya. Magiliw itong si MCRICH, medyo ma-tekie, matanong about sa blog world, paano kumita sa NUFFNANG na akala ko din ay NUFFANG ang kabasa! Lols tanga lang me! Madami syang tanong talaga parang nagtatake nga ako ng quizbee sa mga tanong nya, gusto ko ngang humirit na kung pwede multiple choice nalang ang sagot ko, a-b-c or none of d above! Kung ihahalintulad mo sya sa isang studyante sa loob ng klasrum, sya siguro ang valedictorian at kami naman ang nasa row 4! Inam!  
Sya din ang nagsilbing tour guide namin, alams na, mga galing pang probinsya ang mga kasama nya. Sabi pa ni moks di sya nauubusan ng kwento, minsan bigla lang mag pa-pause kasi parang nag-loloading ang mother board nya tas dirediretso na naman sa tanong at kwento! Kung gusto nyo ng pakikipagtalastasan i recommend him! No wonder sya ang nanalo sa PEBA! Congrats uli! Ikaw naman manlibre sa next nating pagkikita-kita!

DIAMOND R – ssshhhh…..wag kayong maingay…soft spoken pala itong batang ‘to sa personal, ibang iba sa mga kakulitan nya sa blog nya. Sya ang pangalawang dumating sa EB namin, nagulat nga ako sa kanya dahil pagkatapos namin mag shake hands at magpakilala sa isa’t isa, agad-agad inilabas ang weapon nya! Ang magarang CAMERA! Picture dun at picture dito, actually sinabi ko talaga sa kanya na magdala ng camera kasi wala akong dala…I mean wala nga pala talaga akong camera! Lels lang! Pa-isa-isa kung bumanat itong si Diamond R, pero napapatawa nya ako, gusto ko din yung pagtinatawag nya ako para picturan at magposing, feel na feel ko naman! Hehehe! Actually sya lang talaga ang nagtyagang kumuha ng litrato ko ever since, kasi most of the time walang gustong kumuha ng litrato ko kaya kung mapapansin nyo sa fb ko lagi lang me nagsasarili! Kakasawa na nga mukha ko pati ako naumay na! Bagay na bagay din ang name nya sa kanya, diamante! Busilak ang puso at pati na din ang bulsa! Lels! Sya nanlibre sa amin, kasi yung dalawa nahihiya pa kasi manlibre! Lels ulit! Kaya ayun, nakakain me ng libreng napakalaking pizza na di ko alam paano kainin kaya nigawa kong sandwich! Di kasi kasya sa maliit kong mouth eh! Simpleng tao, nakikiramdam lang, parang humahanap ng tiyempo lagi kung saan sya babanat! Kung sa klasrum ulit, malamang nasa dulo ‘to nakaupo. Hehehe!

MOKS – ikaw na ikaw na talaga! VIP talaga! Ang huling dumating sa lahat! Kunwari manggugulat pa eh nakita ko kaagad! Unang pagkikita palang namin ganto na kami kaclose agad…gan’to…gan’to oh…kita nyo??!! Tuwang-tuwa ako ng makita ko sya, ganun din sya kaya bearhug kami agad sabay bugbog! Dyuks la-ang!! Todo ngiti ko ng makita ko sya in person, papa moks ang puti mo pala! Lels! Hahaha! Di ako nag alangan sa kanya, kung sa loob ulit ng klasrum malamang katabi ko ‘to sa row 4! Yung tipong laging pinapatayo ng titser at pinapadala sa principals office. Masayang kasama, kulang nalang din eh maglatag kami ng lamesa at bumili ng isang grandeng beer at TING!! Inuman na!! Sya yung tipong extreme, yung pwede kong makasabayan sa anumang kalokohan, yung tipong pagsinabi kong tumalon sa bangin eh tatadyakan ka para ikaw ang mauna! Mokong na mokong talaga napapahagalpak ako ng tawa sa kanya, ewan ko ba pero baka praning lang ako talaga.
Lagi din nakasmile, lagi kaming dalawang nakasmile adik lang kaya sumakit ang panga ko pag-uwi ko! May napansin din ako sa kanya, gentleman itong mokong na ‘to, oo gentleman sya. Kahit lokalokahan ako inaalalayan nya ako, parang ang gurl-gurl ko talaga! Uy salamat ha, di mo ako nihulog dun sa may port ng umupo ako, kala ko itutulak mo ako! Dahil nanalo ka din sa PEBA ako naman ibili mo ng crocs na kulay red! Nina nainggit ako! Wahahaha!

Kung aayain uli akong makipag EB ng tatlong makikisig na ‘to lels sa makikisig bola ko lang yon eh hindi ako magdadalawang isip na umeskapo ulit para sa kanila! Cheers guys!



Wednesday, 7 December 2011

Na AWARD sa Kalsada

Posted by iya_khin at 03:01 17 comments


Dahil kay kumareng Zyra kung bakit ko ginawa ang post na ‘to, dahil din sa ka “SIS” ko sya at kasing kyut ko eh susuportahan ko ang pakontest nya…teka pakontest nga ba?!

Me-premyo daw kaya blessed ang magwawagi! Oh ha blessed talaga like ni blessed zyra! Naks!

Ok ang premyo daw eh badge, “Ang Pera na Hindi Bitin” book at bragging rights….

Para saan ba ‘to?! Syempers para sa The Annual (KALSADA)Blog Awards 2011.

Ayon sa miryam diksyonari ni Zyra bakit naging kalsada ang tema basahin sa baba:

Dahil sa kalsada ka nag-aabang ng masasakyan. Pinipili mo ng todo ang aangkasan mong makina.
Bus. Van. Jeep. Jeep na stainless. Jeep na puro stain. Taxi. Dilaw. Puti.
Ikaw ang pumipili — ayon sa kung ano ang tingin mo ay maganda.

KArangalan – pagkilala sa mahuhusay na KAtropa at KAibigang blogger. Walang judges na bigatin. Blogger’s at Reader’s Choice lahat ng award.

Lakas — ng dating ng isang blogger. Mas masaya ang blogger kung maraming nagbabasa ng blog nya. Eto na ang panahon para sukatin ang inyong arrive. Tingnan natin kung sa aling kategorya kayo manonominate.

SAlinlahi at DAmbana– paghahanda ng mga posts atbp upang maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon. Isipin mong muli, kung malalaman ng iyong anak na nagwagi ka ng simpleng blog award, at magiging blogger man siya sa hinaharap, hindi ba’t ikaw pati ang iyong mga kaibigan ang kanyang magiging idolo’t dambana? Siyempre, chos lang ito.

CLEAR?!!

Eto ang mga bet at pets ko, pag napasama kayo dito ibig sabihin malapit kayo sa susu puso ko! :P

Lifetime Achievement Award –  Makatang Kiko ,  Jkulisap pati si Lordcm IDOL!
Most Promising Blogger of the YearMonik rock on!! \m/
Best Blog DesignKamila super kulit na baby ko!!
Best in English Blogger of the YearLeah tissue please!
Best in Filipino Blogger of the YearBino bff pa dot.com ka ha pag nanalo ka! lol
Photoblogger of the YearAxl Power house Production , Diamond R at si Pusang kalye i'm willing to pose for you guyz!! lels
R-18 Blogger of the YearAkoni ng Akonilandiya ikaw na ikaw na!
Pinaka-Bibong Blogger of the YearMotsmots super kulit na titser!!
Pinaka-Teking Blogger of the YearBon sya na maraming alam sa gadgets!
Pinaka-Gwapong Blogger of the Year -  waaaahhh eto yata ang mahirap eto marami-rami!! Sige na nga si Moks si Bon si Bolero at Gasul
Pinaka-Fashionistang Blogger of the Year - Steph who else?!!
Pinaka-Galanteng Blogger of the YearDiamond R ehem ehem!
Most Active Blogger of the Year (Blog Category)Khantotantra syang sya na lagi ang may update maya't maya at araw-araw!
Most Active Blogger of the Year (Facebook Category) – lahat ng taga U-blog pwede?! Lol
Special Award - Love Team ba ika mo?!! dati may alam ako pero wala na..tsaka walang may alam na love team sila! wahahaha! wag ng magtanong hmmp! Palo!!

O sya wag magpapagabi sa kalsada! Adios!



Sunday, 4 December 2011

bilangin mo!

Posted by iya_khin at 20:34 13 comments
counting......

sweet escape

Posted by iya_khin at 02:20 17 comments
web
Nakaranas kana bang tumakas? oo ikaw, kinakausap kita! Yung literal na tumakas pero di mo naman intensyon na talagang tuluyan ng magpakalayo-layo, yung panandaliang pagtakas lang para magliwaliw at intindihin naman ang sarili mo. Tipikal na gusto mo munang bigyan ng time ang sarili mo at panandaliang kalimutan ang worries ng mundo at samo't saring obligasyon na dapat mong gampanan dito...haaaist nakakakaba palang tumakas talaga. Eto yung di pagtigil ng pag-ring ng telepono mo, mga messages sa inbox mo na hinahanap ka, nangungulit kung nasaan ka, sino kasama mo, ano bang ginagawa mo at so on and so on pa!!!

Haaaaiissstttt! Give me a break, i need a kitkat!

Oo, tumakas ako! mga 1 araw lang naman, masama ba yon? masama na ba ako non? diba pwedeng ako naman ang sumaya kahit saglit at ilang oras lang at ako naman ang masunod this time? 

i need peace

i need to meditate

i want to see the world

i want to fly and aim high

and lastly......

i want to meet new friends...my blogger friends!

thanks to Engmoks, Diamond R and McRich for giving me such a wonderful day!



Saturday, 3 December 2011

mixed emotions

Posted by iya_khin at 06:07 7 comments
deviant
i'm a little bit sad....

deviant
yet i should be happy...

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review