Sunday, 11 December 2011

TATLONG UM-UM KAKALOG-KALOG

Posted by iya_khin at 01:07


Tingnan nyo itong tatlong ‘to, nakikinig ba talaga sila? Kaduda-duda ba?! Hmmmmm….

Ok fine deretsahan na ‘to, di na ako magpapaligoy-ligoy pa at baka kung saan pa mapunta ang kwento kong eto’t nagnanakaw lang uli me ng sandali sa aking lungga habang wala ang mga pusa. Gusto ko lamang talagang magbigay pugay sa tatlong ito na ubod naman ng bait sa akin dito sa mundo ng cyber space at pati sa personal! Nakss!! Kunwari di nila alam tas joke ko lang yung sinabi ko!

Dahil na ifeatured na nila ako sa mga blog haus nila eh di ko din palalagpasin na di sila ma-okray! Hehehe! Don’t worry guyz I’ll be gentle! Lels


MCRICH, DIAMOND R, MOKS

MC RICH – bow ako dito sa taong ‘to, ng magset ako ng EB namin eh sya ang kauna-unahang tumawag sa akin! Aba’y excited! At take note di ko pa man sya nakikita nun eh alam kong halos mapunit ang kanyang bibig sa tuwa dahil first time nya daw makakakita ng aliens sa totoong buhay! Same-same my friend! So nang matungtong ako sa kuta nila sya din ang unang-unang dumating, di talaga halatang excited sya. Magiliw itong si MCRICH, medyo ma-tekie, matanong about sa blog world, paano kumita sa NUFFNANG na akala ko din ay NUFFANG ang kabasa! Lols tanga lang me! Madami syang tanong talaga parang nagtatake nga ako ng quizbee sa mga tanong nya, gusto ko ngang humirit na kung pwede multiple choice nalang ang sagot ko, a-b-c or none of d above! Kung ihahalintulad mo sya sa isang studyante sa loob ng klasrum, sya siguro ang valedictorian at kami naman ang nasa row 4! Inam!  
Sya din ang nagsilbing tour guide namin, alams na, mga galing pang probinsya ang mga kasama nya. Sabi pa ni moks di sya nauubusan ng kwento, minsan bigla lang mag pa-pause kasi parang nag-loloading ang mother board nya tas dirediretso na naman sa tanong at kwento! Kung gusto nyo ng pakikipagtalastasan i recommend him! No wonder sya ang nanalo sa PEBA! Congrats uli! Ikaw naman manlibre sa next nating pagkikita-kita!

DIAMOND R – ssshhhh…..wag kayong maingay…soft spoken pala itong batang ‘to sa personal, ibang iba sa mga kakulitan nya sa blog nya. Sya ang pangalawang dumating sa EB namin, nagulat nga ako sa kanya dahil pagkatapos namin mag shake hands at magpakilala sa isa’t isa, agad-agad inilabas ang weapon nya! Ang magarang CAMERA! Picture dun at picture dito, actually sinabi ko talaga sa kanya na magdala ng camera kasi wala akong dala…I mean wala nga pala talaga akong camera! Lels lang! Pa-isa-isa kung bumanat itong si Diamond R, pero napapatawa nya ako, gusto ko din yung pagtinatawag nya ako para picturan at magposing, feel na feel ko naman! Hehehe! Actually sya lang talaga ang nagtyagang kumuha ng litrato ko ever since, kasi most of the time walang gustong kumuha ng litrato ko kaya kung mapapansin nyo sa fb ko lagi lang me nagsasarili! Kakasawa na nga mukha ko pati ako naumay na! Bagay na bagay din ang name nya sa kanya, diamante! Busilak ang puso at pati na din ang bulsa! Lels! Sya nanlibre sa amin, kasi yung dalawa nahihiya pa kasi manlibre! Lels ulit! Kaya ayun, nakakain me ng libreng napakalaking pizza na di ko alam paano kainin kaya nigawa kong sandwich! Di kasi kasya sa maliit kong mouth eh! Simpleng tao, nakikiramdam lang, parang humahanap ng tiyempo lagi kung saan sya babanat! Kung sa klasrum ulit, malamang nasa dulo ‘to nakaupo. Hehehe!

MOKS – ikaw na ikaw na talaga! VIP talaga! Ang huling dumating sa lahat! Kunwari manggugulat pa eh nakita ko kaagad! Unang pagkikita palang namin ganto na kami kaclose agad…gan’to…gan’to oh…kita nyo??!! Tuwang-tuwa ako ng makita ko sya, ganun din sya kaya bearhug kami agad sabay bugbog! Dyuks la-ang!! Todo ngiti ko ng makita ko sya in person, papa moks ang puti mo pala! Lels! Hahaha! Di ako nag alangan sa kanya, kung sa loob ulit ng klasrum malamang katabi ko ‘to sa row 4! Yung tipong laging pinapatayo ng titser at pinapadala sa principals office. Masayang kasama, kulang nalang din eh maglatag kami ng lamesa at bumili ng isang grandeng beer at TING!! Inuman na!! Sya yung tipong extreme, yung pwede kong makasabayan sa anumang kalokohan, yung tipong pagsinabi kong tumalon sa bangin eh tatadyakan ka para ikaw ang mauna! Mokong na mokong talaga napapahagalpak ako ng tawa sa kanya, ewan ko ba pero baka praning lang ako talaga.
Lagi din nakasmile, lagi kaming dalawang nakasmile adik lang kaya sumakit ang panga ko pag-uwi ko! May napansin din ako sa kanya, gentleman itong mokong na ‘to, oo gentleman sya. Kahit lokalokahan ako inaalalayan nya ako, parang ang gurl-gurl ko talaga! Uy salamat ha, di mo ako nihulog dun sa may port ng umupo ako, kala ko itutulak mo ako! Dahil nanalo ka din sa PEBA ako naman ibili mo ng crocs na kulay red! Nina nainggit ako! Wahahaha!

Kung aayain uli akong makipag EB ng tatlong makikisig na ‘to lels sa makikisig bola ko lang yon eh hindi ako magdadalawang isip na umeskapo ulit para sa kanila! Cheers guys!



15 comments:

Anonymous said...[Reply]

Haha! si McRich ng valedictorian, si Rommel yung tahimik at nasa dulo nakaupo sa klasrum, at si Moks ang palaging nadadala sa Principal's office! Hahaha! Ayos ah. :P

Akoni said...[Reply]

Nag enjoyed ak manang, parang nakilala ko na din si Diamond at MOKS.....at opkurs ang artista sa inyo si McRich, ang yaman ng name niya. Natutuwa ako dahil may nabuong pagkakaibigan sa inyong tatlo..cheers sa inyo, cheers sa tagumpay ninyong tatlo..Sana maging best of friends kayong tatlo!

musingan said...[Reply]

hala... todo na to.... hmmmp.... kainis... wala kami kaEB dito... sa RIYADH... nananawagan po ako kung sino maka EB ko dito sa RIYADH.... na Blogger... eheheheheh

khantotantra said...[Reply]

bwahahaha. para silang tatlong hari sa pics. tapos parang pinagmamasdan si Mery. lols. wahahahaha.

kiko said...[Reply]

kaganda naman talaga nung tinititigan eh, ok class recess na! kainan na!

EngrMoks said...[Reply]

LOL. Kulay Mojacko na nga ako ngayon dahil nabilad sa disyerto...

Saka salamat sa kakatouch na post an ito Iyah...inuman na!!!!

Ako na ang madalas nasa Principal office...LOL

Steph Degamo said...[Reply]

inggit ako. parang gusto ko rin silang mag friends. pano ba ang PROCEDURE? LOL

Unknown said...[Reply]

pictur p lang ang kulet na! parang three kings lang ah!

Anonymous said...[Reply]

Hindi ako makapaniwalang soft-spoken si Diamond R. LOL!

Anonymous said...[Reply]

naks! bidang bida ang tatlo sa post na to! hehehe at bago ang layout ng blog :D

Anonymous said...[Reply]

soft spoken, yan ang type ko noon i mean ideal man ko noon.. take note NOON! hnd na ngyn (bawal na):p.. hahahaha!

eMPi said...[Reply]

Astig! Ikaw ang Prinsesa nila dyan Iya! Hehe

Anonymous said...[Reply]

aba makaktuwa naman ire...
may valedectorian.may model boy at may ecsort at may muse...:)

hehehe...

Diamond R said...[Reply]

hahahaha Galing mo iyah. natawa ako na imagine ko ang sarili ko sa dulo ng upuan. pero parang gusto kong tumabi sa matalino para may macopyahan hahahah.

thanks iya. Tahimik ako ngayon kasi nagrerecover pa remember kagagaling ko lang sa isang tragic car accident hirap ako magsalita wala sa tamang pwesto ang mga panga ko.Siguro sadya para mabawasan ang daldal kaya dito na lang sa blog bumabawi.kaya sa meet up ako na lang ang photographer at ang makikinig sa mga kwento niyo.

McRICH said...[Reply]

haha natawa ko sa post mo iya, sabi pala ni carla ng yellow bells sama sya sa next eb natin, winner din sya db, kaso sa Jan pa balik nya from vacation. sori naman kung matanong, dala lang ng pangangailangan haha :)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review