Tuesday, 31 January 2012

Teardrops "ROSE"

Posted by iya_khin at 03:19 17 comments

Sa lawak ng blogging world at sa libo-libong tao o milyon-milyong tumitipa sabuong mundo naisip nyo na bang kilalanin ang isa man lang sa kanila? Ika pa nga DUG A HOLE and DIG DEEPER? Ala lang! :p

Maaaring masabi mong oo yung iba naman sasagot ng medyo dahil kadalasan o majority, lahat tayo’y nagbabalat kayo. (“kowt - depende sa view point ng tao”)

The purpose of this column is for us to know those people who you or we admire and those people na medyo nakakaintriga kung sumulat. Yung mga blogero’t blogerangkwela, mga geek and freak, meron din balasubas, hindi din mawawala ang mga bastos at medyo bastos at di pahuhuli ang mga misteryosong manunulat atbp.

Samo’t saring karakter sa likod ng blog.

How about their true lives behind the scene?
How do they look like or feel when they cry?
How do they cope up and survived?

Real life and real stories of those people whom we thought we knew.



Let’s begin this with the beautiful and mysterious lady from Qatar…

ROSE
Name/ alias: Rainbow Box
Blogname: Rainbow Box
URL:rosemarie-armenta.blogspot.com


Spiel off yourself: Ako si Rose. Gustuhin komang maging anonymous nalang sa blogworld, hindi ko na magawa. Kase bulgar nabulgar na ang buong pagkatao ko, sa URL palang. First of all, mabait ako.Contrary sa pinaniniwalaan ng ilang malalapit kong kaibigan. Hindi kase sila naniniwalang ipinanganak akong may halo. Ang mga walangya. Pero what arefriends for, di ba? Andiyan sila para siraan ka. Ganun na ata ang role nila sabuhay. I love you friends.

Nakatira ako sa Bldg 110 Al Urouba St. Al Mansoura, Doha, Qa. Pwede nyo akong bisitahin pero sa isang kundisyon. Kailangang may dala kayong isang kilong baboy nawalang taba at isang bote ng Malibu. Ako ng bahala sa baso at sa pulutan.

Naniniwala ako na, to get something you never had, you have to do something you never did.


Topic:TEARS

Cryit out loud: (share something about your experiences that relates to the topic)

Kahit gaano kalutong ng mga halakhak niya sa tuwing may kwento siyang maririnig,makikita sa mga mata nya ang kinikimkim nyang kalungkutan. Tumatawa ang kanyangmga labi subalit lumuluha ang kanyang mga mata.
Maaaring sa panlabas, makikita mo syang masaya at puno ng buhay. Pero sa tuwing tinatanong mo kung kamusta na sya, naririnig mo ba ang hapdi sa bawat “ok lang”na lumalabas sa kanyang bibig? Nakikita mo ba ang gabutil na luha na nagpupumilit kumubli sa kanyang mga mata?

Biggirls cry, then gets over it.

Naalala ko yung YM status ko noon. Sabi ko, hindi ako iiyak kase malaki na ako. Kaya kona.

They say, tears are the words that your heart feels but your mouth cannot express.Each teardrop relates to a certain story in your life. Sa bawat patak nito nakaukit ang hapdi at saya na nakapag-contribute sa kung ano ka ngayon. It’s a part of who you have become.

I have cried countless time, in various incidents. There were tears of joy, of sorrow, of anguish, of longing… I shed a tear of heartache and defeat. But the toughest of them all are the tears that come with goodbye. Ewan ko lang kung mas may sasakit pa doon. Those tears which leave you shattered, helpless, weary and tired. Yung nakakapanlumo, na parang ayaw mo ng magpatuloy sa pamamalagi mo sa earth.

Goodbyes are never easy. There is always a sad pinch in your heart even though you continuously tell yourself that everything is going to be alright. Tears help us ease the pain. They might not solve the problem or wash away the hurt completely, but they help us cope. They are the rhythms that soothe the sadness away.

Sabi ko sa sarili ko noon, hindi naman masamang umiyak as long as you don’t lurk toolong. Perhaps, sometimes, they are there to wash our eyes so we can see a clearer view of life again. We should try to refresh our souls once in a while.

Sa bawat hapdi na kinikimkim nya, naka-kubli ang isang istoryang hindi na nya balak pang ipaalam.

Mga matang sya lamang nagbibigay ng tanda ng matinding hinanakit at dusa. Subalit alam nyang kaya na niyang humarap sa hamon. Maaring nangungusap ang malulungkot niyang mata ngayon subalit isa sa mga araw na ito, makikita mong mapapawi nalahat ang lungkot na iyon. Dahil alam na nyang big girl na sya.And yes, big girls cry, but then, they eventually get over it.


Careto say something else?

Maraming Salamat sayo, Ate Iyah. I feel so famous. Buti nalang at hindi tungkol sa Sibika o Thermodynamics ang topic. Bobo ako doon, no doubt.

Thanky ou ulit. Mmmkeytnxbye! Mwuah!

Monday, 30 January 2012

kingkie me

Posted by iya_khin at 02:37 12 comments

Hello mga invisible fans, kamusta kayo? Nawa’y you're all in peace, peace be with you.

So what’s up for today? holiday?! Uuy like ko yan! :p

Para lang me loko-loka dito ngayon at wala me magawa kaya naisipan ko lang kausapin ang sarili ko. Pumasok ako kaninang umaga na halos magtatatlong oras akong late! O ha sir, papalag ka?! Hmmp!

Bakit ba wala me maisip isulat talaga ngayon, di ko din mapilit ang sarili kong umiyak para madala ako ng aking makapagdamdaming emosyon at mailuha’t maisulat kong lahat..break me nga please!

Simula din ng baguhin ko ‘tong layout ng bahay ko eh nag-aalangan na me magsususulat ng kung ano-ano, gusto ko sana ng mga brutal at yung deadly scene yung mga tipong may nawawak-wak na katawan at nilalaslasan ng leeg tas tipong durog-durog yung utak, yung mga ganon! Katuwa diba?!! Hmmm…saya!

Nung isang linggo pala nag tweet ako sa tweeter (alang naman sa FB!) o i-follow nyo me dito.. click my birdie!
twit-twit me n i will twit-twit u!
 Sabi ko dun gusto ko ngang magpakulot at nagsasawa na me for many-many years na lagi nalang me straight hair, parang sa white lady lang at sadako. So naisipan ko na gusto kong magpakulot! Oo at sirain ang shiny long brown hair ko! Nakakasawa na din talaga kasi dahil kahit saan ka lumingon dito puro straight ang buhok ng mga babae, kulang nalang magtayo kami ng kulto at magsuot ng puting damit at magdasal sa gitna ng sheik sayed road!

So ayun, dahil di ko sure kung babagay sa akin eh nag-ask ako dun sa friend kong guluhin nya ang buhay hair ko, “tirintasan mo me from head to toe isama mo na ang keli-keli kow!” :p

So dahil nitirintasan nya nga me nung sabado, hindi ako naligo nung lunes para maging epektib, isama mo pa ang odorless odor ko! saya ng di naliligo, nakati ang singit ko!

Dahil nakatirintas na ako feeling ko ako si Angelina Jolie!
LARA KRAP 
So mga 1 day din akong nagtiis na di maligo para makamit ko ang aking minimithing buhok!

At ang resulta…SCROLL DOWN


















google
O ha ang taray!!!! Di pa ba naman kayo matalbugan ng beauty ni Melai! hehehe! peace po! Dahil nga sa kanya bakit gusto kong magpakulot dahil napanood ko yung movie nila ni Jason na "The Adventures of Pureza, Queen of the Riles" nung isang linggo. IDOL! kaw na ang original!

kaya eto naman ang IYAH's version.....(drum rollin')
















na kyukyutan ako sa sarili ko!
TADAAAHHH!!! So di naman nagkakalayo ng itsura sa taas diba?!! :p


Ang girl-girl ko na talaga now adays! ano ba yan! pero i like it! sabi ko pa nga kay AKONI, para akong barbie doll, barbie doll ng mangkukulam! o diba?!! BOOOOM!







Saturday, 28 January 2012

i am....

Posted by iya_khin at 21:17 11 comments

now that i have loved so purely and deeply,
i have realized how lonely i really am.....







Friday, 27 January 2012

letter-letteran

Posted by iya_khin at 10:00 13 comments
dear _______,

          hi! kamusta kana? alam mo bang na miss kita. para sayo 'tong post na 'to...nahiya me sabihin pero totoo..hihihi (landi lang! joke lang yon naniwala ka naman!)

          gusto ko lang malaman mo na masaya akong nakilala kita, oo, mas masaya akong nakilala kita...
           
           salamat ha! yun lang...

           di 'to luv letter, asa ka pa! :p


           friends forever!

- iyah





Wednesday, 25 January 2012

girlalooohh!

Posted by iya_khin at 00:53 21 comments

Hello people! (insert wink-wink & blink-blink ng eyes kooww!)

I’m so girly today, di naman masyadong halata diba?! Lels! ay dapat hihihihi pala! :p

It’s new year na already and sabi nila magbagong buhay na daw ako.. does it mean ba na I have to kill myself first and resurrect? Wiiiiizzz lang! (belat!)

Ok fine, fine, I won’t cry na and emote-emote sa blog ko, I PROMISE!! (kudos ang malaking butas ng ilong ko!!)

Paano ba kasi maging girl? Need ko bang magpademure  o magpacharming or magpacute?! Dapat bang puro pinky ang suot at paligid ko?! ewwwwwwww….so yackiiiii!! Hmmmm… I will cry nalang better pa!

Well, I can be a spoiled lovely, pretty, beautiful BRAT! Yung parang sa Korean series lang, yung mga kontrabida dun pero ang ganda-ganda pa din nila! (cge imagine mo!) Pero parang di bagay sa akin kasi ako yung BIDA eh! Wiiiizzz lang blog ko ‘to, syempre mas maganda ako dun! :p

Anyway dahil girl na girl ang bihis ko ngayon dapat siguro ganto din ang itsura ko…..


Ang ganda ko ‘no?! O magpigil ka, bawal ang mainlove! :p

Pero alam nyo mas maganda ako dito…


Kitam!! Nakakashock ang beauty ko diba?!! Hihihihi!

Tuesday, 24 January 2012

goodbye na!

Posted by iya_khin at 04:23 19 comments
google
ayoko ng mag blog.....
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
chooooss!!!




Sunday, 22 January 2012

Bangungot

Posted by iya_khin at 22:10 24 comments

AJ!!!!! Waaaaaag!!!!!

Iyah gising, gising binabangungot ka na naman!!
Ginising ako ng ka-roomayt ko ala-una ng madaling araw kanina….

Dali-dali akong tumawag sa pinas sa kapatid ko at di nya sinasagot ang telepono, tinawagan ko ulit, pinatay ang phone, nagtry ako ulit pero binisy ang telepono..kabado ako…sinubukan kong tawagan ulit…..

Iyah: hello!! AJ?! Kamusta ka?! Ok ka lang ba?! Nasa bahay ka ba?! May nangyari ba sayo?!!!
AJ: Ate…….ok lang ako…..natutulog pa ako, 5am palang dito…
Iyah: aah…buti naman…mag-iingat ka lagi ha, mahal na mahal kita…
AJ: (antok ang boses) ok po ate..
Iyah: o sige, tulog kana ulit..bye
AJ: bye ate..(hikab)

Nawindang lang naman ako sa panaginip ko kaya nakatawag ako ng di-oras sa bunso kong kapatid, nakapag-usal tuloy ako ng panalangin impunto…ganto lang naman ang itsura ng panaginip ko…

Di ka ba mawindang kung ganyang ang panaginip mo...

Wednesday, 18 January 2012

Maemong Panimula

Posted by iya_khin at 00:10 22 comments

New year na pala, di ko namalayan ang takbo ng oras at panahon..langgo pa ako dahil sa nakaraan kong bakasyon..oo..nakaraaan na...dahil heto't nagsisimula na naman akong magbanat ng buto...given...naiiyak na naman ako habang tinitipa ito. Tsk!

Ang dami kong dapat ipagpasalamat sa nakaraang taon, ang daming pagsubok at blessings ang napagdaanan at natanggap ko at kung iisa-isahin ko baka makagawa na ako ng libro.

Sa totoo lang tamad pa ako, siguro dala lang ng pagod sa byahe pabalik dito...siguro...

Ayoko na sanang bumalik, mas mahirap pala ang nagbabakasyon dahil ramdam na ramdam mo na sa huling araw ng bakasyon mo eh may iiwanan ka na naman at may mga matang luluha...ang hirap-hirap palang talaga..kung gaano ako ka-excited umuwi sya namang pananakit ng dibdib ko pabalik sa ibang bansa.

Ang bilis lang talaga ng panahon, parang kahapon lang kasama ko pamilya ko, pero heto ako ngayon muling nag-iisa....ang emo ng pasok ng blog ko ngayong taon...walang pinagbago...

Haayyy life.....

O sya...makaupdate lang....tama muna ang drama....pero naiiyak talaga ako now...dahil sa tambak ang trabaho ko!!! Waaaaahhh!!!




LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review