Sunday, 22 January 2012

Bangungot

Posted by iya_khin at 22:10

AJ!!!!! Waaaaaag!!!!!

Iyah gising, gising binabangungot ka na naman!!
Ginising ako ng ka-roomayt ko ala-una ng madaling araw kanina….

Dali-dali akong tumawag sa pinas sa kapatid ko at di nya sinasagot ang telepono, tinawagan ko ulit, pinatay ang phone, nagtry ako ulit pero binisy ang telepono..kabado ako…sinubukan kong tawagan ulit…..

Iyah: hello!! AJ?! Kamusta ka?! Ok ka lang ba?! Nasa bahay ka ba?! May nangyari ba sayo?!!!
AJ: Ate…….ok lang ako…..natutulog pa ako, 5am palang dito…
Iyah: aah…buti naman…mag-iingat ka lagi ha, mahal na mahal kita…
AJ: (antok ang boses) ok po ate..
Iyah: o sige, tulog kana ulit..bye
AJ: bye ate..(hikab)

Nawindang lang naman ako sa panaginip ko kaya nakatawag ako ng di-oras sa bunso kong kapatid, nakapag-usal tuloy ako ng panalangin impunto…ganto lang naman ang itsura ng panaginip ko…

Di ka ba mawindang kung ganyang ang panaginip mo...

25 comments:

jhengpot said...[Reply]

siyet. nanlambot naman ako sa litrato. anuhbeyen teh! Dasal ka lagi bago matulog na wag ka bangungutin, effective yun.

iya_khin said...[Reply]

lagi naman me nagdadasal eh.....nakakaloka talaga!

Leomer Apolonio said...[Reply]

Naaliw ako sa picture! Ako na psycho. Haha.

Ambait bait mong ate Iyah. :)

YOW said...[Reply]

Nahilo din ako sa picture. Haha. Bigla kong nakita, naramdaman ko yung hiwa sa nguso. LOL. Pray harder at mismong bangungot-free ang ipag-pray mo Ate. :)

Ryan Adik Nga Lambay said...[Reply]

Kadiri yung picture. :)

Leah. said...[Reply]

Naku.. sensya na iya.. hindi ko na binasa (aminado ano..) nagulat ako sa picture.. rrrrrrrrr... erase, erase, erase.. juskow..

iya_khin said...[Reply]

parang si ron lang! hehehe

iya_khin said...[Reply]

oo nga magpray harder ako mamaya...musta ka naman yow?

iya_khin said...[Reply]

di naman masyado........katakot!

~ JaY RuLEZ ~ said...[Reply]

oh my...katakot ang pic ha..tama si jhenpot,pray tayo lagi bago matulog...ingat lagi jan.

♥superjaid♥ said...[Reply]

naloka ko sa picture ako man ganyan di ang magiging reaction kung sakali.

iya_khin said...[Reply]

uu nga pangit ng panaginip ko, kita ko kapatid ko puro dugo sa bunganga! rebuked agad in Jesus name!

KikomaxXx said...[Reply]

grrrrrrrrr.... nanggigil ako.. hahaha

Nate said...[Reply]

trulili!! kaloka!!

Youni said...[Reply]

may times na ganyan din ako... nananaginip na may nangyaring bad sa isa sa mahal ko sa buhay... haisst,,, parang totoo ang feeling noh! pero buti na lang talaga at panaginip lang then I pray na lang... :)

Akoni said...[Reply]

hindi ko matingnan ng matagal ang picture...hindi ak marunong magbigay meaning sa mga panaginip, di bale pag aaralan ko. :)

McRICH said...[Reply]

hala san mo nakita yang picture na yan? sabi nila kabaliktaran ang totoong meaning ng panaginip teh, so dont worry!

joeyvelunta said...[Reply]

kanina ko pa to nakit tong post mo na ito pero di ko muna binasa kasi gusto ko sa ofis nalang. Kaso di ko alam kung anu pumasok sa utak ko dahil kung kelan madaling araw na saka ko binasa to. Shit nanlambot ako sa litrato. Ayoko na matulog hahaha

Sey said...[Reply]

Sa picture pa lang nawindang na ako, nakakapanginig ng tuhod. hindi ako makatingin ng maayos sa monitor dahil hindi ako makatingin sa picture paano pa kaya kung sa panaginip.

Sey said...[Reply]

Iyah, hiram ako ng book sa library mo ah. Thanks!

mommy-razz said...[Reply]

Sabi nila kabaliktaran daw ang panaginip, naniniwala ako pag bad dream ko, pero hnd ako naniniwala pag good dream ko.. hehe! wierd ko noh?

Kol Me Empi said...[Reply]

nakakatakot ang pic

Orange Pulps ♥ said...[Reply]

OM. napakagat labi ako sa picture mo iyah. sana ok ka na ngayon. :)

Unknown said...[Reply]

I also want to share my Nightmare
But I don't know how to post it here

Vanessa Hedge said...[Reply]

Hi

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review