Wednesday 18 January 2012

Maemong Panimula

Posted by iya_khin at 00:10

New year na pala, di ko namalayan ang takbo ng oras at panahon..langgo pa ako dahil sa nakaraan kong bakasyon..oo..nakaraaan na...dahil heto't nagsisimula na naman akong magbanat ng buto...given...naiiyak na naman ako habang tinitipa ito. Tsk!

Ang dami kong dapat ipagpasalamat sa nakaraang taon, ang daming pagsubok at blessings ang napagdaanan at natanggap ko at kung iisa-isahin ko baka makagawa na ako ng libro.

Sa totoo lang tamad pa ako, siguro dala lang ng pagod sa byahe pabalik dito...siguro...

Ayoko na sanang bumalik, mas mahirap pala ang nagbabakasyon dahil ramdam na ramdam mo na sa huling araw ng bakasyon mo eh may iiwanan ka na naman at may mga matang luluha...ang hirap-hirap palang talaga..kung gaano ako ka-excited umuwi sya namang pananakit ng dibdib ko pabalik sa ibang bansa.

Ang bilis lang talaga ng panahon, parang kahapon lang kasama ko pamilya ko, pero heto ako ngayon muling nag-iisa....ang emo ng pasok ng blog ko ngayong taon...walang pinagbago...

Haayyy life.....

O sya...makaupdate lang....tama muna ang drama....pero naiiyak talaga ako now...dahil sa tambak ang trabaho ko!!! Waaaaahhh!!!




22 comments:

khantotantra said...[Reply]

akala ko may pics post ka na. sige, pahinga ka muna. Abangan namin updates mo ng bakasyon grande :D

EngrMoks said...[Reply]

ako parang ayoko na tuloy magbakasyon, tuloy tuloy na lang cguro. O baka magbakasyon after 1 year at di na bumalik...mahirap nga kasi iwan ulit sila... Buhay nga naman, bakit kasi kailangan ng pera!

Akoni said...[Reply]

Sa kaemohan na ito, ramdam na ramdam kita Manang...Ang bigat ng pakiramdam!!!

Pooh said...[Reply]

awww... yun nga daw mahirap sa mga OFW kapag nagbabakasyon.. Mabigat sa pakiramdam pag aalis na ulit.

Anonymous said...[Reply]

sino ba kasi nagpauso ng pera eno..tsk tsk tsk

kol me empi

Leo said...[Reply]

Go mare, magpakabusy ka muna jan. Isipin mo palagi that everything you do is for your family's future.

Unknown said...[Reply]

huggss to you iya. Naku ganyan din ang feeling ng bf nung umalis sya. Mas mahirap pa daw ang pangalawang pag alis and alam ko yung hirap na dinaanan nya kaya naiintindihan ko ang napifeel mo. pero cheer up, isipin mo na lang maswerte ka at may work na naghihintay sa iyo dyan at maraming Pilipino ang nag nanais na magkaroon kung anong meron ka. :)

Good luck naman sa tambak na trabaho. :)

Superjaid said...[Reply]

kaya mo yan ate. wait na lang namin mga update mo God bless

musingan said...[Reply]

"Ang emo ng pasok ng blog ko ngayong taon" Objection your honor.... kelan po ba naging masaya ang blog mo??? EMO KA IYAH.... EMO KA.... EMOTERA KA TALAGA.... ehehehhehe.... Happy New Year of Blogging sa iyo at sa kanilang lahat.........

Lalah said...[Reply]

i have been dreaming to have a good life and to my family pero whenever i read post na naiiwan nila ang family nila dito sa bansa at nagiisa sa ibang lugar, i come to think of what is good about life when you are away sa mahal mo sa buhay. napapaisip na tuloy ako ngayon. (sad)

Nate said...[Reply]

keri yan iyah!! AJA!!

Sey said...[Reply]

Alam ko malungkot ka Iyah cyberHUGS for you.

Bino said...[Reply]

miss na kagad kita bff :)

McRICH said...[Reply]

o eb na lang tyo para di ka na malungkot, welcome back!

Eli said...[Reply]

sooner or later everything will be alright :)

Anonymous said...[Reply]

Ma-emong pagbabalik.. hehe!

Orange Pulps ♥ said...[Reply]

hi iya. smile naman dyan. :) welcome back. cyber kiss from me. tehee! ^^

Unknown said...[Reply]

gnun tlga.. npakabigat umalis pero kelangan din nman magtrabaho! [reality will always reality]

Anonymous said...[Reply]

Ganyan talaga ang buhay. Just hang in there, Iya. Mawawala rin yung sadness mo. :)

jhengpot said...[Reply]

ate iya kaya mo yan! Go! pagsanibin mo lang ang pwersang nangagaling sa puso mo at kay lord, yaka mo yan! Tsaka heller, di ka nag-iisa. God is with you.. wag na lungkot, makakauwi ka din ulit...

Anonymous said...[Reply]
This comment has been removed by the author.
Chikletz said...[Reply]

lam ko yang ganyang feeling. malungkot talaga ang maiwan at mang-iwan lalo na pag hindi mo naman talaga ginusto. kaya mo yan..lilipas din.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review