Balisawsaw talaga ang utak ko ngayong mga panahon at wala
akong mga kwentong ka-kwenta-kwenta sa inyo…haaaissst…
Ilang araw din akong di nagbukas ng blog at obviously di
din ako nakagala sa mga bahay-bahay nyo, sorry naman! Kung merong Juan tamad
ako naman si Iyang tamad! Given, to da hayest level ang katamaran ko now.
So dahil tamad nga ako eh umabsent ako kahapon, kabog
naman kaltas ng 3 araw ang sahod ko dahil kaweweekend lang at inabsentan ko
agad! Winner! Yaen na, ala na kasi akong sick leave at consequences yon ng
pagiging tamad so be it!
So ngayong araw lang ulit ako nakapagbukas at nicheck
kung may mga naligaw ng landas sa blog ko, at meron naman akong mga nauto at
nakitang may naka-tag pala sa akin! Yiiiiii!!
So dahil sa tamad nga ako now makailang beses ko na
bang na-mention ang tamad na word? Eh nagpapasalamat ako kay Ms.Chikletz na sa
dinami-dami ng blogger eh ako pa ang naisipan nyang i-tag!! Aba curious itong
batang ire!
Ok fine, nakagawa na ako ng mahabang intro kaya di na ako
magpapaligoy-ligoy pa…. :p
rules
post 11 random things about yourself
answer the tagged questions
create 11 questions for the people you tag to answer
11 random things about me
1.Mahilig akong magdownload ng games pero di ko
naman nilalaro
2.Mahilig ako sa books at gusto ko ang amoy nito,
pero ilang years muna bago ko sila talaga matapos mabasa
3.Mahilig akong mag-experiment at magkutingting ng
computer programs
4.Like ko ang mga gadgets pero di like ng bulsa ko
5.Kuripot ako sa sarili ko
6.Masarap akong magluto…obvious ba?
7.May telikenetik powers ako! Kung anong ibig
sabihin non di ko din alam
8.Magaling akong lumangoy at sumisid….DATI! :p
9.Nasabi ko na ‘to dati pero wala pa din
pinagbago..kaya kong tumanga buong araw na walang kausap
10.Madali akong magtiwala
11.Di ako mahilig magplansta
11 questions from Chikletz
1.sa tingin mo ba ay makasarili kang tao? Big NO-NO!
kahit wala na ako basta meron sila lalo na ang pamilya ko ay satisfied na ako.
2.kung naghihikahos ka na sa buhay, wala kang mga
kaibigan, pamilya, asawa o anak, at grade 6 lang ang tinapos mo. ano sa tingin
mo ang gagawin mo para magsurvive? Sumali sa survivor Philippines o di kaya mag
artista! Atleast naka grade 6 ako eh yung iba ba nakagrade 6?!
3.kung artista ka, anong madalas na gagampanan
mong roles? drama
4.what are you most self-conscious about? ang katabaan ko
5.kung papipiliin ka ng pagkain, at yun lang ang
pagkain mo for one month, what would it be? lechon
6. ilan ang true friends mo? Marami akong
itinuturing ewan ko lang sa kanila
7.meron ka bang sikretong ni-isang tao ay hindi
alam? Anong ibig mong sabihin, may kasabwat ba ako sa sikretong ito o talagang
ako lang ang nakakaalam? Madami!
8.burial or cremation? cremation
9. what's the most adventurous activity you've ever
done? When I runned away
10. what's one personality/characteristic of a
person do you dislike the most? palamura
11. do you have anything to say to me? thanks chickz
mwaah-mwaah, tsuup-tsuup!
Sorry po, nitatamad me mag-tag… L