Monday, 27 February 2012

labing-isa

Posted by iya_khin at 03:59

Balisawsaw talaga ang utak ko ngayong mga panahon at wala akong mga kwentong ka-kwenta-kwenta sa inyo…haaaissst…

Ilang araw din akong di nagbukas ng blog at obviously di din ako nakagala sa mga bahay-bahay nyo, sorry naman! Kung merong Juan tamad ako naman si Iyang tamad! Given, to da hayest level ang katamaran ko now.

So dahil tamad nga ako eh umabsent ako kahapon, kabog naman kaltas ng 3 araw ang sahod ko dahil kaweweekend lang at inabsentan ko agad! Winner! Yaen na, ala na kasi akong sick leave at consequences yon ng pagiging tamad so be it!

So ngayong araw lang ulit ako nakapagbukas at nicheck kung may mga naligaw ng landas sa blog ko, at meron naman akong mga nauto at nakitang may naka-tag pala sa akin! Yiiiiii!!

So dahil sa tamad nga ako now makailang beses ko na bang na-mention ang tamad na word?  Eh nagpapasalamat ako kay Ms.Chikletz na sa dinami-dami ng blogger eh ako pa ang naisipan nyang i-tag!! Aba curious itong batang ire!

Ok fine, nakagawa na ako ng mahabang intro kaya di na ako magpapaligoy-ligoy pa…. :p

rules
post 11 random things about yourself
answer the tagged questions
create 11 questions for the people you tag to answer

11 random things about me
1.Mahilig akong magdownload ng games pero di ko naman nilalaro
2.Mahilig ako sa books at gusto ko ang amoy nito, pero ilang years muna bago ko sila talaga matapos mabasa
3.Mahilig akong mag-experiment at magkutingting ng computer programs
4.Like ko ang mga gadgets pero di like ng bulsa ko
5.Kuripot ako sa sarili ko
6.Masarap akong magluto…obvious ba?
7.May telikenetik powers ako! Kung anong ibig sabihin non di ko din alam
8.Magaling akong lumangoy at sumisid….DATI! :p
9.Nasabi ko na ‘to dati pero wala pa din pinagbago..kaya kong tumanga buong araw na walang kausap
10.Madali akong magtiwala
11.Di ako mahilig magplansta

11 questions from Chikletz
1.sa tingin mo ba ay makasarili kang tao? Big NO-NO! kahit wala na ako basta meron sila lalo na ang pamilya ko ay satisfied na ako.
2.kung naghihikahos ka na sa buhay, wala kang mga kaibigan, pamilya, asawa o anak, at grade 6 lang ang tinapos mo. ano sa tingin mo ang gagawin mo para magsurvive? Sumali sa survivor Philippines o di kaya mag artista! Atleast naka grade 6 ako eh yung iba ba nakagrade 6?!
3.kung artista ka, anong madalas na gagampanan mong roles? drama
4.what are you most self-conscious about? ang katabaan ko
5.kung papipiliin ka ng pagkain, at yun lang ang pagkain mo for one month, what would it be? lechon
6. ilan ang true friends mo? Marami akong itinuturing ewan ko lang sa kanila
7.meron ka bang sikretong ni-isang tao ay hindi alam? Anong ibig mong sabihin, may kasabwat ba ako sa sikretong ito o talagang ako lang ang nakakaalam? Madami!
8.burial or cremation? cremation
9. what's the most adventurous activity you've ever done? When I runned away
10. what's one personality/characteristic of a person do you dislike the most? palamura
11. do you have anything to say to me? thanks chickz mwaah-mwaah, tsuup-tsuup!

Sorry po, nitatamad me mag-tag… L



8 comments:

Bino said...[Reply]

wow ah nakikitag ka din. at talgang run away? pareho tayo hahaha

Gracie said...[Reply]

sapul ako dito. tamad kamo? oo ako yun. absent? ako din yun. hay, whatta life! cheer up ate.

khantotantra said...[Reply]

hahahaha.sayangs naman ang games na nidodownloads mo.

Chikletz said...[Reply]

mahilig din ako sa mga gadgets chuchu...di lang din sya hilig ng bulsa ko..

wala kang sagot sa number 3. hahaha!

Kol Me Empi said...[Reply]

apir!

Superjaid said...[Reply]

run away?wow. lakas. =D

di rin ako mahilig magplantsa. haha

jhengpot said...[Reply]

ahahaha. pareho tayo dun sa pag-amoy ng libro, gustong gusto ko yung amoy nila, lalo na yung mga medyo luma. haha

Leah. said...[Reply]

Lechon for a month? Baka magka highblood ka nyan, iya bebe. :D

Self conscious din ako sa katabaan ko. Hay, ambot! :p

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review