Sunday, 12 February 2012

masayang tunay!

Posted by iya_khin at 01:43



Petsa na at wala pang pumapasok sa utak ko kung anong magandang maisulat…tsk..tsk…tsk..

Napakaboring ng life ko since magbalik ako galing baksyon dito sa ibang ibayo, nakakawala na ng gana. Although hindi dapat dahil nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng mga mahal ko ang pagkakayod ko dito, lintik kasi!! Sino bang nag-imbento ng pera?!!!

Ganto pala talaga ang ibig sabihin ng sakripisyo, kailangan mong talikuran lahat ng nakasanayan mo, kailangan mong lunukin lahat ng pasakit at pangungulila mo, kailangan mong maging matapang at panatilihing nakangiti kahit sa loob-loob ko’y gusto ng sumabog dahil sa kalungkutan..

Hindi nakakatuwa, hindi madali, nakakabagot na ang routine ng buhay ko dito, ang hirap-hirap ng mag-isa…nakakasawa na..pero dahil sa kanilang mga umaasa sa akin, wala akong magawa kundi tanggapin ang lahat ng ito na kahit sariling kaligayahan ko tila ang hirap ko ng abutin, ang importante masaya sila at naproprovide ko ang needs nila…unfair kung tutuusin pero what to do yani??!

Gusto kong umanggal, gusto kong magwala, gusto kong ibalibag lahat ng nakikita ko dito ngayon, gusto kong manapak, gusto kong maghamon ng away, gusto kong kumawala…pero lahat ng yon gusto ko lang pero di ko naman magawa. Failed!

Manhid na ata ako…

Tulala…

Mag-isa…

Nakakapagod na…

Ayokong masanay ng ganito....

Payakap nga….

(wala pong kinalaman ang title sa post na ito)



15 comments:

Leah. said...[Reply]

Power HUG!

Lady_Blue said...[Reply]

polar bear HUG!!!

itin said...[Reply]

My mother must be feeling the same way you do.

~ JaY RuLEZ ~ said...[Reply]

hugss for u....

ingat lagi

covnitkepr1 said...[Reply]

I write and maintain a spiritual blog which I have titled “AccordingtotheBook” and I’d like to invite you to follow it.

Engr Moks said...[Reply]

Hugssssss EB na yan pampaalis ng lungkot

Diamond R said...[Reply]

Hug din kita Iya.

Bino said...[Reply]

hugzzz to the nth level :)

Lloyd said...[Reply]

I really enjoyed reading the posts on your blog. I would like to invite you to come on over to my blog and check it out. God bless, Lloyd

Axl Powerhouse Production Inc. said...[Reply]

unli hugs.........

musingan said...[Reply]

OFW.... tayo lang mga OFW ang nakakaalam ng tunay na kalagayan natin dito sa abroad... kala nila kasi madali ang magpadala... hmmmp... anyway... if you need anything... just page me...

iya_khin said...[Reply]

@Lloyd hi thanks for droppin by...i'm just curious i hope you don't mind me asking but how can you understand my blog post if most of it are written in our language? :)

anyway thank you and God bless you too!

Dhianz said...[Reply]

uy! pahaller lang... nd sa lahat nang kilala koh na nagkomentz ditoh... tamad?! yeah... dumaan lang saglit sa mundong itoh... hope everythin' ok w/ yah.. hugz! Godbless!

Superjaid said...[Reply]

*hugs* cheer up. be strong. kaya mo yan =D

Leo said...[Reply]

Cyber hug kapatid. Lilipas din yan... Smile.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review