Monday, 26 March 2012

damuho sa damuhan

Posted by iya_khin at 05:06

Isang nakakapangilabot na maligno sa damuhan ay natagpuan
Di ko sukat inakala sa iisang mundo’y nananahan
Hinuha ko’y nagpapakasasa kana sa kamunduhan
Lintik lang, hunghang ka, sarap mong duraan!

Dahil sayo’y bigla akong nakapagsulat
Nabuhayan ako’t nangagalaiti ang ulirat
Mga kalahok dito’y batid ko’y bihasa sa panitikan
Pero ang isang katulad mo’y kay sarap isubsob sa putikan!

Sarap mong tirisin yaring isang nakakapandiring kulisap
Masahol ka pa sa masangsang na galunggong isa kang hinayupak
Saang silid-aklatan ka ba naglagi at ika’y mapagpanggap
Bayani ka bang maituturing kung sarili mong pamilya’y iyong winasak?

Parang kang isang saranggolang nakasabit sa sangga
Mga makukulit na bata’y pilit kang hinihila
Na dapat sana’y ika’y nasa himpapawid at di nagkukubli
Ay oo nga pala, mas masahol ka pa sa larawan ng barakong malandi!

Bato-bato sa langit ang tamaan ay pangit
Ipagpaumahin ng iba kung pasimple’y ako’y nanlalait
Kung ika’y nasasapul ng aking akdain
Aba’y mag-isip isip ka’t sarili mo’y di pwedeng dayain!

Pasintabi po sa aking mga masugid na taga-subaybay
Ang inyong aba’y di po nakikipag-away
Sa kagawaran ng katarungan ako’y humihingi ng pang-unawa
Tanging ito lamang ang kayang ipukol sa isang nilalang na halang ang kaluluwa!


TSEEEE!!


Isang lahok para sa pakontest na  “Bagsik ng Panitik” ng aking kaibigan sa Damuhan




24 comments:

EngrMoks said...[Reply]

ang anghang neto Iyah!!! may pinanghuhugutan ba?

iya_khin said...[Reply]

moks maanghang ba? kulang pa yan, lol at lels! :p

Akoni said...[Reply]

hahaha..dumadaplis ng kunti, kunti lang naman..ga hibla lang ng buhok..lol

Unknown said...[Reply]

galing!

Axl Powerhouse Network said...[Reply]

ang ganda ng iyong pagkakagawa sa bawat baybayin... akoy naiingit na dahil di ko matapos yung akin...
goodluck sa imo kaibigan.

Anonymous said...[Reply]

malamang sapol sa bunbunan ang taong pinatatamaan mo nito!LOL.

may tseehh talaga sa dulo?hehehe

goodluck iyah!

A-del-Valle said...[Reply]

dumugo ang utak ko lol

shyvixen said...[Reply]

galing naman!... gusto ko ang mga binitiwang salita.... animo'y galit na galit na leon.. hehehehehe... goodluck.. :D

eMPi said...[Reply]

may pinanghuhugutan ang entry. hmmm

iya_khin said...[Reply]

@Akoni manong di ikaw yan wag kang mag-alala, malayong malayo sayo yang isinulat ko! :D

joeyvelunta said...[Reply]

nasaktan ako dito. hehehe

The Gasoline Dude said...[Reply]

Bibilib ako sa lahat ng sasali sa patimpalak ni Bino. Hahaha! :))

J. Kulisap said...[Reply]

Awts.

Tula naman itong iyo.

Nakakatuwa na buhay na naman ang blogging community dahil sa pakontest ni Sir Bino.

Ang gagaling. :)

The Backpack Man said...[Reply]

hanggaling naman... ikaw na!

Anonymous said...[Reply]

sa tulang ito may nakita
isang iyakhinhg manunula
dito din napansin ko
Palabang iyakhin ang gumawa nito

jedpogi said...[Reply]

malupit pa sa latigong humahagupit hehehehe...

musingan said...[Reply]

aray ko iya.. ako ang tinatamaan... ehehehe... hala ka... ehehehe.. galet??????? ano ba yan... tulang may hinanakit ata yan e... magaya nga....

jasonhamster said...[Reply]

ahahahahahah hinuha ko, hindi talaga maligno ang pinatutungkulan mo ate iyah. kakaaliw. hahaha

Gracie said...[Reply]

Mukhang tama ang ilan,
tila yata may pinaghuhugutan.
Pamagat pa lang wala na kaming kalaban-laban.
Nakapaloob mabangis na mga salita
na kahit kaming mambabasa'y sapul at tila ginigisa.
Dama namin ang bumabalot na emosyon,
ano ba kasi ang pinagmulan ng tensyon?
Nakikibasa na nga lang ano kami pa ang kumikwestyon?
Kasi naman parang may larawan ng malignong may matang nanlilisik kung tumitig,
umaangkop sa bawat hagupit ng iyong mga titik.
Nakakadala, nakakamangha..
Magaling ka nga, walang kaduda-duda
Yan ang kaibigan naming Kaka, este makata ;D

Unknown said...[Reply]

Haha! ayan nag react tuloy si AKONI (oh akoni, hindi daw ikaw yun!)
Parang galit na galit lang ah!? heheh yaan mo samahan kita tirisin ang mga makakati!

bagotilyo said...[Reply]

hahaha .. andiin nung TSEEEE ah . :p

gudlak sa iyo :)

L.Torres, RN said...[Reply]

sasali sana ko sa kontes. kaso nakakadugo ng ilong yung tagalog...hehehe. Gudluck ate iya! :)

BON said...[Reply]

hahah natawa ko dun sa "tsee" sa huli! hahaha yun ang catch dun eh! lols!

galing naman ramdam ang gigil! muntik nakong maniwala na may kaaway ka dinaan mo lang sa contest hehe

taga-bundok said...[Reply]

Nagbasa. Humusga. Hindi ko magawang isantabi at sabihing tsee ang naturang akda... may kabuluhan. :)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review