Sunday, 6 May 2012

ingitera ako!!!

Posted by iya_khin at 01:11

Well, well, well! Dahil sa ingitera ako at dahilan din sa ang pasimuno nito eh si Ms. Leah at sumunod si Bino at ect and ect naisipan ko din gumawa ng blind item!! Oo bubulagin ko kayo! :p

Marami din akong gustong sabihan ng mga tots and pelengs ko chorvaness ek-ek-ek pero wala me guts na harapan o direktang sabihin sa mga taong ‘to.

So eto ang mga panaghoy ko sa baba! Kayo na bahalang humusga at manghula kung sino-sino ang mga ‘to, at kung makilala nyo man, well nagtatamang hinala kayo! At kung ikaw naman ang tinutukoy nito mararamdaman mong ikaw nga pwera lang kung manhid ka! Ikaw na nga!

At dahil sa mas madami akong gustong sabihan gagawin ko ‘tong TRENTA'Y UNO!! Mag-sawa kayo sa kakabasa! :P

1  1.Gusto kong mag-thank u sayo kasi kahit di pa tayo nagkikita personally eh napakabait mo sa akin. Pag may sakit ako or kung may tweet or shout out ako na I’m not ok agad-agad kang tumatawag sa akin! Nagugulat ako sayo, pero I really appreciate it! Thank you po talaga.

2.Namimiss ko kulitan nating dalawa, yung mga brutal nating pang-ookray at si patola! Hahaha! busy kana kasi eh, sana minsan makapag-usap naman ulit tayo ng matagal-tagal lalo na’t I’m just a bbm away!

3.Isa ka pa, namimiss na din kita. Pasensya kana kung nung last time puro kalokohan ang pinagsasasabi  ko sayo, nag-babaliw-baliwan lang ako nun. Pero totoo namimiss kita, nahihiya lang me i-message ka kasi baka nasa meeting ka na naman. Kelan kaya kita ulit makikita sa cam, ang puti mo kasi talaga! Hehehe

4.Close tayo ganto! Kita mo?! Mahal kita as my very dearest friend kahit madalang tayong mag-usap ngayon. By da way, nakakalimutan ko ng itanong yung lablayp mo, ano na pala status?! Hahaha! don’t worry di kita ibubuking, secret natin yon! I love you po!

5.Ikaw na laging nagpapatahan sa akin kaya kung di mo alam lab din kita dahil dyan. Isa ka sa hinahangaan ko, galing-galing mo talaga, I’m so proud of you! Madalang ka lang mag post pero swabe kung makatagos! Sana ma meet din kita personally. Crush kita, alam mo ba?! Lels

6.Baliw ka pa din hanggang ngayon! Konting akit lang bumibigay ka naman agad! Hahaha! oooiisst anong petsa na, move on na tayo ok! Ayaw mo nun friends pa din tayo, wag ng umasa sa FB, sasakit lang puson mo! Manood ka nalang ng manood at magpataba ng magpataba para maging chabilito kana! Hahaha! healthy yan ganyang habit!! Wag kang makinig sa akin baka di na John Lloyd maging katawan mo baka Bentong na! hahaha

7.Ikaw naman, di ko alam kung bakit nagkakaganyan ka at tila iniiwasan mo ako. Harmless ako toinks ka! Oooohhh wag kang magdeny, yun siguro yon kaya ka nagkakaganyan. Friends tayo at i-friend pa din kita, walang dapat ikabahala si #@$#$%^ kasi ganun ang tingin ko sayo. Nandito kana sa puso ko, khit saan ka man magtago at di ka man kumibo friend pa din kita di na magbabago yun. Masaya pa din ako kasi nakilala kita, ikaw pa din ang pipiliin ko if ever mabigyan me ng chance na makipagkita sayo.

8.Isa ka din sa mga hinahangaan ko, napakadalang mo ngang mag-post sabi mo pa nga once a month pero di ka pa din nagfafail na mapatawa ang mga readers mo, syempre including me!! kamusta na pala yung purpose driven life na regalo sayo, natapos mo na bang basahin? O baka naman puro porn inaatupag mo?! Joke hahahah! sana makapag usap uli tayo one time!

9.Ikaw ang taong gusto kong makasama sa movie marathon!! Lahat ng post mo gusto kong panoorin kaso failure me kung saan idodownload! Sana pagmakauwi ako makapagmeet tayo at mag-ready ka ng popcorn at soda para sa madugong panonood! Unahin natin panoorin ang mga horror films mo ok?!!

10.Di ko alam kung totoo ka sa akin o plastik lang. di ko din alam kung naiingit ka sa akin o insecure ka lang. di ko kasalanan na maging mas maganda sayo…period.

11.Masaya ako pagkasama kita, feeling ko din safe na safe ako pag nandyan ka. Thank you din sa pag-eencourage sa akin kung sinasabi kong di ko na kaya, ikaw ang nagtutulak sa akin! Pinapatay mo ata ako!! Hehehe! mahal kita!

12.Girl kung ano man yang mga pinagdadaanan mo ngayon, malamang lablayp yan ramdam ko, eh nandito lang ako para bulungan mo at bubulungan din kita, magbulungan tayong dalawa.  J Basta if you ever need a friend to listen to you at kung gusto mong may ka duet sa pagngawa, I’m so ready 24hrs a day 7 times a week!

13.Nasaan kana, pinapatawad na kita, di din kita sisingilin sa utang mo magparamdam kana uli. Friend pa din kita.

14.Sir, bumalik kana sa pagbloblog….miss kita..salamat sa 1 liner msg mo sa aking sa gchat, salamat at naalala mo po ako.

15.May babae ka ba?

16.Sorry nakalimutan ko, minsan ka din palang nagpaantig sa puso ko…kaso kailangan kong pigilan…pero pagnakita tayo ulit malamang baka mahalikan na kita! lol

17.Love ko tong couple na to ang kyut-kyut nila kasi! Di sila nahihiya about sa relationship nila inspite na maraming mangungutya sa paligid nila! Namiss ko kayo lalo na ikaw mare!!! Update naman po dyan oh!

18.Baby…how r u na? Di na tayo nakakapag-usap ah, matagal tagal na din. I’m so proud of you na finally nakagraduate kana, atleast may ipagmamalaki kana sa mga tao sa paligid mo. Sana sa pag-uwi ko magkita na tayo. Love you so much and I’m so missing you!

19.Hanggang ngayon nag hihintay pa din ako sa nirequest ko sayo, siguro nalimot mo na at natabunan na ng alikabok… L ok lang ganun talaga..di naman ako nagtatampo..nakalimutan ko na din kasi eh!! Hahaha

20.May lablayp ka bang talaga o imaginary mo lang yon?! Wag mong lokohin ang sarili mo kasi nagmumukha ka lang tanga. Be yourself wag kang magpaka-birhen. Mas maraming magkakagusto sayo pag di ka trying hard, OA kasi nagiging dating.

21.Uuuy alam mo ba, mahal ka nya..wag mo na kasing pigilan yang nararamdaman nyo, give it a try! Dun nyo malalaman kung mag-wowork out o kung hindi…atleast nalaman nyo diba?!

22.Bawasan ang kayabangan nakamamatay yan! Tsaka wag kang paawa epek, di na uubra sa mga chix yan! At pansin ko pasimpleng ma-L ka din pala.. lokoloko halata ka!!

23.Pssst…kelan mo uli me ililibre ng veggie pizza?!!

24.Sana sa pag-uwi ko magkita tayo uli, ninang me ng second baby mo ha! Hehehe

25.Uuuuyyy ewan ko kung mababasa mo to…pero nung nagkita tayo, pak na pak ang smile mo!! I lab eet!! Di ko makakalimutan yung promise mong cake basta!!! Hmmmmp!

26.Alam mo, iba ka nung nameet kita, taliwas dun sa pag-uusap natin sa gchat…na OP ako sayo…nalungkot ako…..

27.Fav ko talaga ang blog mo! Naaliw ako sa mga cartoons mo! May gif kana din nalalaman ngayon ah! Pwede bang mag-request? Gawa mo naman po ako ng avatar! Hehehe! yung naglalaslas! Hahahaha!

28.Hindi ka nakakatuwa, nakakairita ka kaya idenelete kita sa tweeter ko, yabang mo di ka naman gwapo! Tseeeee!

29.Believe ako sa pagpapapayat mo, keep it up! Malay mo bago mag end of this year makamit mo na ang pang beach body mo with 6 packs abs!! oha!!!

30.Gusto kitang isama sa book world!! Alam ko matutuwa ka! Ilibre kita ng books na gusto mo! Hehehe!

31.Alam ko mahilig kang tumakbo, jogging tayo minsan, sama ako sayo!

There you go….nahilo ako…



35 comments:

Bino said...[Reply]

base muna

BONISTATION said...[Reply]

ayii ang daming saloobin!! ^^

Bino said...[Reply]

kilala ko yata ung number 10. pati ung sa movie marathon. at mukhang alam ko na kung nasaan ako. assuming ako eh hahaha

Bino said...[Reply]

ang dami ko palang kakilala! natuwa ako ng sobra hehehe.

Bino said...[Reply]

ung magaling magdrawing? mgaling nga un. kwela pa . kung blogger nga ung tinutukoy mo ha. hehehe

mots said...[Reply]

iaassume ko bang nagpapagawa ka ng gif na naglalaslas :) hehehe :D

nasali ka na sa pakulo na to sa blog ah. uso na talaga to! heheh

Bino said...[Reply]

@mots

eh parang gusto ko rin mag-pagawa sa blogger na un ng avatar ko hehehe

iya_khin said...[Reply]

natatawa ako dito!! hahahaha! sige magtamang hinala kayo! ayos yan!! hahaha :P

Leah. said...[Reply]

Parang ako yata yung sa horror movies? Haha. assuming lang. Ay kilala ko si #3!!!!!!!!!!! hehehe.. andun din yun sa post ko.. ewan ko lang kung nabasa niya. mukhang hindi. Sabi ko nga, naging suplado no. Hmp!

sa 10 naman, sorry iyah.. nainggit lang talaga ako sayo kasi ang ganda mo. Pak! hihihi.... ayan!!

mots said...[Reply]

hanapin natin yung blogger na yun bino hiihi

khantotantra said...[Reply]

wowowowowwo. bongga ang listahan mo... umabot ng 31!!!! ikaw na!!!

Steve Finnell said...[Reply]

you are invited to follow my blog

Akoni said...[Reply]

hanggang 10 lang nabasa ko..continue ko mamaya..

hula ko sa number 5 si Banjo at ako yung number 6..lol pag-iisipan ko pa yung iba..haha

Akoni said...[Reply]

Number 7 si MOKS at number 8 or 9 si Glentot.

Akoni said...[Reply]

Number 22 si Musingan..lol

Akoni said...[Reply]

29 si Jepoooyyyy??

Diamond R said...[Reply]

agree ako sa hinala ni akoni galing.Si glentot ang number 8 di ko sure ang no.9.
di mo talaga makalimutan ang vegie pizza Iyah.

Will said...[Reply]

May mga kilala ako! hahaha, ang saya-saya naman. Magpopost na rin ako ng sakin. lol

Supladong Office Boy said...[Reply]

Ay syet. Kilala ko yung iba dito. Lalo na kung saang number ako. Hahahahahaha!

Solmayt, labyu! Hahaha.

Engr Moks said...[Reply]

assuming lang... ako ba yung no.25? parang ako, pero wala akong matandaang nangako tungkol sa cake e. Maling akala lang o ulyanin na ko ngayon? LOL

iya_khin said...[Reply]

@Engr Moks moks wag kang blind alam mong hindi ikaw yan! :p

Anonymous said...[Reply]

ako ba kase itong # 12? chos! hahahaha!


-rusmeyri

SunnyToast said...[Reply]

ang saya naman...wish magawa ko 2...just to express my flngs...na im flng in love with him...galing nito...takot lang ako kc...he always check fb status and blog....hahaha...takot ako masakatan ulit sa pag ibig na ito....hahaha


i miss you blog:) sorry napa tagal visit ko.

Engr Moks said...[Reply]

@iya_khinedi di ako makarelate ng konti sa sinasabi ni Akoni, no.7?

Chris said...[Reply]

Hello! After visiting your blog, I invite you to join us in the "International Directory Blogspot"
For this is the very simple, just follow our blog, enter your Country, your blog url, and you will automatically integrate into the Country list.
We are fortunate to be on the Blogspot platform that offers the opportunity to speak to the world to share with us the different passions, fashion, paintings, artwork, photos, poems and so be able to find in other countries people with similar passions.
I think this community could also interest you.
Have a great day with the hope that you follow our blog "Directory".
After your approval to join us, you will receive your badge
Regards
Chris
To find out, click on the link below:
http://world-directory-sweetmelody.blogspot.com/

musingan said...[Reply]

@Akoni

anak ng... hindi ako yan Akoni... ikaw yan... ikaw... ahahahahha.....

may nakita ako na blind item... mukhang ako... pero parang hindi.. kasi alam ko naman na alam mo Iya_Khin... na kinukulit lang kita... at alam mo na isa ka sa mga hinahangaan ko.. asan na ba si Yulie... di mo pa tinatapos... kainis ka....

ISTAMBAY said...[Reply]

dumadami na ...

kakaiba ito, halos karamihan blogger ang tinutukoy..

kakakilig naman kung ako nga si #... ")

dami ko tuwa dito. nagiisip kung sino sino sila..

tahan na iyah..

musingan said...[Reply]

@musingan

ay nakalimutan ko nga palang sabihin sa iyo Iya_Khin... "It's really hard to be humble when you're cute...." nyeyeyeheheheh....

KikomaxXx said...[Reply]

sino na naman sila.. hehehe

iya_khin said...[Reply]

@musingan lol ikaw na ang kyut!

Gracie said...[Reply]

katuwa naman ito parang virus na kalat na kalat at bagyong signal #7 sa lakas. sana marami rin akong kakilalang blogger para feeling juicy makapagblind item din, showbiz?! hugs ate iya, tenks sa comm kanina.

bulakbolero.sg said...[Reply]

Bigla kong tiningnan kung dinelete mo ko sa twitter mo. Lol!

iya_khin said...[Reply]

@bulakbolero.sg lol malabong mangyari yon!

YOW said...[Reply]

Hindi ko sure kung madami ako kilala. Pero parang si number 8, si glentot? Si 9, si kuya gelo/khanto. Si 17, si kuya leo at yung ka-couple niya. Si 27, si sir mots. Si 29, si jepoy. At yung 28, chineck ko kung dinelete mo ako sa twitter.. di ko makita. Haha. Pero kasama pa din naman ako dun sa BG ng profile mo sa I guess, hindi ako? LOL.

jhengpot said...[Reply]

pak na pak yung 10! lols

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review