Wednesday, 16 May 2012

love hurts?!

Posted by iya_khin at 23:55

“The hardest thing in falling inlove is when you still go for it even you already knew that in the end it won’t work and you have to let go….”

May mga bagay sa buhay natin na minsan di natin inaasahan, mga bagay na hindi mo maipaliwanag kung bakit dumating at bakit nangyari. Kung dati’y abala ka sa sarili mong mundo at bigla nalang may bubulaga sa harap mo at biglang inisnatch ang puso mo….wala kang kamalay-malay at wala kang kalaban-laban.

Kayang ideny ng bibig mo pero hindi ng mata mo, kayang linlangin ang isip mo pero mahirap ideny ng puso mo. Mahirap magkunwari at mahirap magpigil, kailangan mo ng extra effort at ng kakapitan para makaiwas…eh paano kung nag-iisa ka sa mga oras at panahon na yon?

Naitanong mo na ba itong minsan, mali ba ang magmahal? Dapat ba laging nasa tamang lugar at tamang panahon? Dapat ba laging nasa timing at organized ang lahat? Dapat ba na naayon ito sa expectations mo? Dapat ba parang sa pelikula….. scripted?!

Tao, maraming expectations..pero dapat ba pag nagmahal ka may expectations din? Kailangan ba na may manual kung paano ka magmamahal at kung paano ka din mamahalin?

………at kung sino ang mamahalin?

“love doesn’t hurt, it’s the one you choose to love that’s hurting you…”

Alam mo ng mali alam mo ng bawal at alam na alam mo din na masasaktan ka sa huli…pero ansabeh?!! Nahulog ka pa din, umasa, nagmahal…kahit alam mong masasaktan ka lang….katanganhan bang matatawag? Di siguro….

Nalulungkot ka lang, sabi nila..pero marami naman ways para sumaya diba? Hindi kalungkutan ang nagdala sayo para magmahal ka, nakatakda lang talaga na mahalin mo sya…

“Don’t love too much…yung sakto lang…”

Ano ba ang saktong pagmamahal? May sukatan ba? may leveling?

“Hindi nya kayang suklian ng parehong pagmamahal ang pagmamahal mo”

Nagbayad ka ba sa kanya in the first place?

“Limitado ang time nya”

Mas mabuti naman yon kesa sa walang oras sayo totally…

“wait”

Given na po yun….

“paano kaya pag ayaw nya na nga?”

Pinaghahandaan na….



4 comments:

kiko said...[Reply]

Malalim at makahulugan ang iyong naisulat, gumuguhit sa ugat na dinadaluyan ng dugo papunta sa puso.

Anonymous said...[Reply]

kaya ako, mamamahalin ko muna ang sarili ko bago ako magmahal ng iba lol

riChie said...[Reply]

kaya wag mainlab agad. kilalanin munang mabuti ang isang tao bago ka pumasok sa lab lab na yan. Hindi yung 1 week palang inlove na parang PBB Teen. hehe.

McRICH said...[Reply]

ai ano to teh, parang may pinanggagalingan!!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review