Thursday, 10 May 2012

salamin sa dilim...

Posted by iya_khin at 04:23

Mirror mirror on the wall who’s the fairest of them all?!

Di ko idedeny na nainggit na naman ako…kanino?! Sa bff ko… kay BINO!

Dahilan sa nagsubside na ang trending ng 20 things eklabuu na blind items, eto naman ang gagawin ko.

INSTRUCTIONS:
1.magprepare ng kandilang itim
2.maligo ng alas-dose ng gabi
3.magdamit ng puti
4.i-lock ang pinto ng kwarto
5.sindihan ang kandila
6.patayin ang ilaw
7.humarap sa salamin hawak ang itim na kandila
8. siguraduhing ika-3 ng madaling araw impunto
9.makipagtitigan sa sarili
10.hintayin mong magsalita ang nasa salamin

Kung di epektib ulitin pagkinabukasan until fade…repeat coda

Well, pagkaharap ko ang salamin at pagnakikita ko ang pagmumukha ko ang dami ko talagang gustong sabihin sa kanya….lalo na pag langgo ako sa alak….teka kelan ba ako nalasing?! Hmmmm…

Geh na nga….

1.ang pangit mo! J

2.alam mo di na nakakatuwa yang mga pinag-gagagawa mo sa sarili mo, wag mong pigilan yang luha mo ngarag kana sa loob alam ko!

3.kunwari malakas ang loob mo pero in denial ka! Bakit di mo sabihin sa kanila?!

4.wag kang masyadong mabait kasi inaabuso ka, wag ka din magtanga-tangahan kasi alam mo naman ang ginagawa nila sayo.

5.sobrang lambot ng puso mo, alam kong madali kang magmahal at magtiwala pero isipin mo naman ang sarili mo paminsan-minsan para di ka naiiwang luhaan.

6.nagtratrabaho ka naman diba? Kumikita ka naman ng maayos diba? Eh bakit tinitipid mo ang sarili mo? Di sa lahat ng oras eh ibibigay mo lang kung kanikanino.

7.gaga ka talaga! Alam mo na yon! Lagot ka!

8.bumalik kana sa music ministry, miss kana nila at mas lalong miss kana ni Lord.

9.alam ko super friendly ka at di ka namimili ng taong kakausapin mo kaya idol kita…ulit…wag ka lang tanga!

10.huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, nakamamatay ang sobrang pag-iisip.

11.walang kulang sayo, see kompleto lahat ng body parts and organs mo!

12.tama yang nagpapayat ka, isipin mo na hindi dahil para kung kanino kundi para sa sarili mo! Stay healthy and keep it up.

13.wag kang masyadong mag-tamang hinala kasi ikaw lang nag-iisip nyan at hindi sila, mahihirapan ka lang lalo.

14.aba pansin ko konti ka nalang kumain ah, totoo na ba yan?

15.matulog ka sa tamang oras, kaya ka laging inaantok sa opisina eh.

16.bitawan mo yang telepono mo paminsan-minsan, switch off mo kaya!

17.tigilan ang kakadownload ng games di mo naman kasi nalalaro, adik ka lang.

18.mahal ka nun, magtiwala ka lang.

19.mahal ka din nun.. :p

20.umayos ka!


-end



7 comments:

musingan said...[Reply]

hahahha... kala ko... totoong ginawa mo yung kandila kandila na yan... kasi ako nagaw ko talaga... toinks... pero maganda ito.. pagaya hah....

Engr Moks said...[Reply]

hahaha... nagawa ko na to. Sermunan ang sarili.

iya_khin said...[Reply]

@Engr Moks hahaha oo nga pala!!

Bino said...[Reply]

oo naman mahal kita hehehe . love you bff :)

McRICH said...[Reply]

parang tungkol lahat syo to teh a!

ISTAMBAY said...[Reply]

trend ulit at si sir bino naman ang pasimuno hehehe


at iyah..

may kulang pa.

wag ka iyakin

tahan na :)

Orange Pulps ♥ said...[Reply]

hahah. para yatang scary ng intro.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review