One of the hardest things in life
is watching the person you love, love someone else.....
Cassandra gumising ka!! Idilat mo
yang mga mata mo wag kang magpakatanga! Galit na singhal ng bestfriend ni Cassandra na
si Andrew. Awang-awa ito habang pinagmamasdan ang kaibigang nilulunod ang
kanyang sarili sa alak habang patuloy ang pag-patak ng mga luha nito.
Casey, itigil mo na yan maawa ka
naman sa sarili mo, look at you, you’re a total mess! Ang payat-payat mo na,
ilang araw ka ng ganyan? Uummm I guess buwan na?! Hooy! Nakikinig ka ba sa akin?!
Tila wala sa sarili si Cassandra
habang patuloy na nanenermon ang matalik nyang kaibigan. Halos hindi na sya
makahinga sa sobrang sakit na kanyang nadarama. Nakakabaliw ang bawat
pangyayari na halos gustuhin nya ng malagutan ng hininga sa sobrang sakit ng
puso nya….
Mahal ko sya…mahal na mahal…pabulong
nyang sambit kasabay ng pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.
Hindi ko kayang mawala sya,
ayoko, kahit nasasaktan ako, kahit na may mahal syang iba, sya pa din ang gusto
ko…
Baliw kana nga!! Casey
kahibangan yang pinag-gagagawa mo! Buti sana kung mabibigyan ka ng award dahil
sa pagiging martyr mo eh hindi naman! Casey please stop it..itigil mo na yan hangga’t
maaga pa, ikaw lang ang magiging kawawa nyan sa huli. Nanlulumo si Andrew
habang pinagmamasdan ang kaibigang nagpapakalugmok sa kalungkutan.
Hindi naman ako naghahangad ng
sobrang pagmamahal sa kanya Drew, kahit konti lang, kahit kapatak lang
tatanggapin ko, pagkakasyahin ko ang sarili ko. Masaya ako pagkasama ko sya, ok
na ako dun, kahit nahihirapan ako…wala akong magawa..tinanggap ko ‘to..kakayanin
ko ‘to..kaya ko.. sabay lagok ng isang basong alak ni Cassandra na tila ba
ginawang alcohol ang vodka para maging manhid ang puso nya.
Shit ka Casey! Shit din yang
lalaking yan! Sigaw ni Andrew. Casey, look, hindi ka mahal non, kung mahal ka
nang gagong yon hindi ka nya hahayaang magkaganyan. Walang lalaking nagmamahal
ng dalawa! Maaring naawa lang sya sayo. Huwag mong sayangin ang oras mo sa
kanya, walang kwenta yang iniiyakan mo! Huwag mong hayaang sirain ka ng
letcheng pagmamahal mo na wala naman patutunguhan!
Mahal ko sya!! Mahirap bang
intindihin yon?!! Eh sa ito ang idinidikta ng puso ko! Hindi ako makawala,
hindi ko kaya! Gustong-gusto ng isip kong talikuran na sya kaso susubukan ko
palang humakbang palayo halos hindi na ako makahinga! Pahagulgol na sagot ni
Cassandra sa kaibigan.
Walang magawa si Andrew sa
kaibigan, lahat na ng pagsasaway at pagbabawal ay sinabi nya ng lahat ngunit
tila bingi na si Cassandra dahilan sa sobrang pagmamahal nya sa nobyo nito.
Casey makinig kang mabuti, ano
man ang mangyari nandito lang ako, nandito lang ako lagi sa tabi mo at hinding-hindi
kita iiwan. Sabay yakap ng mahigpit sa kaibigan…
Mahal na mahal kita
Casey..kung alam mo lang..sana ako nalang ang minahal mo at hindi sya..
- end