Monday, 25 June 2012

pieces of you...

Posted by iya_khin at 04:47

One of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else.....

Cassandra gumising ka!! Idilat mo yang mga mata mo wag kang magpakatanga!  Galit na singhal ng bestfriend ni Cassandra na si Andrew. Awang-awa ito habang pinagmamasdan ang kaibigang nilulunod ang kanyang sarili sa alak habang patuloy ang pag-patak ng mga luha nito.

Casey, itigil mo na yan maawa ka naman sa sarili mo, look at you, you’re a total mess! Ang payat-payat mo na, ilang araw ka ng ganyan? Uummm I guess buwan na?! Hooy! Nakikinig ka ba sa akin?!

Tila wala sa sarili si Cassandra habang patuloy na nanenermon ang matalik nyang kaibigan. Halos hindi na sya makahinga sa sobrang sakit na kanyang nadarama. Nakakabaliw ang bawat pangyayari na halos gustuhin nya ng malagutan ng hininga sa sobrang sakit ng puso nya….

Mahal ko sya…mahal na mahal…pabulong nyang sambit kasabay ng pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.
Hindi ko kayang mawala sya, ayoko, kahit nasasaktan ako, kahit na may mahal syang iba, sya pa din ang gusto ko…

Baliw kana nga!! Casey kahibangan yang pinag-gagagawa mo! Buti sana kung mabibigyan ka ng award dahil sa pagiging martyr mo eh hindi naman! Casey please stop it..itigil mo na yan hangga’t maaga pa, ikaw lang ang magiging kawawa nyan sa huli. Nanlulumo si Andrew habang pinagmamasdan ang kaibigang nagpapakalugmok sa kalungkutan.

Hindi naman ako naghahangad ng sobrang pagmamahal sa kanya Drew, kahit konti lang, kahit kapatak lang tatanggapin ko, pagkakasyahin ko ang sarili ko. Masaya ako pagkasama ko sya, ok na ako dun, kahit nahihirapan ako…wala akong magawa..tinanggap ko ‘to..kakayanin ko ‘to..kaya ko.. sabay lagok ng isang basong alak ni Cassandra na tila ba ginawang alcohol ang vodka para maging manhid ang puso nya.

Shit ka Casey! Shit din yang lalaking yan! Sigaw ni Andrew. Casey, look, hindi ka mahal non, kung mahal ka nang gagong yon hindi ka nya hahayaang magkaganyan. Walang lalaking nagmamahal ng dalawa! Maaring naawa lang sya sayo. Huwag mong sayangin ang oras mo sa kanya, walang kwenta yang iniiyakan mo! Huwag mong hayaang sirain ka ng letcheng pagmamahal mo na wala naman patutunguhan!

Mahal ko sya!! Mahirap bang intindihin yon?!! Eh sa ito ang idinidikta ng puso ko! Hindi ako makawala, hindi ko kaya! Gustong-gusto ng isip kong talikuran na sya kaso susubukan ko palang humakbang palayo halos hindi na ako makahinga! Pahagulgol na sagot ni Cassandra sa kaibigan.

Walang magawa si Andrew sa kaibigan, lahat na ng pagsasaway at pagbabawal ay sinabi nya ng lahat ngunit tila bingi na si Cassandra dahilan sa sobrang pagmamahal nya sa nobyo nito.

Casey makinig kang mabuti, ano man ang mangyari nandito lang ako, nandito lang ako lagi sa tabi mo at hinding-hindi kita iiwan. Sabay yakap ng mahigpit sa kaibigan…

Mahal na mahal kita Casey..kung alam mo lang..sana ako nalang ang minahal mo at hindi sya..

- end


7 comments:

Bino said...[Reply]

may pinaghuhugutan tong post na to

MEcoy said...[Reply]

awtz naku naku love nag naman buti na lng at my mga kaibigan hadang dumamay nku nku

eMPoi said...[Reply]

lintik kasing LOVE na yan! affected? haha

SunnyToast said...[Reply]

sa title mo palang girl..I can relate..pag ganitey eksena ng buhay ko..it takes me months to accept that he belongs to someone na...kulang nalang pag babarilin ko ang lahat na makitang kung may partner...hahaha!

Superjaid said...[Reply]

mas masakit talaga ang ganito kesa sa simpleng unrequited love. ok lang sana kung yung mahal mo na may mahal na iba eh mahal din nung mahal nya kaso kung umiiyak lang siya. mas masakit yun.

andrew..tell her you love her and make her fall for you. friends can be lovers you know. hahaha =D

MEcoy said...[Reply]

Hey there hope you don't mind checking my blog today I just have something for you
happy blogging and have a great day
http://iammecoy.blogspot.com/

~✯*Jela*✯~ said...[Reply]

unang visit ko palang dito parang feeling ko kailangan ko nang magdala ng panyo o tissue sa susunod kong dalaw . hahahha. Puro emo posts ang nandito. Maging ang title ng blog mo, emote din ang mode. heheheh. wag kang mag-alala girl, hindi ka nag-iisa. hahaha

cutyjelix143.blogspot.com
followed yah.. hope u would do the same ;-)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review