Thursday, 21 June 2012

sa piling mo..

Posted by iya_khin at 05:48


“Mahal kita, pero mas mahal ko sya…”

Suntok sa buwan…
Hanggang ganito nalang..
Hindi maipinta kung ano ang dapat maramdaman…
Hirap makahinga….
Di maamin sa sariling wala talagang pag-asa…

Ilang beses na ba nasaktan?
Ilang beses na ba nadapa?
Ilang beses na ba lumuha?
Paulit-ulit nalang di parin magawang iwanan ka.

Masakit isipin na tayo ngang dalawa
Nandito ka nga sa aking tabi ngunit puso mo’y wala
Hawak mo ang aking mga kamay
Ngunit sa isang kisapmata ko lang nasa malayo kanang bigla.

Di makapaniwala nung una’y akala ko’y akin kana
Sabik sa kada minutong kapiling kita
Tamis ng iyong mga halik di ako nagsasawa
Sa bawat haplos mo sa aki’y dulo’t nito’y walang kasing saya.

Lahat nagbago ng sya’y nagbalik
Di mo na pansin ang alay ko sayong pag-ibig
Malalamyos mong pagsambit sa aking ngala’y di ko na naririnig
Init ng iyong pagmamahal unti-unti ng nanlalamig.

Inalay sayo ang lahat-lahat ngunit sayo’y tila hindi sapat
Di ko labis malaman kung saan ako nagkulang
Upang balewalain mo ako ng ganun-ganun nalang
Minahal kita, buong puso ko’t buong tapat.

Batid kong walang patutunguhan ito
Ngunit puso ko’y manhid na sa bawat paghihirap na dinanas nito
Kaya eto’t sadyang pinili pa din maghintay at manatili sa piling mo
Hanggang sa isang araw magising ka’t madama ng puso mo…

Na mahal mo din ako..
Gaya ng pagmamahal nanilaan ko para sayo..

videokeman mp3
Di Na Ganun – Yeng Constantino Song Lyrics

8 comments:

Nortehanon said...[Reply]

Tsk..tsk..kung maaari nga lang na yung heart natin parang naka-voice command lang tapos sasabihan lang natin ng "stop loving" tapos titigil na ito. Kaya lang, hindi eh :(

Aj Banda said...[Reply]

iba pala epekto kapag nagbabasa ka ng ganito tapos may background music... V_V

fRanCis moRilao said...[Reply]

Kapag ganito ang mababasa ko pagkagising sa umaga, malamang naman ang buong araw ko eh nasa alapaap!

Superjaid said...[Reply]

nakakaemote. ayos ka lang iyah?

glentot said...[Reply]

Sakit naman nito:
Lahat nagbago ng sya'y nagbalik
Di mo na pansin ang alay ko sayong pag-ibig

Tinype ko pa yan kasi bawal copy paste LOL

iya_khin said...[Reply]

@glen haha! masakit po tlaga....

Jessica said...[Reply]

ang cute naman ng blog mo, ayan follow kita... ayun ako oh!! hehhe... you may follow me back thanks :)

Dave Pascht said...[Reply]

i love the song..so nice!! :)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review