Sunday, 1 July 2012

THREE

Posted by iya_khin at 01:58

I’m really sorry…nakalimutan ko…

Sorry talaga, marami lang talaga akong iniisip lately. Hindi ko talaga sinasadyang makaligtaan ko ang pinaka espesyal na araw mo…

Tatlong taon na pala tayong magkasama, matagal tagal na din pala. Hindi ko inakalang magkakasama tayo ng ganito katagal, ilang beses na din kasi kitang iniwanan at binalak na talikuran at tuluyang kalimutan, pero heto’t tayong dalawa pa din ang magkadamay hanggang ngayon..

Salamat dahil sayo nailalabas ko lahat ng nararamdaman ko.

Salamat dahil di mo ako iniiwan kahit may topak at baliw-baliwan ako.

Salamat din kasi lagi kang nariyan para pakinggan lahat ng mga kwento kong walang kalutay-lutay.

Salamat nandyan  ka parin kahit sabaw-sabawan na talaga ang utak ko.

Salamat at nananatili kang FREE kasi di ko alam paano kita i-lelevel up para magka DOMAIN ka, natatakot akong bigla kang mawala..wala pa naman akong mga back up sayo.

Masaya ako kasi dahil sayo marami akong nakilala at naging kaibigan, hindi man sila lahat nakilala ko personally pero at least alam kong nariyan sila para damayan tayo sa mga kadramahan nating dalawa. Nakakataba din ng puso ang mga taong nag iiwan ng bakas nila na kahit nonsense ang mga pinagkukwento natin eh nakaready ang mga panyo nila para makiiyak at pawiin ang luha natin na hindi maubos-ubos.

Happy 3rd years anniversary sayo blog ko! Sana tumagal pa ang pagsasama nating dalawa!

Mahal na mahal kita!


10 comments:

Supladong Office Boy said...[Reply]

wow! halos sabay tayo ng blog anniversary solmayt. ahead ka lang ng isang taon.

happy 3rd birthday to your blog!!

:)

iya_khin said...[Reply]

@Supladong Office Boy thank you po! :)

Akoni said...[Reply]

pakontes ka na!

Leah. said...[Reply]

Congrats, iya bebe! And happy 3rd year anniversary ke blog!! :D

iya_khin said...[Reply]

@Akoni pareho talaga tayo ng iniisip...hehehe

EngrMoks said...[Reply]

Happy anniversary sa bahay mo... nga pala June ang anniv ng mga blog natin. Congrats at tumagal ka pa sana.

MEcoy said...[Reply]

wow tatlong taon na pla galing galing nku buti di ng tampo ang blog mo haha
congrats ha aabangan ko pa mga dadating pang taon sayo dito ha

Gracie said...[Reply]

Congrats te.

Bino said...[Reply]

happy anniversary bff :)

Jessica said...[Reply]

Happy anniversary :)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review