Sunday, 22 July 2012

bulag,pipi,bingi

Posted by iya_khin at 02:23

google

Di ko lubos maisip kung bakit ako’y nahuhumaling sayo
Ngayong di naman linggid sa akin ang mga panloloko mo
Babae mo’y kaliwat-kanan, sa likod at sa harapan
Pero heto ako’t nananatiling umiibig sayo kahit puso’y nasasaktan.

Ilang beses ng binalak na ika’y iwanan
Iwasan na’t talikuran, tumakbo at maglaho sa kawalan
Ngunit sadyang mahina yaring puso ko’t nanghihinayang
Umaasa pa rin isang araw ako’y mamahalin at sa bisig mo’y tanging ako ang mananahan.

Halos ipagtabuyan mo ako’t pagkatao ko’y iyong yurakan
Ganon nalaman magbitiw ng mga salitang tagos sa aking kalamnan
Subalit pag-ibig pa din ang syang nangingibabaw sa aking katauhan
Pag-ibig..walang katiyakan, walang patutunguhan.

Halintulad ka ng isang halimaw na sa aki’y tumambad
Ako’y iyong binihag at ginapos na walang kalaban laban
Pinaikot mo sa iyong mapaglarong mga palad
At ngayo’y iyong hinahatak at patulak sa takda kong kamatayan.

Sa kabila ng lahat ika’y patuloy kong iniibig
Buong puso ko’t pagkatao’y pilit sayo’y isinisiksik
Ako’y isang hanggal dahil inalay sayo ang pag-ibig na wagas
Yaong di nag aabang ng kapalit sa tulad mong puno ng dahas.

Bulag…
Pipi…
Bingi…

Tanging tibok ng puso ko...

Damhin mo…


20 comments:

kiko said...[Reply]

ramdam ko ang bawat mong halinghing este impit na kimkim
na dulot ng sakit na tumataimtim
hanggang kailan mo lolokohin
ang sariling nahuhulog sa bangin.

pag-ibig na walang saysay
ikaw lang ang nagmamahal ng tunay
lahat na lang ay ibibigay
hanggang sa tibok ng puso'y mamatay

bakit sadyang sa kanya ay hibang
na nakilala minsan sa lansangan
ang puso mong busilak ang laman
ibigay sa karapat dapat paglaanan

ang buhay ay minsan lang
ligaya sa pag-ibig nawa'y iyong kamtan
dahil nais kong kita'y muling masdan
sa sandaling maiplano natin ang mating EBhan :)

galing mo iyah!

khantotantra said...[Reply]

:( awwwwwww..... sad namans ng poem mow. its like... awwwwwww

KULAPITOT said...[Reply]

aw aw aw to the 9th power!

Anonymous said...[Reply]

AAWWWWWW!!!!! Kaasar! Tamang tama sa panahon ang poem. Grrr!

empi

joeyvelunta said...[Reply]

naniniwala talaga ako sa sinabi ni norman wilwayco. Tanga lang ang umiibig, gago lang ang hindi.

Joanne ;p said...[Reply]

Awts!! :(

Kamilkshake said...[Reply]

Ate... paano mo nasusulat toh?? I mean.,.. hehehe hindi ko mabaling yung isip ko na magsulat nito kapag masaya ako.. I MEAN,... alam kong nasa good relationship ka.. kaya hahahaha.. wala lang.

Hahahaha sinubukan ko magsulat ng mga love story.. pero ang hirap magsulat.. parang puro si mayk lang naiisip kong isulat... mukhang tanga... kaya mabalik tayo sa tanong ko..

paano mo nasulat toh.. hahaha

the best ka ate. :)

MEcoy said...[Reply]

awts ang martyr naman neto naku naku pagibig nga nmn sana tula lng to ha

Bino said...[Reply]

naku martir mode.

eto lang iyan ha, kung children involve,

you can stop becoming husband and wife if di nyo na mahal ang isa't isa pero you should never stop becoming parents sa anak ninyo :)

iya_khin said...[Reply]

@kikokuya!!! hehehe! kaadikan ko lang yan, sabihin natin nagising na ako! hindi pala ako bulag,pipi at bingi akala ko lang...

iya_khin said...[Reply]

@khantotantra awwwww... :'(

iya_khin said...[Reply]

@KULAPITOT di lang 9th power to d hayest power pa!! hehehe

iya_khin said...[Reply]

@joeyvelunta kaso joey mas madami ang gago!! wahahaha

iya_khin said...[Reply]

@Joanne ;p awwts talaga...

iya_khin said...[Reply]

@empi bakit ano bang panahon meron sa inyo ngayon??!! hmmmmm....intriguing!

iya_khin said...[Reply]

@Kamilkshake hahaha! baby tamang emosyon lang at tamang hugot at makakatipa ka din ng ganito! hehehe! salamat love u baby!

iya_khin said...[Reply]

@MEcoy ang mga martyr ngayon binibitay na! hahahaha

iya_khin said...[Reply]

@Bino haha parang may kilala akong ganyan eh! hehehe

McRICH said...[Reply]

Anlungkot naman teh ngat ka dyan!

nyabach0i said...[Reply]

kalma lang teh. san ba nanggagaling ang lungkot na to sa katawan mo? tara inuman na nga tayo! hahaha.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review