Wednesday, 11 July 2012

call me maybe? 2

Posted by iya_khin at 04:56

So part 2 na ba?!!! Hmmmm….. (basahin dito ang part 1)

Parang gusto kong kumanta ng… I’m sexy and I know it!! LOL

Ok fine, ikwento ko na sa inyo kung sino pa ang ibang bloggers na boys ang nagpa-beautiful eyes sa akin! Di ko na papahabain pa anyway nag-iiskip read lang naman kayo!  Hmmmp! Tseee!!

Game!

XANDER – Alexander d GREAT! Naks! Name palang mapipicture mo na agad sa isip mo na ang yummy nya! Chaaar! Infairness to him yummy naman talaga sya, kakaiba ang karisma ng adonis na ‘to. Nagsimula kaming magkakilala at magkausap sa google chat at hangout, oo, maraming naidudulot ang G+! Kaaliw din syang kausap at inaaliw nya din ako sa pamamagitan ng kanyang angry bird! LELS!! Bakit angry ang kanyang bird?!! Yan ang napala ng mahilig magpapicture na nakajumpshoot!! Oooopsss!! Bebe ko di kita ibubuking promise!! Sobrang kulit syang kausap sa chat pero kabaliktaran nung nagkita na kami personally last year din sa Sarangola Blog Awards same with Bino. Medyo shy type ‘tong si Bebe Xander, shake hands lang syang ganyan tas smile-smile and papicture..yun lang?!!! Haaiiisst..medyo sad me kasi di kami nakapagkwentuhan din ng time na yon. Anyway maybe next time he can do better than that!

GLENTOT – bago palang ako sa blogworld eh sya ang unang blogerong nakitaan ko talaga ng kakaibang sense of humor. Kahit simpleng post lang nya eh hahagalpak ka sa tawa. Di naman kami ganun kaclose pero simula ko syang nakausap at nakilala sa twitter. (Ako na updated sa social networking!) Describe Glentot?! Need ko pa bang ikabit sa pangalan nya si Ed____n?!! hahahah! Search nyo nalang sa google kung sinong tinutukoy ko! Pero kyut talaga ‘tong bonitong ‘to, kita nyo na ba ang kanyang killer smile at ang pamosong pic nya sa boracay?!! O ha pwedeng pang playboy! (peace glen! Luv u po!) Di din po ako naniniwala na puro kabalahuraan lang ang alam nya at mga lumalabas sa kanyang bibig kasi alam ko this guy has a good heart! Naman! (tama ba grammar ko?!!) Glen natapos mo na ba basahin yung purpose driven life na niregalo sayo nung birthday mo last year ng friend mo?! :P Nasa wish list ko rin na sana magkaroon me ng chance mameet sya personally para makasama ko syang manood ng mga horror films habang nakatalukbong kami pareho ng kumot!!! Ooooissst wag kayong berde!!

JEPOY – mataas ang confidence! Dyan ako hanga sa kanya! Though kadalasan nilalait nya ang sarili nya sa post nya or sa instagram pero I don’t see him like that. Mas manly nga tingin ko sa kanya kasi kaya nyang aminin sa sarili nya na he is not perfect. Na wala pa sya sa ngayong ganun ka-hot na body na pwedeng ibalandra sa beach pero I believe na he can do it!! (parang nike lang!) Hmmm… di naman kami ganun na nag-uusap or I mean pa isa-isang msg lang sa twitter pero lingid sa pagkakaalam nya, I was so touched nung nagmsg sya sa akin sa twitter last year nung naospital me. May sakit kasi ako nun tas mega tweet pa din ako, so out of my billion followers (asa pa!) eh sya ang unang-una na nagreply sa tweet ko. I bet nakalimutan nya na! kaya yun, naiyak me… kasi nung nasa ospital ako, ako lang mag-isa tanging BB phone ko lang ang kasama ko. Tas nag-ask sya kung anong nangyari sa akin, na he prayed na maging ok ako, ganun, yung mega-care ba! Hehehe! Thank u!

BON – it’s not about the money-money-money we don’t need your money-money-money!! LELS! Na-LSS ako dahil sa video nya! COOOOL! Unang kita ko palang sa kanya sa G+ hangout napa-HANG ako! Paano ba naman, naka-hang ang cam nya! We haven’t talk or anything yet…hmmm..siguro palitan lang ng comments sa FB group U-Blog comment box, yung mga ganun lang tas yung i-favorite nya yung mga reply ko sa mga tweets nya, ganun lang sya magparamdam pero dun palang kinikilig na ako, paano pa kaya kung mag one on one and heart to heart talk kami! Shhhaaaaksss baka malusaw ako! LELS! Totoo naman kasing may K sya, kahit bagong gising ang gwapo-gwapo pa din nya. Alam nyo ba yung walang ka-effort-effort kung pumorma pero malakas pa din ang dating?!! Ganun! Wish list ko din na sana mameet ko sya personally, pagnagkataon walang kakeme-keme tatalian ko sya agad!! Joke!! :D

GASUL / GASOLINE DUDE – BIG TIME!! Sa kanya ko nagaya ang expression na yan! Hmmm..paano nya ba natouched ang puso ko?! Sa malamyos nyang tinig ng sumali sya sa pakontest ko… oo, talaga namang nakakainlove ang tinig nya, di mo aakalaing kaya nyang agad-agarang magcomposed ng kanta and take note acapella pa! Ilang beses ko na din syang nakausap, may pagkamakulit sya ng konting-konti lang pero I don’t know sa personal. Naalala ko nung sinabi nya sa akin na may kahawig daw ako, kahawig ko daw yung EX nya… aaaammmm…Alex ayokong maging EX mo..gusto kong maging PRESENT mo! LOL!! (kapal ko na!) Isang beses nagkausap na din kami sa FB chat box, pero this time hindi about sa amin ang pinag-usapan namin...tsk! sayang! Kundi about sa faith namin pareho. (excuse me kung nagloloka-lokahan me now a days…) Kasama ka din sa wishlist kong mameet at makasabay kang umawit para kay God kasama ang music ministry sa church! Amen!

ISTAMBAY / BANJO – syang-sya na talaga ang may matalinhagang utak at makabayan!! Sya yung blogger na pasulpot-sulpot lang kung magpost pero huwag ka, talagang tatatak at mag-iiwan ng bakas at mapapaisip ka. Super galing nya talaga para sa akin, kaya lang anonymous kung anonymous sya katulad ng profile picture nya! Naman!! Sya yung tipong henyo na abot kamay mo lamang, yung di ka makakaramdam ng ere da way syang magsulat. Naaaliw ako sa kanya kasi sya yung anonymous friend ko na mahilig magpatahan sa akin, every comment nya sa mga kaemohan ko patatahanin nya ako. Banjo sa totoong buhay kaya mapapatahan mo pa kaya ako? Crush kita kahit di pa kita nakikita, kelan mo kaya me pagbibigyan?! (kill me!)

Hala naka isang dosena na pala ako!!! Me already!! So far sila palang ang mga koleksyon ko (koleksyon talaga?!!) kung may nais magparamdam magparamdam na now! (wag lang mumu!) Hmmmm… hindi naman po talaga ako malandi friendly lang talaga ako. In real life tahimik lang po talaga ako…oo..promise!! (lies!) konti lang naman talaga ang totoong minahal kong lalaki since birth, siguro mga nasa 50 lang, diba ang konti ala pang 100?!!

Advice ko lang sa mga girls na para magustuhan kayo ng mga guys, be natural and just be yourself. Generally ang mga lalaki at first glance talagang nakatingin o tumitingin sila sa ganda at kaseksihan natin! (kaseksihan talaga!!) Pero pag getting to know each other na mas importante parin sa kanila yung babaeng makakasundo nila at hindi dahil sa may delicious body and angelic face ka, though plus factor na yon para sa kanila. Iwas-iwasan ang pagiging maaarte at patweetum na pacute epek, di na yan bagay sa panahon ngayon. I bet di ka seseryosohin ng lalaki pag ganyan ang way mo para mapansin ka nila, ikaw din ang kawawa sa huli…..

co’z boys will always be boys!

cheers!


22 comments:

Bino said...[Reply]

napakahuhusay ng mga lalaki mo bff hehehe

MEcoy said...[Reply]

boys boys boys haha anyways ganda ng pic mo ohhh napap huwaw ako

glentot said...[Reply]

dama ko ang kalantudan ng post na ito magmula sa pic hanggang sa comments sa bawat isa LOL sinali mo pa ako alam mo naman di ako pang-heartthrob tama na siguro sa akin ang matawag na "masarrrap" bwahihi

thanks iyakhin sa iyong matinding pagnanasa sa akin bwahaha JOKE!

matignan nga yung part one

Xander said...[Reply]

ahahahaa.. na feature pala ako dito.. hahah oo nga mahiyain ako sa personal at sa totoong buhay.. haha fake na buhay pala ang pag blog ko joke.. hehe.. Angry birds talaga naman oo!. hahaha Nakakaaliw talaga ang angry kong bird wahahaaha.. thanks iyah.. promise next time na magkita ulit tayo kulitan galore hahahaha

Jepoy said...[Reply]

pag punta ko sa blog kala ko ponstar ung nasa picture LOL

Thanks sa tag. Nahiya naman ako sa confident LOL actually defense mechanism ko lang yun kasi madami nanlalait sakin. Nag explain talaga dito?

Oi na alala ko pa ung twit na 'yun nung may sakit ka. Hindi lang ako madalas maka reply I prayed for you talaga. I think we share the same faith. Christian karin diba? So yan ang connection besides sa pagiging blogger.

I really appreciate this.

God Bless you more mam :-D

The Gasoline Dude™ said...[Reply]

Hahaha! Oonga kamukha mo nga ex ko! Pati si Amanda Bynes kamukha mo!

Pero salamat sa post mo. Nabuhayan ng onti ang natutulog kong self-confidence. LOL!

musingan said...[Reply]

si xander ang unang blogger ata na nafollow ko na nakita ko sa Pinoy Blogger... yung website chruba churba....

si Stambay naman ... sinundan ko.. dahil... talagang magaling talaga ang batang ere... ehehhe..

si Iya... pinalow ko dahil kay Yuliee..... yahoooo....

musingan said...[Reply]

(,") BLOGS NG PINOY (",) pala.. hindi Pinoy Blogger...

BON said...[Reply]

haha natuwa naman ako dito at medyo nag blush! lols! may ganun palang datin yung si bon nyahaha!

salamat po!! =) ikaw din naman po, you're sexy and everybody knows it! oh yeah!

iya_khin said...[Reply]

@Bino hahaha mga lalaki talaga eh no?!! coincidence lang po yan hindi ko po sinadya..

iya_khin said...[Reply]

@MEcoy ty po! kulit lang! arte ko lang yan!

iya_khin said...[Reply]

@glentot hahahah baliw! ako na malantud! ikaw na din ang masarap, malagyan nga kita ng ketchup! lolz

iya_khin said...[Reply]

@Xander sayang at walang favorite button dito pero cge tatandaan ko yan ha! sa Dec uwi uli ako.

iya_khin said...[Reply]

@Jepoy hahaha papasa na ba pang pornstar?!! baka masuka lang yung mga makakakita sa akin! hahaha!

yaan mo na yung mga nanlalait sayo, naiinggit lang yon!manigas sila!pero continue mo lang yan, marereach mo din ang goal mong maging hunk! o diba!

opo same faith tayo. hehehe..

iya_khin said...[Reply]

@The Gasoline Dude™ si EX X na yun, ako na ang present mo nga ano ka ba! choooos! Si Amanda Bynes talaga, oo nga sinabi mo sa akin sa FB. hehehe! mas maganda yun ng kalahating paligo. :D

Ano kaya 'to,bakit may dating ka naman ah?!

iya_khin said...[Reply]

@musingan di ko na nga talaga natapos si Yulie...haaaiissst... yaan mo hahalungkatin ko pag di na ako loka-lokahan at pag di ako na amnesia. hehehe

iya_khin said...[Reply]

@BON hi bon! hehehe! thanks at napilit din kitang dumalaw dito sa pink kong bhay! yiiiii...i'm so kilig to da hayest mount everest! lels

naman ang lakas kaya ng dating mo sa puso ko, naririnig mo ba, ang sabeh bon-bon-bon! wahahaha!landi ko!

salamat sa papuri pero nagkakamali ka, di po ako sexy, kunwari lang yan, mapanlinlang na larawan.hehehe

ISTAMBAY said...[Reply]

iyah, napangiti mo naman ako. grabe

crush di kaya kita ^^.

kinilig ako sa nabasa ko eh hahaha

pero mas nakakakilig ang iba :)

yaan mo, one day isang araw i saw nakakita. one bird isang ibon, fying lumilipad...

salamat iya. medyo madalang na talaga ko maka pag post.

tahan na ha...

gandang araw sayo ^^

iya_khin said...[Reply]

@ISTAMBAY huwaaaw si banjo!!! yiiiii!!! kala ko di ka magpaparamdam! hahaha! talaga crush mo din ako?! di ka kaya sumemplang lang?! hahaha! kinikilig ako parang nawiwiwi lang ganun.hehehe

ala overflowing pa din ang luha ko, ewan ko ganto na talaga to.

kiko said...[Reply]

:sipol: lang muna

Joanne ;p said...[Reply]

ang sexy mo naman pala kaya ang dameng nahuhumaling sayo, haha..

Superjaid said...[Reply]

ikaw na sis. ikaw na ang sexy!ang dami mong kalalaki!pakurot nga sa singit. haha

ang dami kong tawa dito ganda sa mga comment ng readers mo grabe lang. babasahin ko din ang part 1.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review