Monday, 17 November 2014

1st love (PART 1)

Posted by iya_khin at 04:57 1 comments
Noong unang panahon nung maliit pa ako ang sabi ng nanay "don't talk to strangers." Yan naman diba lagi ang bilin sa atin "NOONG UNANG PANAHON"..pero iba na ngayon.

"can you be my textmate?"
"Sure!"

Simple, walang kahirap hirap, old school pa nga yan eh! Nowadays makakita lang ng pogi at magaganda't seksing babae mangitian ka lang eh bibigay na agad! kaya madaming naloloko tas in the end ngangawa-ngawa! waley lang di ako makarelate :p

google image
Naalala ko tuloy yung 1st crush ko cguro nasa grade 2 palang ako nun, kyut din ng name nya di ko malilimutan.. "TON-YING" you're no cleaning!!  Yan tawag sa kanya ng mga uhuging bata dun sa may amin! Eh paano ba naman, ang dungis-dungis ng damit nya di ko alam kung saan sya nagsususuot pero sa mata ko.. "ang kyut-kyut nya ate charo!!"

google image
1st year highschool ako nung matikman ko ang matamis na unang halik....1st kiss! chaaarrrr! naset up ako ng mga jologs kong klasmayt! Napakamalas ko naman talaga!! Dream ko pa naman noon eh yung magiging first kiss ko nasa gitna kami ng hardin ng prince ko, surrounded with flowers... gumamela, santan at rosas! oh diba taray! mga ganung eksena sana ang pangarap ko...kaso planggak sa plangganang butas, gumuho ang lahat! Nayurakan ang buong pagkataon ko, dahil sa likod ng pinto ng 1st year high school classroom ako ninakawan ng halik! hayooooooppp!!! 

google image
1st kiss means 1st embarrassing moment
Alam nyo naman pag highschool di maiiwasan ang asaran, syempre nalaman ng buong bayan!!! parang gusto ko nalang mag-melt down nung mga araw na yun sa kahihiyan, dinaig ko pa ang bandera sa kahalayang ng pang aasar nila. pakssyyeeett!!

google image

1st bulakbol
At dahil mayaman si mamah at si papah syempre I studied at a private school. Private school means mahigpit ang seguridad katumbas naman ang mataas na matrikula! kamote! 
2nd year highschool - Dahil sa mga good fellow dabarkads ko, umagang-umaga palang eh nagplan na silang mag-cutting classes, diba masaya?! Ako na walang kamuwang-muwang eh kasali pala sa plano nila, asar din ako actually that day kaya wala din ako sa mood pumasok sa VALUES class ko kaya napilitan akong sumama. VALUES.... bawal ligawan ng titser ang studyante..kapalit nito 92% grade sa class! With a fake names and fake excuse letter nakalusot kami sa guwardya, nagcut class para manood ng sine! Kinabukasan, suspended kaming lahat! From head to toe ang takot namin dahil pinapatawag ang parents namin sa school..ang ginawa.. lumayas kaming lahat! kawawang nilalang..chooss... mga 1 day lang naman  kami nawala kasi nahanap kami agad ng aming mga butihing magulang..kami na ang bad cheetah! :p thanks to etchoserang frogs di tuloy kami nakatumbling papuntang cebu!




to be continue...epal 'tong amo ko!







Wednesday, 8 October 2014

LIFE vs ME

Posted by iya_khin at 06:00 2 comments
minsan di ko na talaga maintindihan bakit ganito ka shit ang buhay ko, masama ba akong tao? Yung mga masasamang tao nga di ganto ang layp nila bakit ako ganto ng ganto lagi?

Paksyet talaga nakakaurat na!! Ano ba naging kasalanan ko ha?! ha?! ha?! 

Bipolar?!! ako na!! Ganun naman lagi, in the end kasalanan ko lagi, ako na laging mali! Ayos diba? Gusto ko lang naman ng maayos na buhay, simple lang naman ang mga pangarap ko pero bakit laging pinagkakait?

Minsan gusto ko nalang magpakamatay...

Ganto na ba talaga ako ka worthless?

Ganto nalang ba ako kapangit?

Tingin ba nila isa akong shit?!

Lahat iniiwanan ako, lahat sablay... tang-ina talaga... ano ba nagawa ko?

Lagi nalang akong naloloko..o nagpapaloko lang talaga ako?

Wala.. wala na akong gana... lahat ng gawin ko di pa din sapat.

Wakasan ko nalang kaya ang buhay ko, matutuwa siguro ang lahat!

Ako na ang madrama, ako na ang mali, ako lagi ang sablay...

kasi ako lang naman ang marunong umamin ng kasalanan ng iba..

Lahat kasi sila malinis...

Diba masaya?!!!


That's life.. so fucking life!!





Wednesday, 24 September 2014

anong meron?!

Posted by iya_khin at 01:49 4 comments
hala!!!!!! Nalimutan na kita!!!! Sensya kung ngayon lang ulit ako nakapagpost medyo busy na kasi ako sa outside world tsaka hindi pa naman ako naeemo lately...hmmmmmm...

Well anyway, kamusta mga peepz? may nadadaan pa ba dito? forgotten blog?! Yung mga kasabayan ko naglaho na sila, yung iba tuluyan ng nilisan ang personal blogs nila at gumawa na ng pangkabuhayan showcase! Happy for them though!! hehehe!

Eh ako, kamusta naman?! same-same pa din, still using the same domain ng blogger.com. FREE is GOOD! lol!

Gusto ko lang magpost ng bucket list ko, hindi ito bucket challenge ha...panis na yun.. natunaw na! :p
Waley lang, baka may mga anghel sa langit na mapadaan at mabigay ang muting kahilingan ko. (if ever lang naman!) Wala naman ata kasing nakakaalala, i'm one of the forgotten.. you know... (u-meemo na..) hindi kasi ako VIP kaya sa tabi-tabi lang ako.. that's layp!!! PAAAK!!


BUCKET LIST 1234:


 WATER BOTTLE: gusto ko  'to kasi para di na masyadong messy pag gumagawa ako ng water detox. tsaka nakaka-encourage lalong uminom ng tubig pag ganto water bottle mo.

 IPOD TOUCH GEN 5: hindi naman ako masyadong maluho, ayaw ko ng iphone 6 ayos na ako sa cherry mobile android phone ko. (Apollo type) lol Need ko to kasi for my...... rakets!! #bodypump #gxtrainor pero take note 32GB is excellent for me! O diba di naman ako maluho talaga! hehehe!

 BODY PUMP SHIRT: kelan kaya ako magiging sponsored athlete? LELS!!

LESMILLS LEGGINGS: syempre pag may shirt dapat may katerno! ganun yun! :p



BOODLE FIGHT: isa sa mga pangarap ko 'to!! haaiistt kelan kaya?!!


DARK CHOCOLATE CAKE: hindi ako fan ng super sweet food, gusto ko yung medyo bitter! parang lablayp lang dapat may challenge hindi puro sweetness, nakakaumay pag masyadong matamis! :p

 BALLOONS: gusto ko kasi kumanta ng "Ako ay may lobo, lumipad sa langit, di ko na makita pumutok na pala." ma-irelate lang.


PS: ALL OF THE ABOVE ARE OPTIONAL

Bakit ko na isip 'to? isipin nyo?! lol

Papansin lang ako.. alam ko naman nakalimutan nyo na ako..


Magtirik nalang tayo ng kandila.....


Thursday, 24 July 2014

LERRRIIIITT GOOOO!

Posted by iya_khin at 01:43 5 comments

"Willingness to let go.."
Parang ang dali, pero i like that.. chaaaar!!!

Magbabalik tanaw ako, ano nga ba yung mga plano ko dati? Yung MGA PLANO ko dati..
Madami, pero ni isa sa mga planong yun wala akong maalala. Ok fine, example, halimbawa.. plano kong maging artista o diba bagay?! Dati kasi puro ako iyak sa sobrang drama ng buhay ko kaya na isipan ko dati i-approach ang GMA o ABS-CBN para isapelikula yung buhay kong puno ng kadramahan, syempre dapat ako ang magiging artista at bida. (yeah right korinks!)

Shaaakeerss wala talaga me maalala, anobeey! Ito na talaga siguro yung point na alam ko sa sarili ko na nakamoved on na ako at na-let go ko na yung mga plinano ko dati o di kaya naman natupad na yung mga plinano ko.

Sa totoo lang ang daming mga plano pero failed.. sucks!

Yaaktuwalii... from those failures natuto akong tumayo at lumaban, dahil sa mga planong naging drawing at mga pangakong napako natuto akong manindigan sa sarili ko. Bakit kamo mga planong pangako?! Ganto...

Scenario:

girl: uuyyy babe help mo naman ako, plano kong magpatayo ng palasyo tas gusto ko maging prinsesa.

boy: naku babe ako bahala sayo, ako ang magpapatayo ng palasyo para sayo.

girl: (nag-isip...) ok fine, basta 'to yung plan ko na plan na natin ha!! promise mo yan ha?!

boy: oo, i swear by the moon and the stars in the sky..

pagkatapos ng mahabang paghihintay..walang palasyo...may dumating na wicked witch...sinapian si boy..naanay ang binubuo palang palasyo...karma is a bitch..na-yolanda si boy at si wicked witch. - the end

So nasaan si girl?!

Nasa far far far far away land kumakanta ng LERRIT GO, LERRIT GO! 

Natatawa nalang ako pag naalala ko ang mga shitness sa buhay ko, PAAAAKSYYEET, buti at nagising na ako. Simple lang naman ang mga plano ko dati, maayos na tahanan, maayos na pamilya, yun lang naman.. pero it takes a lot of effort.. a life time effort which for OTHER people is very hard to handle. lels parang handle with care lang!

Pero nasaan ako ngayon? Nandito ako sa lugar na di ko naman planong pumunta, sa lugar na hindi ko planong magtrabaho, sa lugar kung saan ko nalaman na malakas pala ako at kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Nakaya kong mag-isa sa tulong ni AMA. oopppss wag kayong iiyak, ayoko ng drama! :p

Ang daming nangyari sa buhay ko na hindi ko naman plinano, kasi SYA yung nag-plano para sa akin.

"For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." JEREMIAH 29:11

Hindi ako relihiyosa madami akong kabaliwan at madami akong naging kasalanan, pero ang masasabi ko lang wala akong inagrabyado at nilokong tao... ako kasi ang naloloko.

Heniwaaayss..balik tayo dun sa willingness to let go.

Di naman masamang mag-plano lalo na kung eager ka talagang matupad ito pero expect din sa mga failures, dapat handa ka sa mga magiging resulta mapabuti man o mapasama. Dapat tanggap mo, dapat matatag ka at the end of the day kasi pag hindi, at kung hindi mo kayang harapin ang kalalabasan it will lead you to distraction which ayaw natin lahat mangyari.

Kung beyond imagination naman ang mga plano mo, aba eh mag isip-isip ka, reasonable ba naman? Well ikaw lang ang nakakaalam.

body pump #lesmills
 when life is so hard for you to carry.... "SQUAT IT DOWN"

Hindi ko po plinanong maging GX instructor, adik lang ako dati sa gym dahil ito yung naging lunas sa kaek-ekan at depression ko before. Pero eto ako ngayon.. hindi ko aakalain... dahil sa tinding burden na pinapasan ko dati, natuto akong buhatin at dalhin ito sa ganitong paraan.. may future pala dito! LOL

Dito nya ako dinala, ni-mold nya ako para maging strong.. :)

Sana kayo din..

He has plans for you as well... just trust and hold on unto HIM.




Wednesday, 9 July 2014

ISANG BUTIL

Posted by iya_khin at 02:05 5 comments


Paano kung isang araw mag-papaalam na sya?
Paano mong haharapin?
Paano mong tatanggapin?
Paano mong makakaya?
Paano kung isang araw pag-gising mo wala na sya?
Paano kana?

Ang daming bagay sa mundo na di mo talaga maintindihan, ang daming tanong na hindi mo alam ang sagot o kaya naman ayaw mo lang talagang sagutin kahit alam mo na ang sagot. Bakit? Dahil takot kang harapin ang katotohanan, natatakot ka sa kalalabasan. Ang hirap.... damn...

Wala lang, feel ko lang mag-emo today nakakamiss din kasi mag-emo paminsan minsan. Nakakamiss minsan yung papatakin mo ng isang butil ng luha ang isa mong mata, o sige gawin nating dalawa. Nakakamiss malinisan ang mga mata dahil sa pag-luha.

Naiiyak talaga ako... 

Sabi pa lahat ng bagay may dahilan, lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay nakatakda. hmmm.. depende din siguro kung paano tayo magdesisyon sa buhay, consequences of our choices ika nga. 

"cards on the table we're both showing hearts
risking it all, though it's hard
cause all of me loves all of you.."

Paulit-ulit sa utak ko.. LSS ng million times!! 

This point of my life, eto na yata yung masasabi kong i'm risking it all... basta..putteeek naiiyak na naman ako. So hirap grabe!!!! Maraming beses na akong nag-risk pero eto buong pagkatao ko na talaga, ito na yung last card ko kung baga, no moves... 'to na talaga yun.

As you grow older you see things much clearer pero eto yung point na natututo na tayong magbulag-bulagan, kasi alam mong you cannot turn back time anymore. Hindi na tayo bumabata, yung mga choices natin ngayon matters so much, time is running. Kung yung dati carefree lang tayo during our teen days, pero ngayon naghahabol na tayo sa oras, our decision matters the most.

Sa aspeto ng kultura, pamumuhay, relihiyon di naaangkop, magkasalungat at di talaga magtutugma... wala kang magagawa... "mag-dusa ka!!!" lol

Pero bakit?!

Ang gulo....

Ang gulo ng buhay ko...

itatakbo at i-gygym ko na nga lang 'to!!!











Sunday, 22 June 2014

self explanatory

Posted by iya_khin at 01:52 5 comments
Dear You,

Kamusta kana? tagal na natin di nakakapag usap ah? Balita ko madami ka ng na achieved sa mga nakaraang taon. Himala din di kana nag-popost ng mga kaemohan, good sign yan tuloy mo lang. Alam mo miss kita, pareho na kasi tayong busy..hmmm alam mo na.. umiiwas na madapa ulit.. kakasawa na kasi diba? Positive lang tayo lagi ok, kahit madaming mga kryptonite sa paligid straight forward lang, di naman tayo pinapabayaan ng tatay natin sa itaas.

Natutuwa ako sayo kasi laki na talaga ng pinagbago mo, pero it's still the same you.. loka-loka ka pa din! :p
Believe nga ako sayo kasi di ko alam san mo pinupulot lahat ng lakas mo sa katawan, tapos nagagawa mo pa din ngumiti at bumungisngis.. kilala kita.. may kurot pa din sa puso mo di mo maitatago yan.

Alam ko na minsan sumasagi pa din sa isip mo, yang mga worries mo alam na alam ko yan, amoy na amoy kita. You're trying to fake it pero I know once in a while pumapatak pa din yang mga luha mo..naku...tama ako diba?!!

Ok lang naman yun natural yon, natural na din sayo yon, ang importante kaya mo ng dalhin ang sarili mo kaya mo ng sumabay.. di kana nagbabalak maglaslas! lol adik ka! Pero alam mo i'm really so proud of you, atleast you proved yourself na hindi ka mahina, hindi ka talunan lalo na lakas ng faith mo na ewan ko san nangagaling. (ang bait mo sana kunin kana ni..... ) hehehe!

Basta relak-relak ka lang ok, dito lang ako lagi to support you. Be happy, maraming nagmamahal sayo nandyan lang sila yun lagi mong tatandaan. Lahat ng plans and dreams mo in time makukuha mo din yan, kasi alam ko ang nasa puso mo.. alam ko ang motives mo. chillax, wag kang nerbyosa!

Cge basta sa susunod usap ulit tayo ha, wawa naman din 'tong blog mo di mo na nauupdate! namimiss ko na mga tula mo at ka ek-ekan mo dito! hmmmm.. in fairness di na bumabaha ng luha dito ah! (pwera usog!!)

Cheers!!

me xoxo




Sunday, 4 May 2014

the truth....

Posted by iya_khin at 23:35 0 comments

Anong mas gusto nyo, yung totoo o yung totoo?!

Maraming pangyayari sa paligid natin na di natin maintindihan at in the first place kung bakit nangyayari yung mga sitwasyong di natin inaasahan.

Gusto mo ba masampal at ang sasampal sayo ay yung katotohanan? Mas masakit kesa sa pisikal na dadapo sa mukha mo ang isang malapad na kamay, panandalian masasaktan ka, medyo mabibingi pagkatapos paglipas ng mga 1 minuto mamumula at mamamanhid pero mawawala din bago matapos ang araw.

Pero ang malaman ang katotohanan, yung inaakala mong perfect life, perfect friendship, work, marriage, heatlh..ect.. balat kayo lang pala. Binulag ka ng mga taong nasa likod nito, binulag ka para di mo makita ang tunay na sitwasyon.. handa kana ba malaman ang totoo? Mas masakit sa sampal.. mas masakit.. dahil buong pagkatao mo masasaktan.. ilang oras? ilang araw? depende sa kakayanin at malalagpasan mo.

Masakit malaman ang totoo lalo na kung ikaw pa yung huling makakaalam nito.

Ang totoo kasi.....


END -






Wednesday, 2 April 2014

emo 101

Posted by iya_khin at 00:44 0 comments
Paano nalang sa pag-gising ko’y wala kana
Sa pagmulat ng aking mga mata’y di kana masilayan
Paano nalang kung ako’y muling mag-iisa
Makakaya ko pa ba, kung pati ikaw ay mawawala?

Paulit-ulit ng nabigo
Paulit ulit ng nasaktan
Walang kadala-dala
Paulit-ulit nalang…

Mabuti pa nga sigurong mag-isa
Di na masusugatan, di na masasaktan
Sa paglipas ng panahon pagod na ang aking puso

Ayoko na..hindi na siguro.

from pinterest



Monday, 24 March 2014

huli ka balbon

Posted by iya_khin at 00:50 0 comments
Buhay nga naman..parang layp lang…

Sa dinami-daming issues at news sa kung saan-saan, mapa-tv, radio, dyaryo at sa internet.. isama mo pa yung iba’t ibang apps ng android at apple ios at kung ano pang mga kachorvahan all around the world..nakakahilo..nakakabaliw.. ano ba talagang nangyayari sa earth at sa mga earthlings?!

Ang daming pampagulo sa mundo, ang dami-daming mga bagay na hindi mo maintindihan, mga bagay na dapat hindi mo iniintindi pero dahil mahilig tayong umepal by nature eh nakikiepal nga tayo, nakikiuso, nakikisabay. Maraming nasasayang na panahon, pera, effort at pagmamahal. So dami din nasisira, nawawala, isama mo na yung Malaysian airline, daming epal pero ‘til now natagpuan na ba?!

Nahanap na ba?

 Nahanap mo na ba?

Saan ka tatakbo?

 Kanino ka magtitiwala?

Kung halos lahat palpak…

Kelan, Saan, Kanino.. magtitiwala?

Kung paulit-ulit itong nasisira.

Wala lang…


“Ang kailangan mo lang naman talaga eh yung taong pipiliin ka hanggang sa HULI

Yung kahit maraming MAS sayo, di ka parin IPAGPAPALIT… “

PS:
wala pong kinalaman yung title ng post na 'to! :p



Thursday, 20 March 2014

LSS paulit-ulit!!

Posted by iya_khin at 05:19 0 comments
ewan ko ba pero gusto ko talaga 'tong ishare sa blog ko...

nakakainlove kasi lalo na nung narinig ko 'tong cover ni Luciana Zogbi. :)



sana naging ganto din ang boses ko..... haaaiiist... asa!!

Thursday, 20 February 2014

Isa kang......

Posted by iya_khin at 04:52 0 comments

Demonyo..

Isa kang demonyo…
Sa likod ng maamo mong mukha’y mapanlinlang mong mga gawa
Nagkukubli’t  nag-aabang, balat kayo balat kayo
Puno ng kasinungalingan, kakaiba kang talaga.

Isa kang demonyo…
Sa dugo mo’y nananalaytay kasakimang taglay
Balat mong kulay perlas, ngunit sa paningin ko ika’y naaagnas
Banal-banalan sa publiko, salot ka sa buhay ko.

Isa kang demonyo…
Lahat ng pag-mumura’y gusto kong ipukol sayo
Hangad ko ang kamatayan mo
Sa araw ng burol mo magpapa-fiesta ako!

Demonyo…
Demonyo ka!
Demonyo ka!

*tang-ina!! Bakit kasi mahal kita?!


Sunday, 26 January 2014

UN - happy meal

Posted by iya_khin at 02:27 0 comments
Last month nung bakasyon ko medyo marami-rami din akong naging dull moments... 

hmmmm.... naalala ko lang bigla..

may mga araw akong nasa bahay lang talaga at pinaiiral ang pagiging isang maganda, sexy at ulirang-ina. :p
dahil din 1 beses lang ako nakakauwi sa loob ng isang taon kaya sinulit ko talaga yung bonding namin ng unico hijo ko, gala dito gala doon. inuman kaming dalawa pag-bored kami! ang cool kong MOM diba?! gusto ko talaga lagi kaming magkasama, kaso syempre medyo nag-bibinata na ang anak ko eh minsan gusto nyang nasa labas at nasa computer shop.. lintik na LOL yan! agaw eksena!

Nung una lagi ko syang tinatanong anong ginagawa nya sa computeran, biruin mong sasagutin ako ng LOL!! LOL ng LOL!! LOL ka din! asar talo!! Nakakatawa ba ako at LOL sya ng LOL?! tatay mong ulol

Tas ayun na-gets ko din yung gusto nyang sabihin.. league of legends pala! bwiisset! pasensya, clash of clans lang kasi ang alam kong laruin now adays! di naman ako masyadong old school dabaah?!

Tas isang araw super bored kami pareho ng anak ko kaya pareho kaming nakahilata sa kama. relaks-relaks pag-paubos na ang pera, mga ganyang eksena kaya niyaya ako ng anak ko manood sa youtube. Oh diba! WAIS! ligtas sa gastos para manood ng sine.. nanood kami sa youtube gamit ang bonggang-bongga nyang phone! thanks to android! LELS

shooooot! anong pinanood namin.. dahil pareho kaming BATA isip-bata ni-introduce nya ako sa isang kakaibang cartoons na hindi ko alam na nag-eexist! oo, cartoons!! mahilig ako sa cartoons! xxx cartoons sailor moon at dragon ball z.. joke! Nung napanood ako for da perstaym napa...OMMMMAAYYGAAD ako sa anak ko!!! parang gusto ko ng maglaslas sa tuwa!!! ito na yung masasabi kong my Favorite Cartoon, papalitan ko na yung sagot ko sa slam book! uso pa ba?!

so anong cartoons ba ang tinutukoy ko?! cartoons sya pero hindi pwede sa bata! oo cartoons nga sya pero bawal sa bata! kulit! pero bagay na bagay sya sa panlasa ko! pasok na pasok sa planganang butas!


Ang kyu-kyut nila diba?!!!! tuwang-tuwa ako sa kanila talaga as in praaamiiiss, cross my heart, mamatay ka man! ang saya-saya ko talaga habang nanonood nito! ang saya ko kasi finally eto na yung best ever kong cartoons na ikinatuwa ko talaga!! maliban kila bert at ernie x-rated 

nakakarelate ako sa kanila grabe... hirap nga talaga ng life nila.. parang ako! sana naging cartoons nalang din yung mga !$$^%&^*^% para magawa ko yung tulad ng ginagawa sa HTF. :p



Depressed ako now.. kaya magbababad ako sa kanila mamaya...







Wednesday, 8 January 2014

a very sad post

Posted by iya_khin at 04:25 0 comments
Hindi na uso ang new years resolution gasgas na gasgas na 'tong ka-etchusang ito! Bata palang ako dami ng resolution ang mga narinig ko, mga plan at pangakong gagawin sa bagong taon pero di pa natatapos ang buwan ng Enero nalimutan na ang mga plans at listang gusto mong gawin at baguhin! pati utang kinalimutan na din! paksyeeeet!

Napansin ko pala sa lugar namin nung bagong taon.. wala ng gaanong nagpapaputok, ang pobre naman ng lugar namin.. i feel bad.. nakakahiya! LOL

Pero totoo nga, mangilang-ngilan lang yung may mga paputok! Buti pa si Glentot nauna ng mag-paputok! :) Wala na din yung mga mahilig tumambay sa labas matapos ang putukan, wala na yung mga maiingay na tambay, lasenggo at adik sa kalsada. Ilan lang din yung mga nag-vivideoke at wala ng mga batang makukulit na nag-eexhibition ng watusi na inaalog-alog sa loob ng kamay nila! (nalason na ata silang lahat!) pati yung mga lusis na nasa walis tingting wala din akong nakita! Nyyeetaaa!! Hindi ito ang new year na expected ko.. nasa pinas ba talaga ako?!!!!

Na-sad talaga ako... wala kasi akong nasaksihang naputukan eh! sayang.... :(

Balik ibang-ibayo na naman ako, 2 linggo lang ako kaya super bilis di ko namalayan. Dami ko sanang gustong gawin at puntahan kaso wala eh..hirap talaga mag-adjust ng oras at araw...

Sad ulit ako... ewan na pero emotera pa din ako hanggang ngayon at walang pakialaman! Pero di na gaano.. magaling na kasi akong magtago.. namimiss ko ang anak ko.. super big boy na sya!! omaaygaaad! Sana di muna sya mag-aasawa, wawa naman me pag nagkataon...

Walang sense ang blog ko.. basta gusto ko lang mag-tipa...

Namiss ko sila Senyor Iskwater at Arvin..super saya ko nung dalhin nila ako sa Asian Massage ng alas-kwatro ng madaling-araw at nabigyan ako ni ateng maganda ng xoxo hard massage.. alam ko nasiyahan sya sa beautiful naked body ko! Ang sarap mo din ate!!! lels

Hindi ko maupdate-update ang SHUT UP AND BURN kong blog.. enggglleessshh kasi!! ang bobo ko masyado nahihirapan tuloy ako! 

Super lamig na dito... buti nalang mainit lagi ang gabi ko! bibu-bibu-bibu-bibu

Nung SBA pala super saya ko, walang uwian talaga ang peg! actually takot akong umuwi! kamusta naman ang byahe ko at takot din ako kasi baka maagaw pa ang puri ko, kaya ayun overnight kami sa.... saan ba yun?!! Habour Square?! tama?! Hindi para mag-lasingan walang ganung eksena, kundi para mag-paduguan ng utak! Thanks again to Senyor at Bino kayo na talaga ang Henyo, buti nalang katabi ko si Glentot.. wala.. wala syang naituro sa akin.. ayun katabi ko lang talaga sya!

Thank you din pala kay Sexy Zen! talagang nag-stay sya for me.. thank you din sa shirt nahiya akong bigla.. namula ang face ko.. nag-abala ka pa talaga.. sayang di kita na lips to lips na torpe kasi ako! hehehe! joke!

So ayun, walang kwenta 'tong blog ko.. kwentu-kwentuhan lang.. bawal kasi ang kant..kant.. kantahan nasa opis ako.. eto pinapasahod nila ako habang nag-bloblog lang ako.. o diba ang saya! wag lang mahuhuli ng amo kong bansot!

Bagong taon na, positive nalang tayo kahit madaming negative sa paligid natin, di na natin talaga maiiwasan yun. Keri-keribels nalang, tuloy lang ang buhay.. sabi pa ng pamangkin ko..


 "Bawal ang sad!"





LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review