Wednesday, 31 October 2012

tula 101

Posted by iya_khin at 04:08 11 comments
wagas

Basag basag na pangarap isa-isang pinupulot
Pirapirasong alaala unti-unting hinahabi
Sa pagkakalugmok dahan-dahang bumabangon
Bangungot ng kahapon syang ibinabaon sa limot.

Sa kabila ng lahat puso’y patuloy na nanaghoy
Mga patak ng luha sadyang di mapigilang dumaloy
Pagsapit ng dilim pilit itinatago’t inililihim
Damang dama yaring sakit naninimdim.

Makakaya mo bang mahalin ang isang tulad ko,
Yaring sira-sira buong pagkatao ko?
Hindi perpekto’t madungis ang nakalipas
Kung di rin lang nanaisin nalamang magwakas.

Hanggad ko lamang na ako’y mahalin
Tunay at wagas yung matatawag kong akin
Hindi ako laruan para iyong pagkatuwaan
Ako’y tao lang marupok nasasaktan.

Hawakan mo ang aking mga kamay
Damhin mo ang mga yakap ng katawan kong lupaypay
Tamis ng aking mga halik sayo’y iaalay
Puso kong sawi wag mo sana hayaang mamatay.


Tuesday, 23 October 2012

undercover

Posted by iya_khin at 04:27 12 comments
tumblr
Side by side laying down next to you
Touching you as I feel the warmth of your skin
Never have I imagined that we’ll be as close as this
Too good to be true but here now I’m with you.

I’ve searched for you all my life
Been into many places high and low
Crossed the deep blue ocean, 
Gazed upon the city skyline
and might see you in the twilight.

In the midst of my sanity I’ve waited
Listened to music ‘til my head bleeds
Held back myself though I’m about to fall
Clock’s ticking I’m almost tired chasing.

Then suddenly a door has opened
Went inside this cold dark room I was about to trip
And to my surprise someone was waiting
It was hiding underneath those black sheets.

You’re so cryptic never gave me a clue
All these years I’ve been looking for you
You’re supernatural that’s why I love you
Yes I found you covered with your tattoos.


Sunday, 21 October 2012

it's sunday...emo day...

Posted by iya_khin at 04:08 8 comments
google

“ Minsan kailangan mong pakawalan yung mga bagay na nagpapasaya sayo, lalo na’t sa umpisa palang alam mo ng hindi ito laan para sayo.”

“Paano mo ipaglalaban ang isang bagay na alam mong wala ka naman talagang kalaban-laban?”

“Paalam....salitang kay hirap bitawan, isang salitang malalim kung makatagos sa puso lalo na’t ang salitang ito ay nagmumula sa isang taong napakahalaga sayo o nagmumula sayo mismo. “

Eto na naman at inaatake na naman ako ng kaemohan sa katawan ko, kelan kaya ako maglelevel up at iba naman ang maitipa ko. Omen na talaga siguro sa akin ang pagiging madrama, aba ewan! Kung sana man lang eh may makadiscover sa akin para naman pagkaperahan ko ‘tong kakanguyngoy ko at kakaiyak, sana yung luha ko kumikita ng salapi! Tsk! Asa!

Hindi naman ako mahilig manood ng teleserye, di din naman ako mahilig talaga manood ng tv lalo na kung kadramahan ang palabas. Madrama na nga ako sa totoong buhay makikidrama pa ba ako sa mga palabas sa tv hindi siguro!

Ewan ko ba pero nung isang araw umiyak lang ako ng umiyak magdamag, di ko din maintidihan sarili ko. Basta umiyak lang ako ng bonggang bongga hanggang sa magmugto ang mga mata ko hanggang 1pm til 5am. Oo ako na! Basta pag uwi ko ng bahay nagpalit lang ako ng damit pambahay tas nahiga tas nagpatugtog sa ipod ko..playing..album ni Adele, tas yon..BOOM!

Hiding my Heart Away by Adele, ‘to yung song na paulit-ulit kong niplay, paulit-ulit…….hanggang mag-sink in..aaaggghh…dinama ko talaga ang lyrics ng song na ‘to..kakalungkot talaga..putek naiiyak na naman ako.

"I wish I could lay down beside you
When the day is done
And wake up to your face
Against the morning sun
But like everything I've ever known
You'll disappear one day
So I'll spend my whole life hiding my heart away."

Sabi nila huwag kang makikinig ng songs ni Adele lalo na pag nag-iisa ka, pero matigas ang ulo ko nakikinig pa din ako. Di ko talaga mapigilan yung sarili ko sa pag-iyak para tuloy akong lokaloka! As if naman hindi! Ang daming pumapasok sa utak ko na nagdulot o ha dulot talaga ng pasakit sa puso ko nahirapan tuloy akong makahinga….

Sa aking silid ako’y nagkubli
Mga matang luhaan sarili ko’y sinisisi
Mga bagay na sa aki’y bumabagabag
Pag-ibig ang kailangan hindi ang iyong habag.

Sa aking pag-iisa kalungkuta’y damang dama
Pangunguli sa kahapong kay ganda’t kay saya
Ngunit naglahong lahat ng siya’y lumisan
Pighati’t pasakit ang kanyang idinulot ng ako’y kanyang iwan.

Ngayon heto ka’t nag-aalay ng iyong pag-ibig
Pag-ibig nga ba at hindi kasinungalingan ng iyong bibig?
Sa tulad kong nakakulong sa hawla
Makakaya mo bang ako’y mapalaya?

Kung hindi lang tunay itigil mo na
Masasayang lang ang pahon masasaktan mo pa
Pagkatao ko’y  yaring basag na basag na
Mas mabuti pang mag-isa kung wala din naman pag-asa.


Haaayyy…it’s Sunday at nasimulan ko ng ganitong post, saya….




Monday, 15 October 2012

Si Aida, Si Lorna, Si Fe at AKO

Posted by iya_khin at 05:43 7 comments
google
Tatlong babae, di magkamayaw kung sino
Tatlong alas, ang pang-apat ay ako
Tatlong mukha, kaakit-akit, nakakalito
Tatlong eba, sinong pipiliin mo?

Si Aida, isang babaeng mayumi
Di makabasag pinggan animo di’y pipi
Kagandahang taglay, ika’y lubos na mawiwili
Huwag kang palinlang, si Aida’y may sapi.

Si Lorna, kakaiba parang lalaki kung umasta
Takot sa kanya maging mga basagulero sa kalsada
Maliksi, palaban di patutumba
Ngunit sa tuwing nag-iisa, luha’y dumadaloy sa kanyang mga mata.

Si Fe, haliparot, pokpok, malandi, kaladkarin
Walang modo, bastos, boba ganun kung sya’y tawagin.
Kaliwa’t kanan lalaki nya’y kay dami-dami,
Isa,dalawa,tatlo, kasinungalingang kanilang sabi-sabi.

Si Aida, Si Lorna, Si Fe
Iba’t ibang karakter, iba’t ibang pagkatao
Balat kayo, balat kayo, sino ba sa kanila ang totoo?
Tatlong babae, mga mata’y imulat ninyo.

Si Aida, Si Lorna, Si Fe
Hulaan mo, kilala mo ba sila?
Masasabi mo ba kung sila’y nasa harapan mo na?
O sandyang bulag ka, ayan na’t di mo pa rin alintana.

Si Aida, Si Lorna, si Fe at Ako
Bakit pati sarili ko’y idinadamay ko dito?
Tatlong babae, ano ba ang mapapansin nyo?
Katulad din nilang tatlo…

……..hindi ako perpekto.


Tuesday, 9 October 2012

Sa Aking Paglisan

Posted by iya_khin at 05:19 30 comments

Sadyang kay bigat ng nadarama
Mistulang istatwang di makawala
Pangamba sa buong katauha’y hindi maikaila
Sadyang kay bilis di makapaniwala.

Sa aking paglisan bitbit ang iyong larawan
Masasayang mga alaala aking binabalikbalikan
Mga ngiting alay ng iyong mga labi
Mistulang bahaghari, pag-asa na aking minumutawi.

Sa aking paglalakbay milya-milyang daa’y tinatahak
Karagatan na sadya nga namang napakalawak
Himpapawid, alapaap halos abot kamay
Oo nga’t nakakamangha, ngunit sa puso ko’y may lumbay.

Malibot ko man ang buong mundo
Mapuntahan ko man ang iba’t ibang palasyo
Masaksihan at malasap ko man ang mga rangyang alay nito
Aanhin ang lahat, kung nag-iisa naman sa ibang ibayo.

Sa aking paglisan bitbit ang iyong larawan
Syang tanging lakas upang patuloy na makipagsapalaran
Araw-araw walang patid na nananalangin
Na sana’y dumating na ang araw na ika’y makasama’t makapiling.

Sa aking paglalakbay….


Ang tulang ito ay aking opisyal na lahok para sa SARANGGOLA BLOG AWARDS 4


Monday, 1 October 2012

i'm loving angels instead

Posted by iya_khin at 04:31 25 comments

I sit and wait
Does an angel contemplate my fate
And do they know
The places where we go
When we're grey and old
'Cause I have been told
That salvation lets their wings unfold
So when I'm lying in my bed
Thoughts running through my head
And I feel the love is dead
I'm loving angels instead

Eto na naman mga emoshits ko, my gwaaaadddd ganto nalang ba lagi?!!

Sa kaiisip ko sa’yo, nalimutan ko nang mabuhay at untiang namamatay, Paikot-ikot-ikot-ikot-ikot-ikot-ikot-ikot….

Huwag kasing mag-eexpect ng sobra! Nakamamatay!
Tough?! Who?! Me?!! In denial pwede pa siguro, nakakapagod na… lagi nalang umaasa, lagi nalang nag-hihintay, magmamahal, masasaktan… iiwan.. paksyet!! Wala ba akong K na maging masaya? Sukang-suka na ako sa paulit-ulit na pangyayari sa buhay ko, para tuloy panandaliang aliw, parang 1 night stand, parang isang kisap mata….

kanikanina lang pagkaganda, kanikanina lang pagkasaya-saya..

I started a joke, which started the whole world crying, But I didn't see that the joke was on me, oh no.

Little tongue be careful what you say, what you say… natatablan din ako sa kataliman nito...

Nasasad lang ako now…na naman…yoko ng i-elaborate..it’s just the same topic different stories..yaan na nga..sanay na naman akong nasasaktan ng paulit-ulit…bbbrrrrrrrrr…..

Last week pala I celebrated my 25th birthday…chooos! Di ko pala isinelebrate, nisuprised dinner treat pala ako ng mga kaopismayt ko courtesy of our very BIG boss MD. Thank you talaga sa inyo pinaiyak nyo na naman ako… dahil pala birthday ko binigyan ko ng gift ang sarili ko..asa pa ba akong may magreregalo sa akin?!! Di siguro.. I’m nobody kaya di ko na inaasahan yon..

Last, last, last at isa pang last week eh nihalughog ko si mang-google… naghahanap ako ng sakit sa katawan! Puro kasi puso at utak ko lang ang nasasaktan kaya para maiba naman katawan ko naman ang sasaktan ko…yeeeah let’s get physical!!

Alam nyo ba na mahilig ako sa angels?! Isali nyo pa si Angel Locsin basta angel gusto ko, mapapicture, wallpapers, figurines, books, ect.. anything basta about angels. Pinaayos ko kasi yung old tattoo ko which I have since 1998. Ayun magbilang kayo!  Actually I was inspired by it because of my mom; she’s the most beautiful angel I’ve ever seen! I love her so much…hala…naiiyak na naman ako…oh I’m missing her so much.

Hindi lang basta angel ang tingin ko sa kanya, she’s my everything. Sa lahat ng bagay she’s always there for me that’s why I feel so secure because of her.

So last week I found this website and met this AWESOME tattoo artist! Click nyo DITO!

Una ko palang makita yung blog nya ramdam ko na talaga na HE’s D ONE! Where have you been all my la-hahahaaayypp??! LELS
Tagal ko na talaga kasing naghahanap ng gagawa ng tattoo ko as in! See it took me more than a decade searching for the right person and baby now that I found you I won’t let you go…yiiiiiii! 
my old tattoo
needles...
and there she is!

Thank you po, you just don't know how much it means to me.....

And through it all she offers me protection
A lot of love and affection
Whether I'm right or wrong
And down the waterfall
Wherever it may take me
I know that life won't break me
When I come to call, she won't forsake me
I'm loving angels instead

 


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review