(Babala: ang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang. Lahat ng karakter sa kwentong ito ay hinatak ko lang at dinamay ng wala silang kamalay-malay. Tabi-tabi po sa mga kumakain at mahihinang puso, huwag pong ituloy pag di kaya ng powers nyo.)
Aaaaaaaaaaaaah!!!!!! Nakakabinging sigaw ang narinig ko mula sa ikalawang palapag. Balisa ang isip ko, tagaktak ang pawis ko habang hapong-hapo sa paghinga. Halos mawalan na ako ng lakas nanlulumo na ang buo kong katawan…isa-isa na silang nawala..dalawa nalang kaming natitira pero nasaan sya?
ANG NAKARAAN
Waaah!!! Bakasyon na!! O guys saan ang gala natin?!! Excited na pagtatanong ni LEONRAP sa grupo. Sampu kaming mag-babarkada, si AKONI ang pilyo sa grupo, LEONRAP na maingay, ISTAMBAY na henyo pero astig, KIKOMAXXX da muscle man, MUSINGAN na mahilig mag-magic, DIAMONDR na akala mo’y tahimik pero rock! Sa mga babae naman, si KAMILA muse ng barkada, si JHENGPOT na gifted child, LHULOY ang rich girl ng tropa, at ako si IYA_KHIN simple pero di pahuhuli.
Lahat kami halos magkakasama na simula pa sa elementary, highschool at ngayong nasa kolehiyo na. Magkaiba man kami ng kurso at skwelahan nanatiling solid ang barkadahan. Ewan ba at bakit parang magkakakabit na ang bituka namin. Madalas ang asaran, pikunan, harutan, kulitan pero sa huli’t-huli kami parin ang magkakasama subok ng matibay subok ng matatag.
I think we better hit our resort house in Bicol, my parents just bought a small island there which I think exist since 1800’s, banat ni Lhuloy. Eh paano tayo pupunta dun baka sobrang layo naman, tanong ni Leonrap na umandar na naman ang kakuriputan. Don’t worry I’ll take care of everything, I’ll tell my dad about our plans so he will cover what we need. Anyway he was asking what I like for my birthday present, so better ito nalang para maiba naman…hirit na naman ni Lhuloy na halos kaming lahat napapatanga sa kanya.
Sabado ng madaling araw nasa waiting area na kami ng bahay nila AKONI, nag suggest kasi ang mama nya na si MOMMY RAZZ na sa kanila nalang maghintayan para maiprepare nya kami ng almusal bago kami magbyahe. Iya, tawag sa akin ni Istambay etong jacket suotin mo baka nilalamig ka, mag sumbrero ka din kasi medyo mahamog pa at baka sipunin ka. Una palang medyo mas close na kami ni Istambay, kahit na minsan busy sya sa school works eh inaalala nya pa din ako. Di ko nga alam kung bakit pero di naman sya nanliligaw sa akin. So ayun kinuha ko sa kanya, salamat Banjo ito ang mas gusto kong tawag sa kanya.
Ehem, oist ano yan? Nagmemelt ako sa inyong dalawa! Bara ni Akoni. Sus nainggit ka naman ikaw kasi makulit ka masyado kaya walang girls na tumatagal sayo, sapaw naman ni Jhengpot. Anong wala?!! Akala mo lang yon,pagtatanggol ni Musingan. Kaso lang kailangan ko munang ihipnotyze bago sya magustuhan. Tawanan ang tropa. Habang tahimik lang na nakangiti si Kamila at Diamondr sa sulok.
Be ready guys padating na ang van natin, Kikomaxxx can you please help me with my bags? Lambing ni Lhuloy kay Kiko. Matagal ng may unawaan ang dalawa pero nililihim nila sa tropa, masyadong complicated kasi ang situation nila dahilan sa mahirap lang sila Kiko at super yaman naman nila Lhuloy. Sabi pa nga langit at lupa ang pagitan nilang dalawa. Hey! Tara na!!! Di mapakali si Leonrap at tatalon-talon pa ng makitang padating na ang sasakyan nila.
And then we’re on!
itutuloy